PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pauleen Luna at Vic Sotto, natuwa sa simpleng birthday wish ni Tali

Birthday month ng mag-inang Pauleen at Tali!
by PEP Troika
Published Nov 3, 2022
Pauleen Luna and Vic Sotto with daughter Tali
"It's our season. So much to be thankful for!" sambit ni Pauleen Luna na back-to-back ang birthday celebration sa anak niyang si Tali ngayong Nobyembre. Ipagdiriwang din nina Pauleen at Vic sa November 11 ang ika-11 anibersaryo nila mula nang maging sila.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram

GORGY RULA

Biglang na-excite si Pauleen Luna nang nag-request si Talitha kung anong theme ng birthday party ang ibibigay sa kanya.

Magpa-five years old na si Tali sa November 6, 2022, Sunday.

Ang dami na niyang alam. Nakakabasa na siya nang diretso, at alam na ng bata kung ano ang gusto niya.

Maghahanda raw sila ng maliit lang na party para kay Tali kasama ang pamilya at baka ilang classmates at kaibigan.

"May small party siya sa bahay. Konti lang kami kuya haha!" text ni Pauleen sa PEP Troika.

Naaliw lang daw siya nang nag-request mismo si Tali ng maliit lang na party at nag-suggest pa na Unicorn ang theme.

Wala na raw hininging birthday gift si Tali, dahil gusto lang daw nito ng maliit na party.

Lalong natutuwa ang mag-asawang Pauleen at Vic Sotto kay Tali dahil lalo pa raw bumabait ang kanilang anak.

Nakasanayan na rin nito ang regular na taping sa Love, Bosleng and Tali, na parang bahagi na ng madalas niyang ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw nang isipin ni Pauleen na masundan pa si Tali dahil sobrang happy na sila sa kanilang nag-iisang anak.

Pero ang galing ng bagets dahil minsan ay isinisingit pa nito sa kanyang spiel sa kanilang programa na gusto niyang magkaroon ng baby sister.

JERRY OLEA

Gaya ng nasabi ko noon pa… The family that works together, stays together.

Habang lumalaki si Tali, lalong tumitibay ang pagmamahalan nina Pauleen at Bossing Vic.

Nasa Panginoon na kung iaadya niyang maging ate si Tali.

NOEL FERRER

Hindi kailangan ng pressure. Kung nanaisin at biniyayaan ng Diyos ng isa pang anak sina Bossing at Poleng, OK!

Pero kung si Tali ay destined na maging huling anak na nila, OK rin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mukhang nag-e-enjoy ang pamilya nila sa pagsasama-sama sa trabaho. Kasi, parang hindi naman yun trabaho dahil extension lang ng buhay nila.

Iba na kasi kung trabaho na ang turing nila rito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It's our season. So much to be thankful for!" sambit ni Pauleen Luna na back-to-back ang birthday celebration sa anak niyang si Tali ngayong Nobyembre. Ipagdiriwang din nina Pauleen at Vic sa November 11 ang ika-11 anibersaryo nila mula nang maging sila.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results