PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joel Lamangan on criticisms about "My Father, Myself" trailer

Direk Joel Lamangan, nilinaw na hindi anti-gay ang "My Father, Myself"
by PEP Troika
Published Nov 9, 2022
joel lamangan
Director Joel Lamangan on criticisms about his film "My Father, Myself": "It’s open to be praised or criticized. I don’t mind if they criticize it. My point is — it is not against gay. Yun lang naman ang point nun. It is daw against the gays. No, it is not."
PHOTO/S: Jerry Olea / 3:16 media Network

GORGY RULA

Umani ng mga parunggit ang trailer ng Metro Manila Film Festival 2022 official entry na My Father, Myself, na idinirek ni Joel Lamangan mula sa panulat ni Quinn Carillo.

Sa trailer, ipinakitang nagkagustuhan ang isang gay (Jake Cuenca) at ang kanyang ampon na si Matthew (Sean de Guzman), na anak ng kanyang ex-lover na si Domeng (Alan Paule).

May asawa (Dimples Romana) ang bading. Ang masaklap pa, iyong ampon ay kasintahan ng kanyang daughter na si Mica (Tiffany Grey).

“Karibal Ko Ang Aking Ama” ang peg!

Sabi-sabi, nakakasira sa mga bading na nag-aampon ang My Father, Myself.

“Kapag ang trailer ay inilagay sa social media, ibig sabihin niyan, it’s open to be criticized,” pagmamatuwid ng 68-anyos na direktor sa storycon ng pelikulang Sa Kanto ng Langit at Lupa noong Nobyembre 7, Lunes, sa Iago’s restaurant, Sct. Rallos St., Quezon City.

“It’s open to be praised or criticized. I don’t mind if they criticize it. My point is — it is not against gay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun lang naman ang point nun. It is daw against the gays. No, it is not.

“I am a storyteller. I am a filmmaker. My life journey is to look for different stories and representations for the public to understand, and for the public to learn something from.

“Hindi naman palaging magagandang gay story lang ang ipapakita mo. That is not realistic. That’s romanticism.

“Hindi iyon tama. Meron ka rin dapat ipapakita na hindi magandang istorya ng isang gay. Ipakita mo upang kapulutan ng aral para hindi na siya muling gawin.

“Hindi naman lahat ng gay, mabuting tao. Mali yun. May gay na magnanakaw, may gay na kriminal, may gay na nanggagahasa. Kagaya ng isang ordinaryong tao, ng lalaki at babae.

“Iyon ang trabaho ko. Ginawa ko yung My Father, Myself because it is based from my own personal knowledge of a real story that happened in my province.

“And I thought that it’s a very good story material to be filmed for people to learn from the mistakes of these characters in the movie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Not to extol it! As a matter of fact, may nangyari doon sa gumawa ng ganoon which I will not say because that will reveal already the entire story, di ba?

“Ako, I never comment on anything as far as what the other directors are doing because for me, it is unethical. Because I am a practitioner myself.

“But that person was my assistant director before. I love him! I like him. He’s good. He’s one of my good assistant directors before and now, he has his own career.

“He specializes in LGBT-themed films and I like him for that. I do not look down on him for that.

“As I have said, once you put something in social media, people will criticize it, people will praise it. Ganun talaga ang buhay.”

Ang My Father, Myself ay joint venture ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions.

Executive producers ng pelikula sina Len Carrillo, Win Salgado, Nikko Abad, Jomer Corpuz, at John Bryan Diamante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Proyekto rin ng 3:16 Media Network ang Sa Kanto ng Langit at Lupa, na si Sean de Guzman din ang bida.

JERRY OLEA

Sa isu-shoot pa lang niyang pelikula na Sa Kanto ng Langit at Lupa, anong mensahe naman ang nais iparating ni Direk Joel sa mga manonood?

“Kalimitan kasi sa atin, marami tayong nakikita na hindi na natin nakikita,” matalinhagang pahayag ng multi-awarded director.

“Mag-travel ka sa daan. Pag trapik, maraming kakatok sa iyo, humihingi ng pera, nagbebenta — parang hindi na natin nakikita. Pero nandiyan sila. Aalis na tayo.

“Yung mga taong yun ang pinagbibigyan ko ng pansin. Yung mga taong yun ang walang boses. Yung mga taong yun ang dapat nating maramdaman.

