PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Gumabao, na-subpoena dahil sa pagti-TikTok na naka-SAF uniform

Paolo on SAF uniform violation: "Lesson learned, hindi na po mauulit."
by PEP Troika
Published Nov 8, 2022
Paolo Gumabao
Paolo Gumabao on SAF uniform violation: "Nag-start yun sa isang TikTok video ko na suot ko yung uniform ng SAF and I was dancing. Ginaya ko yung TikTok ni Joshua Garcia. So, na-offend sila dun and I understand naman siyempre. So at least ako, lesson learned, hindi na po mauulit."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Inireklamo ng Special Action Force (SAF) si Paolo Gumabao at tatlo pang aktor ng pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told dahil sa pagsusuot ng SAF uniform habang nagti-TikTok.

Read: Mamasapano stars idinemanda ng SAF for illegal use of uniform and insignia

"Well, I learned one lesson!" natatawang sambit ni Paolo sa mediacon nitong Nobyembre 7, 2022, Lunes, sa Pandan Asian Cafe, Sct. Limbaga St., Quezon City.

"Hindi na ako magti-TikTok next time pag alam kong may suot akong insignia. Ha! Ha! Ha! Ha!

"Nag-start yun sa isang TikTok video ko na suot ko yung uniform ng SAF and I was dancing. Ginaya ko yung TikTok ni Joshua Garcia.

"So, na-offend sila dun and I understand naman siyempre. So at least, ako, lesson learned, hindi na po mauulit.

"Well, hindi naman siya lumaki. I’m just glad na hindi siya nag-escalate.

"Gusto kong magpasalamat sa producer naming si Atty. Ferdie Topacio. Kasi si Attorney was very helpful nung time na yun. Tinulungan talaga niya ako, kasi I know nothing about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nung una, hindi naman pinapansin yung TikTok video ko na yun. Pero nung time na pinu-promote namin yung film about three months ago, nagulat ako na parang…

"May nagpadala sa bahay ng subpoena. Sabi ko, 'Ano ito, prank?!' Tinanong ko ang mama ko kung sino ang nagpadala ng ganun, hindi raw nila alam. Nakalagay lang daw dun sa mailbox namin.

"Tapos sakto, may nag-message sa akin sa Instagram ko, one of the talents. Kasi, apat yata kaming pinadalhan. Kaming apat, nag-TikTok kami.

"So, nag-message pala sa akin iyong isang talent. Napagbintangan ko pa tuloy siya na pina-prank ako.

“Sabi ko, ‘Imposible naman ito! Kasi, may approval si Attorney from the SAF. How can this happen?’

"So, ipinadala ko na agad kina Attorney yung subpoena, and inayos naman agad nila. I’m just thankful na naayos na lahat. Na-dismiss yung reklamo."

Kinabahan ba siya?

Mabilis na sagot ni Paolo, "Hindi! Because I have Atty. Topacio by my side! Ha! Ha! Ha! Ha!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sambot ng katabi ni Paolo na si Atty. Topacio with matching pagnguso, "I love you, too!"

Maliban kay Paolo, bida sa MMFF 2022 official entry na Mamasapano: Now It Can Be Told sina Edu Manzano at Aljur Abrenica.

Idinirek ito ni Lester Dimaranan mula sa panulat ni Eric Ramos, at iprinodyus ng Borracho Film Production.

Nasa cast din nito sina Claudine Barretto, Gerald Santos, Alan Paule, Rey “PJ” Abellana, Jojo Abellana, Ronnie Liang, Myrtle Sarrosa, Ritz Azul, Rez Cortez, Juan Rodrigo, Jojo Alejar, Jim Pebanco, at Tom Olivar.

Bahagi rin ng Mamasapano: Now It Can Be Told sina Rico Barrera, Marco Gomez, LA Santos, Marcus Madrigal, Jay Garcia, Rash Flores, AJ Oteyza, Elmo Elarmo, Nathan Cajucom at Carlos Dala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Nung ipinatawag ng SAF si Paolo Gumabao kasama ang iba pang talents ay kasagsagan pa ng taping niya sa Mars Ravelo’s Darna.

Hindi raw niya nakasabay sa tanggapan ng SAF ang mga talent na kasama niyang nag-TikTok dahil nasa taping siya noon at ang daming eksenang kinukunan sa kanya at nagdiriwang siya ng kaarawan.

