GORGY RULA
Gamit na gamit na ang linyang "what you see is what you get" (WYSIWYG) kapag ayaw aminin ang tunay na relasyon ng isang magkasintahan.
Ito rin ang ginamit ni Ruru Madrid sa guesting niya sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) na ipinalabas nung nakaraang Linggo, November 6, 2022.
Sabi ni Boobay sa Kapuso actor, nung huling guesting ni Ruru sa TBATS ay sinabi nitong walang label ang relasyon nila ni Bianca Umali.
Ano naman kaya ang sasabihin niya ngayon tungkol sa namamagitan sa kanila ni Bianca?
Ani Ruru, "Sa totoo lang, ang label masyadong overrated na, di ba? Lalo na sa panahon ngayon.
"Pero ang masasabi ko na kami naman ni Bianca, from the very beginning ng relationship namin, what you see is what you get.
"Kung ano man ang ipinu-post namin sa social media. Kung ano yung nakikita niyo every time na nakikita niyo kami sa labas, yun kami.
"Kayo na ang bahalang magdesisyon kung ano kami."
Hindi man sila umaamin kung sila na talaga at kung gaano na katagal ang kanilang relasyon, inamin naman ni Ruru na si Bianca ang ipinapanalangin niyang sana'y babae para sa kanya.
"Totoo yun. Sa amin kasi [sa Iglesia Ni Cristo], iyon ang tinatawag na ipinagpanata. Araw-araw, gabi-gabi pinagpi-pray ko na sana siya na talaga yung babae na nakatakda para sa akin.
"And totoo yun, walang imposible sa Panginoong Diyos. Once na ibinigay na iyan sa iyo, sa iyong sa iyo na yun.
"Sa totoo lang, sana siya na. Sana. Kasi siyempre, napakarami pang puwedeng mangyari sa mga buhay namin.
"Madami pang pagsubok for sure na pagdadaanan kami parehas, pero alam ko naman, based sa mga pinagdaanan namin sa mga nakalipas na panahon, nalampasan namin yun.
"So, for sure, malalampasan din namin yun," sabi pa ni Ruru.
Kaya baka nga totoo ang narinig naming may gagawin sina Ruru at Bianca na isang drama series, bago gawin ng aktor ang book two ng Lolong.
- Ruru Madrid finally admits real score with Bianca Umali: "We're dating for four years."
- Ruru Madrid and Bianca Umali kilig moments: A timeline
- Bianca Umali reveals Ruru Madrid cried when she surprised him in South Korea
NOEL FERRER
Possible meanings of WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET:
1) There is nothing hidden. What you are looking at is the real thing.
2) In technology, WYSIWYG refers to user interface that allows content to edited and have it displayed as is in any form of media, whether on a computer screen or in print. Hence, the acronym WYSIWYG.
3) Ang expression naman na "What you see is what you get" was reportedly popularized by Flip Wilson in his performances as his drag character Geraldine in Rowan & Martin's Laugh-In in the late 1960s and then much later in The Flip Wilson Show.
4) Sa Filipino, ang direct translation nito ay “nakikita mo ang makukuha mo” or indirectly, walang itinatago. Sa salitang kolokyal, “yun na yun!”
It is meant to show that there is nothing hidden. So, wala namang itinatago na sina Ruru at Bianca.
(At hayagan ko namang sinasabi na maligaya tayo sa kanila.) Kailangan pa bang i-memorize yun?
JERRY OLEA
Noong 1995 pa na nag-uumpisang lumaganap ang internet sa bansa, gamit na gamit na ang WYSIWYG sa pakikipag-chat ko sa Undernet gamit ang mIRC.
Hindi pa tao noon sina Bianca at Ruru na nilalanggam sa mall show nila para sa Beautederm noong Setyembre 11 sa Ayala Malls Cloverleaf.
Kay-init ng kanilang mga yakapan, sadyang nakakakilig! Kitang-kita natin, at kuhang-kuha!!!
At any rate, tinanong din si Ruru sa TBATS kung paano nila na-handle ang away o selosan minsan.
Sagot niya, "Maraming beses na nag-aaway kami.
"Pero I guess, kahit naman anong relasyon, parte yun, e. Iyon ang nagpapatibay sa inyong dalawa. Yung bawat pagsubok man iyan, yung pag-aaway na iyan.
"For example, nakagawa ako ng kasalanan, once na pinatawad na ako, hindi ko na hahayaan na maulit pa yung kasalanan na yun, kasi natuto ka na dun, e."
Nang hingan ng mensahe para kay Bianca, naging bukas si Ruru sa pagsasabi kung gaano kahalaga sa buhay niya ang dalaga.
Sabi ng Kapuso actor: "The last time nag-message din ako sa kanya. Nandito rin ako nun, hindi ko makakalimutan yun.
"Pero nung mga panahon na yun, medyo tikom pa yung bibig ko. Pero ngayon, gusto ko lang sabihin sa iyo, Bianca, ikaw ang nagbibigay ng inspirasyon sa akin sa araw-araw para gumising ako sa araw-araw.
"Ikaw ang nagsisilbing gasolina ko pagka napapagod na ako sa trabaho, kapag nawawalan na ako ng pag-asa.
"Ikaw ang nagpapaalala sa akin ng worth ko, at ikaw ang nagpapaalala sa akin na maraming taong nagmamahal sa akin.
"Kaya lagi mong tatandaan, hindi ko man kayang suklian lahat na mga kabutihang ginagawa mo sa akin, pero unti-unti ipaparamdam ko sa iyo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko."
Doon pa rin sa guesting ni Ruru sa TBATS, ipinakita ang litrato ng ibang babaeng na-link sa kanya.
Hiningan siya ng mensahe para kay Kylie Padilla na naging close din sa kanya bilang kaibigan. Dudugtungan lang niya ang linyang “Masaya ako for you…”
At ang sabi Ruru para kay Kylie, "Masaya ako for you, kasi nakita ko yung struggles na pinagdaanan mo sa buhay. But at the end of the day, kinaya mo lahat mag-isa.
"So, masasabi ko Ky na sobrang proud ako sa iyo at lagi mong tatandaan na nandito ako lagi for you."
Pero nang ipinakita ang litrato ni Gabbi Garcia, ipinadugtong sa kanya ang linyang "Nami-miss ko ang time na magka-love team tayo kasi…"
Matagal bago nakasagot si Ruru at nag-isip.
Ang sabi lang niya, "Nami-miss ko ang time na magka-love team tayo kasi mabait at saka mahusay ka. Magaling ka at maalaga, so yun siguro."
Siyanga pala, panauhin sa TBATS on Sunday si Euleen Castro na online reviewer ng food, pati ang Sparkle artists na sina Raheel Bhyria, Kirst Viray, Kim Perez.