“Sila yung nakikita pero parang hindi nakikita. Yung mga naggaganyan-ganyan para linisin ang salamin ng sasakyan mo.

“Gaganyan-ganyan ka lang, paaalisin mo,” marubdob na pagmumuwestra ni Direk Joel.

“Yun ang mga nakikita natin na hindi natin nakikita! Iyon ang mga buhay na dapat nating ipakita. Iyon ang gusto kong ipakita sa pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At mapansin at bigyan ng pag-a-analyze, at maramdaman. Ang mahirap, yung hindi maramdaman. At maramdaman. Yun lang naman ang gusto ko.

“Hindi ako nagpi-preach! Hindi ko pini-preach na, ‘Ganito! Ganyan!’ Hindi ganoon, darling. Ipapakita ko lang ang isang partikular na reyalidad para maramdaman.

“Kung gusto mong gumawa ng paraan, bahala ka.”

Suporta kay Sean sa Sa Kanto ng Langit at Lupa sina Royce Cabrera, Jiad Arroyo, Marco Gomez, Jim Pebanco, Alan Paule, Quinn Carillo, Mon Mendoza, Rob Guinto, Diyay Carabeo, Calvin Reyes, at Itan Magnaye.

sa kanto ng langit at lupa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Royce Cabrera, Direk Joel Lamangan, Sean de Guzman, Marco Gomez, and Jiad Arroyo

NOEL FERRER

Karamihan sa cast ng Sa Kanto ng Langit at Lupa ay handa sa mga mapangahas na eksena. Meron ba silang kani-kanyang daring scene sa movie?

Napakunot-noo si Direk Joel, “Hindi lahat may daring na eksena dito. Hindi naman ito pelikula na lahat ng lalaki at babae dito ay magkakangkangan. Hindi.

“Ang pinakaimportante dito ay ang istorya ng bawat isang karakter upang mabuhay ngayong panahon na ito.”

Malaking hamon para kay Direk ang pagbuo ng pelikulang ito na karamihan ng mga eksena ay sa kalsada.

“At iba’t ibang kalsada! Takbuhan nang takbuhan sa kalsada. Tapos nasa ilalim pa ng tulay?! Doon nakatira?!” bulalas ni Direk Joel.

“Nag-research ako sa ilalim ng tulay. Pag umuulan, tumataas ang tubig. Lumilikas lahat sila dun sa ibabaw ng tulay.

“Kaya parang mahihirapan akong isapelikula ito lalo na ngayon na tag-ulan! Maaaring mabago, maaaring hindi sa ilalim ng tulay ang tirahan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para tuloy! Kung hindi, hindi na ito matutuloy. Anong gagawin ko pag bumaha na sa ilalim ng tulay? Stop?! Hindi puwede.

“Pero yung istorya ay konkreto pa rin kung ilalagay natin sa isang depressing na lugar. Ano pa ba ang depressing sa kanto ng langit at lupa, saan yun? Yung mga taong nakatira sa sementeryo.

“Sinasabi ko lang, magandang setting yung ilalim ng tulay pero sa panahon ngayon, ulan nang ulan, e, tumataas ang tubig sa ilalim ng tulay.

“Hindi puwedeng mag-shooting. Pinuntahan ko na, apat na ilalim ng tulay. Parating ganoon. Pag umuulan, tumataas ang tubig.

“At pag tumaas ang tubig, hindi kaaya-aya. Hindi niyo matatagalan ang amoy ng tubig. Kasi, yung mga nakatira sa ilalim ng tulay, dun sila umeebak.

“Pag umulan, nakalutang dun lahat ng ayaw mong makita at maamoy! Paano ako magsu-shooting?

“Pagkatapos kong mag-ocular sa mga ilalim ng tulay… nahulog pa ako! Dun na lang sa sementeryo na may mga taong nakatira. It is so depressing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag umuulan, nandun pa rin sila, hindi naman tumataas ang tubig dun.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Joel Lamangan on criticisms about his film "My Father, Myself": "It’s open to be praised or criticized. I don’t mind if they criticize it. My point is — it is not against gay. Yun lang naman ang point nun. It is daw against the gays. No, it is not."
PHOTO/S: Jerry Olea / 3:16 media Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results