GORGY RULA
Sobrang nahirapan daw si Elijah Canlas sa pelikulang Livescream ng The IdeaFirst Company na idinirek ni Perci Intalan.
Kuwento ni Elijah nang nakatsikahan namin sa DZRH nung Huwebes, November 3, 2022, malaki ang nagagawa ng girlfriend niyang si Miles Ocampo para pakalmahin siya nung sinu-shoot niya ang naturang pelikula.
Hindi man sila madalas nagkikita, nandiyan ang suportahan nilang dalawa sa kani-kanyang trabaho.
Read: Elijah Canlas, Miles Ocampo admit relationship
“Kasi po, we’re very supportive with each other and we love each other very much.
“Siyempre, work comes first at the end of the day. But we’re always there for each other. Kahit nasa trabaho, may kailangang tulong, may kailangang advice.
“Ako sa Livescream, siya po yung tumulong sa akin mainly repairing for it and surviving it. Kasi, napakalala ng mga pinagdaanan ko sa pelikulang ito.
"Pero in between takes, I remember tinatawagan ko siya para mapakalma niya ako or whatever,” pahayag ni Elijah.
Isang tawag lang ni Miles, bumabalik daw siya sa normal at hindi na niya nadadala ang bigat ng mga eksenang ginagawa niya sa pelikulang ito.
“Basically just distracting me. Kasi ako, interesado rin naman po ako na malaman kung anong ganap niya or how is she. So, ganun lang. Kumustahan lang, tapos okay na. Nakakalma po kasi siya sa akin, e.
“Just talking to her in general gives me peace,” sabi pa ni Elijah.
Magsisimula na ang streaming ng Livescream sa November 9 sa Vivamax Plus.
Kasama rito ni Elijah sina Phoebe Walker at Kat Dovey.

Elijah Canlas with Phoebe Walker and Kat Dovey
JERRY OLEA
Kahit puno ang kanilang schedule, sinisikap pa rin nina Elijah at Miles na magkaroon sila ng time sa isa’t isa.
Ayon kay Elijah, “Nagkakaroon naman po kami ng free time. And we make sure that and we spend it with each other, and with our family din. Sabay namin, para balance pa rin.”
Mas gusto nila ang tahimik lang na relasyon na hindi lahat ay ipinu-post sa social media at nakikita ng lahat.
Mas gusto pa rin daw nilang may itinatago pa rin sila para sa kanilang dalawa, at hindi na kailangang ipaalam sa lahat.
Privacy rin talaga. Hindi naman kailangan i-share lahat.
“We love keeping some stuff to ourselves na mga memories na gusto naming i-cherish, na kasama ang mga mahal namin sa buhay na hindi naman namin kailangan iano.
“Kasi hindi naman po maiwasan may mga bashers talaga, e. Kahit anong gawin natin, may magba-bash at magba-bash talaga.
"Kaya mas mabuting i-keep namin on the low key yung relationship namin for now, and yun po ang sikreto I guess kaya walang intriga at all.”
NOEL FERRER
Sabi pa ni Elijah, kakaibang horror itong Livescream na hindi yung typical na Pinoy horror film. Dapat daw itong mapanood ng mga kabataang nahuhumaling sa social media.
“Hindi mo po ito dapat pinapanood kasama ang magulang mo. To the point na puwede siyang mangyari sa totoong buhay, kaya siya nakakatakot.
“Kasi po sa Filipino horror, madalas supernatural po, e. Madalas multo, mangkukulang, aswang.
"Eto po, wala. Tao sa tao lang talaga. Kaya posible talaga siyang mangyari sa totoong buhay.
“Lalo na sa panahon ngayon, itong karakter ko nga po, vlogger sa social media. So, posible siya.”
Katulad ng sinasabi ko, not everything is on social media. The best ones are hardly there. Ramdam natin yun.
But the challenge is how to use social media to better our lives. Excited akong mapanood yun sa special screening ng Livescream.
