PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yassi Pressman, sumabak sa sexy pictorial bilang Calendar Girl

Yassi Pressman, may pasabog bago magbalik sa acting.
by PEP Troika
Published Nov 8, 2022
yassi pressman calendar girl
Yassi Pressman may pasabog bilang Calendar Girl bago magbalik sa acting sa GMA-7 series na Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?

NOEL FERRER

Ni-launch na sa Makati Diamond Residences ngayong Nobyembre 8, 2022, Martes ang bagong Calendar Girl ng Ginebra para sa taong 2023… si Yassi Pressman.

Ang maganda rito ay gustong mai-transfer ang Probinsyano persona niya sa consumers.

"Queen of the Barangay" ang tawag kay Yassi kaya swak ang kanyang pagiging household name ngayong calendar girl na siya ng pamosong brand.

Sinuportahan ng ibang influencers ng brand si Yassi, pati na si Chie Filomeno. Dumalo rin ang Ginebra endorser na si Hidilyn Diaz na ang ad ay kapapanalo lang sa Catholic Mass Media Awards.

yassi pressman calendar girl

JERRY OLEA

Yass!!! Magbibida si Yassi sa TV remake ng Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? sa GMA-7 kasama sina Ken Chan at Marco Gumabao.

Ang ganda ng timing na inilunsad siya bilang Calendar Girl ng Ginebra San Miguel (GSM).

Tama ba iyong naulinigan natin na si Kylie Verzosa naman ang 2023 Calendar Girl ng Tanduay bilang kapalit ni Bea Alonzo?

If ever, kaninong kalendaryo kaya ang mas bet ng mga kanayon at kabaryo?

GORGY RULA

Congratulations kay Yassi! Ang ganda ng pasok ng 2023 sa kanya. Nakawala na siya sa anino na leading lady ni Coco Martin.

Ang pasabog na calendar ay tugma pa sa pagsisimula ng malaking drama series niya sa GMA-7.

Kaya lalong matsa-challenge si Yassi na galingan ang acting. Mas okay pa kung lalo niyang hasain ang kanyang hosting skill. Medyo bitin pa ang istilo ng hosting niya sa Rolling In It Philippines

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman may pasabog bilang Calendar Girl bago magbalik sa acting sa GMA-7 series na Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results