Lahad ni Paolo, "I missed one day. Nung pumunta ang ibang talents, nung time na yun hindi ako puwede. Kasi nung araw na yun, may taping talaga ako.

"Buong araw, birthday ko yun, hindi ako pinayagan. Na-schedule ng ibang araw, buti naman naayos din," pakli ni Paolo.

Naintindihan daw niya ang mga taga-SAF, kaya kahit naabala sa trabaho, kailangan niyang puntahan para magpaliwanag at mabuti't na-settle naman daw iyon.

"Hindi naman sa abala, naintindihan ko rin naman yung side nila. Like I said kanina, hindi na mauulit. Natuto na ako. No more TikToks with insignias," bulalas ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya mas safe pa raw pala na nakahubad na lang.

"Dapat pala, nakabuhad na lang, 'no? Kung kailan pa ako nagsuot na balot na balot na damit, dun pa ako napadalhan ng ano…." natatawa niyang pahayag.

Pero thankful si Paolo na napasama niya sa Mamasapano, dahil kahit sa ilang araw na shooting lang ay na-experience niya ang buhay ng mga sundalo. Mahirap daw talaga ang pinagdaanan nila lalo na’t napasabak sila sa labanan.

Naranasan daw niya sa shooting ang ganung hirap.

"Nung time na sinyut namin yun, nakabilad kami sa araw. Tapos totoong baril ang gamit namin, so mabigat.

"Nagku-crawl kami sa sahig, ang bigat. Grabe yung shoulders ko nun, sore na sore," saad ni Paolo.

Kaya mas mahirap daw itong ginawa niya sa Mamasapano kesa sa maghubad sa pelikula.

"Nag-enjoy ako sa shoot talaga, kasi matagal ko nang pangarap ang pelikulang ganun, e.

"At the same time, totoong baril yung gamit namin na pumuputok talaga, pag inaano mo yung trigger, pero blangko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pumuputok siya, may clash, pero walang lumalabas na bala. So, feel na feel mo talaga yung recoil ng baril.

"E, yung hubad, nakahubad lang," napapangiti niyang pahayag.

Paolo Gumabao

NOEL FERRER

Ano na nga ba ang estado ng kaso na may kinalaman sa pagsusuot ng SAF uniform sa pelikula? May masasabi pa ba ang SAF sa usaping ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano kayang mga bagong leksiyon at realizations na kapupulutan natin ng aral hinggil sa pangyayaring ito?

Hindi tinanggal ni Paolo ang nasabing TikTok video na dahilan para makatanggap siya ng subpoena for the first time.

Walang regrets si Paolo sa paghuhubad sa mga pelikulang Lockdown, Sisid, at Silip sa Apoy.

Marami siyang natutunan sa pakikipagtrabaho sa mga batikang direktor ng mga pelikulang ito—sina Joel Lamangan, Brillante Mendoza, at Mac Alejandre, respectively.

Gaya ng nasabi niya before pa, willing siyang mag-frontal muli sa pelikula basta ba pang-Cannes iyon.

Dream role ni Paolo na gumanap bilang isang taong may problema sa pag-iisip, similar to his father Dennis Roldan’s role in the film Bakit Bughaw Ang Langit? (1981) opposite Nora Aunor.

If ever na i-remake iyon at siya ang lead actor, puwedeng “Nora Aunor” niya roon si Jodi Sta. Maria or Kathryn Bernardo, di ba?

Inamin din ni Paolo na hindi pa rin niya nadadalaw sa bilangguan ang kanyang ama kahit puwede na itong puntahan basta special occasion gaya ng birthday o Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dahilan pa rin ay dahil nasa taping siya ng Darna, na hindi pa niya batid kung hanggang kailan iyon.

paolo gumabao darna

Sa ngayon ay single si Paolo. Kabi-break lang nila ng kanyang huling girlfriend last September.

OK rin lang sa kanya na malamig ang kanyang Pasko, na balak niyang i-spend kasama ang pamilya sa Virac, Catanduanes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao on SAF uniform violation: "Nag-start yun sa isang TikTok video ko na suot ko yung uniform ng SAF and I was dancing. Ginaya ko yung TikTok ni Joshua Garcia. So, na-offend sila dun and I understand naman siyempre. So at least ako, lesson learned, hindi na po mauulit."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results