PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elijah Canlas first time mag-plaster sa Livescream

"Lagi akong nasasabihan... 'dagdagan mo pa ng libog!'"
by PEP Troika
Published Nov 6, 2022
Elijah Canlas
Elijah Canlas, nanibago sa paggamit ng plaster para sa daring scenes niya sa pelikulang Livescream: “Kumplikado po pala! Ako po ang naglagay ng plaster… may workshop pa po kami kung paano maglagay.”

JERRY OLEA

Intense ang pagniniig ng social media influencers na sina Exo (Elijah Canlas) at Raiza (Kat Dovey) sa horror thriller na Livescream, na mag-i-streaming umpisa Nobyembre 9, Miyerkules, sa Vivamax Plus.

Elijah Canlas

Pareho silang walang saplot. Si Raiza ang nasa ibabaw at nakabihadhad ang dibdib.

Hindi nalalayo ang edad nina Exo at Raiza sa isa’t isa. Batid ni Raiza na kasintahan ni Exo ang nakatatanda sa kanila na si Amanda (Phoebe Walker) na socmed influencer din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ExAm ang tandem nina Exo at Amanda sa pagba-vlog, at ang tawag sa followers nila ay ExAminers.

Nais ni Exo na makipag-collab kay Raiza para madagdagan ang kanyang subscribers.

Elijah Canlas

“Matapang si Phoebe, even si Kat,” sambit ni Elijah before the private screening of Livescream noong Nobyembre 4, Biyernes, sa Sine Pop, Cubao, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Matapang sila pagdating sa pelikula, yung mga kailangan po nilang gawin. Kaya ako, na-pressure po ako na kailangan, tapangan ko rin. Kailangan, focus lang ako.

“May daring scene kami ni Phoebe, pero mas daring yung sa amin ni Kat na opening scene ng pelikula. Napaka-brave niya!

“Syinut po namin yun sa jacuzzi, na ang lamig-lamig! Parang 12:00 am na kami nagro-roll hanggang 3:00 dahil sobrang meticulous ni Direk Perci [Intalan] sa mga shots niya.

“Paulit-ulit namin siyang ginagawa.”

Tahasang sinabi ni Elijah na hindi siya nag-init sa pumping scene with Kat, bagkus ay nilamig.

“Naka-plaster po kami both. Sa itaas po, wala,” sabi pa ni Elijah.

“Nag-aalangan po ako… ganyan po ako sa intimate scenes, nag-aalangan po ako sa co-actors.

“Mas ako ang kinakabahan. Kasi siyempre, I don’t want to cross any boundaries. Gusto ko, kumportable yung kaeksena ko.

“Kasi ako, personally, wala naman po akong ano. Nagsimula po yun kay Gabby Padilla pa sa Kalel, 15. Even kay Kokoy [de Santos] sa Gameboys.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero blessed din siguro ako dahil lahat ng nakakaeksena ko, game na game. Matatapang po talaga sila.

“So, nape-pressure ako to always step up and yun, dapat walang arte. Yung mga kasama ko nga po, naging matapang.

“Kaya tinatapangan ko rin po. Saka siyempre pag sinabi na ng direktor yung, ‘Dagdagan mo pa ng… libog.’

“Ako, parati pag mga intimate scene, lagi akong nasasabihan, ‘Dagdagan mo pa ng libog, ganyan.’

“Kay Direk Ivan [Andrew Payawal], pinabawasan niya sa Gameboys. Pero yung iba, kailangang dagdagan.”

GORGY RULA

First time ni Elijah Canlas na mag-plaster sa buong buhay niya para sa harutan nila ni Kat Dovey sa pelikulang Livescream.

“Kumplikado po pala!” himutok ng premyadong aktor.

“Ako po ang naglagay ng plaster… may workshop pa po kami kung paano maglagay.”

May kumawala ba sa plaster?

“Wala naman po. Sa akin, matibay. I had to shave nang sobra, intensively. 'Tapos, yung pagtanggal, yun po ang masakit pala!” natatawang pagtatapat ni Elijah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon ko lang natutunan yung mga ganyan. Si Direk Perci naman, super-kind. And he briefed me, ‘OK, dalawang araw lang may plaster.’

“'Tapos, biglang the next day, biglang may naisipan siguro si Direk na idagdag na shot, sabi niya, ‘Elijah, tomorrow, mag-plaster ka ulit.’

“Sabi ko, ‘Direk, sabi niyo dalawa lang?!? Ang sakit na nung skin ko!’ Ang sakit po talaga pag tinatanggal yung plaster.”

Hindi naman daw nagsugat ang singit niya sa pagtatanggal ng plaster.

Kuwento pa ni Elijah, “Suwerte naman. May mga horror stories ako na alam sa mga plaster, ibang actors, may ikinukuwento sila about wearing plasters.

“So ako, ang galawan ko diyan, pag magtatanggal… pikit-mata, isang ganunan na lang. Isahan na!”

NOEL FERRER

Napanood ng Troika ang pelikula sa preview nito at masasabi natin na talagang nagtrabaho nang maayos ang buong team lalo na ang lead actor na si Elijah Canlas para maging makatotohanan at mahusay ang kanyang pagganap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yung heightened emotions, ang physicality ng role at yung unti-unti pero pa-grabe nang pa-grabe na impact ng pagkakalulong sa social media ay magaling na na-portray ni Elijah on film, proving na kahit anong genre, basta mahusay at matalinong aktor na may determinasyon at commitment sa kanyang sining ay gagawa nang gagawa ng matinong trabaho.

This might be Elijah’s most daring role for now, pero most definitely, marami pang maibibigay ang aktor na ito. At gagaling pa siya, promise!!!

He has our support at sa roster ng kapanabayan ni Elijah, ibang level na talaga siya!

Congratulations!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elijah Canlas, nanibago sa paggamit ng plaster para sa daring scenes niya sa pelikulang Livescream: “Kumplikado po pala! Ako po ang naglagay ng plaster… may workshop pa po kami kung paano maglagay.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results