JERRY OLEA
Magpapakilig ang Kapamilya love teams na sina Francine Diaz at Seth Fedelin (FranSeth), Alexa Ilacad at KD Estrada (KDlex), Donny Pangilinan at Belle Mariano (DonBelle), at Daniel Padilla at Kathryn Bernardo (KathNiel) sa "Tayo ang Ligaya ng Isa't Isa," ang 2022 ABS-CBN Christmas ID.
Pahiwatig ba ito na buwag na talaga ang tandem nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes (SethDrea), Kyle Echarri at Francine Diaz (KyCine), at Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen)?
Siyempre, tampok din sa Kapamilya Christmas station ID ang mga pangunahing artista ng Mars Ravelo’s Darna na sina Jane de Leon, Joshua Garcia, at Janella Salvador. Andiyan din sina Darren Espanto at AC Bonifacio.


Noong Nobyembre 2, Miyerkules, inilabas ang teaser ng "Tayo ang Ligaya ng Isa't Isa," kung saan umawit sina Anne Curtis, Angeline Quinto, Chito Miranda, Eric Santos, Jed Madela, Jolina Magdangal, KZ Tandingan, at Martin Nievera.

Naroon din sina Melai Cantiveros, Morissette, Moira dela Torre, Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, at Sarah Geronimo.
Opo! Nananatiling Kapamilya si Sarah G!

Ang lyric video ng "Tayo ang Ligaya ng Isa't Isa" ay nakatakdang ipalabas sa Nobyembre 11, Biyernes ng gabi, pagkatapos ng TV Patrol.
Ayon kay ABS-CBN Creative Communications Management head Robert Labayen, na sumulat ng bagong Christmas ID, pasasalamat ang tema ng awitin ngayong taon.
“Kahit na marami tayong pinagdaanan, kahit marami tayong bagay na masyadong malaki sa atin na hindi natin ma-control, nandiyan pa rin ang ating mga mahal sa buhay, kaibigan, at kamag-anak.
"Sila ang pinagmumulan ng ligaya natin,” kuwento ni Robert sa panayam ng TV Patrol.
Sinabi naman ni Jonathan Manalo, composer ng bagong himig, na sobrang tatama sa puso ang lyrics ng "Tayo ang Ligaya ng Isa’t Isa."
Teka! May sariling Christmas station ID ang TV5 na mapapanood two weeks from now, “Iba Ang Pasko Pag Sama-Sama”!
If ever, isasama ba roon ang Kapamilya stars? Abangan!!!
NOEL FERRER
Ayan na naman ang iba’t ibang mga istasyon sa kani-kanyang Christmas Station ID.
Ngayong mas open na ang merry making at sunud-sunod na ang public events lalo na mga parties at concerts, ingat-ingat pa rin sa COVID, ha!!!
May mga bonggang Christmas specials pa rin ba ang ABS-CBN at GMA-7 pati na ang iba pang networks?
Parang nag-iba na ulit ang mga selebrasyon. Parang mas may special audience at advertisers ang New Year Countdowns kaysa Christmas Specials, totoo ba yun?
GORGY RULA
Pagmamahalan naman ang mensaheng hatid ng Christmas station ID ng GMA-7.
Magpasaya sa mga tao ang gusto nilang iparating sa video.
Hindi maiwasang pagkumparahin na naman ang mga Christmas station ID.
Pero dahil Pasko at pagmamahalan at pagbibigayan ang tunay na diwa ng Pasko, sana matuloy na ang collaboration ng GMA-7 at Kapamilya Channel sa isang malaking drama series na matagal nang napapabalita.
Nauna nang maglabas ng lyrics video ng GMA-7 Christmas Station ID noong October 23, 2022.
May titulong "Love is in Us This Christmas," pinangunahan nina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Mark Bautista, at Aicelle Santos ang pagkanta nito.
Read: GMA-7 unveils lyric video of its 2022 Christmas station ID
Abangan sa All-Out Sundays sa Linggo, November 6, ang official video ng Christmas Station ID ng GMA 7.
