PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ritz Azul consults husband when it comes to her showbiz career

Ritz Azul, may mga limitasyon na?
by PEP Troika
Published Nov 11, 2022
ritz azul allan guy wedding
Ritz Azul on consulting husband Allan Guy when it comes to her showbiz career: "Yung nagmi-meet kami halfway kung ano ang kailangang ibigay ng isang karakter at yung mga hindi niya kayang tanggapin. Yung ganun ba. Lahat ng bagay, ikinokonsulta ko sa kanya. Siyempre, mahirap na dahil may asawa na tayo, hindi na sariling desisyon lang. Part na rin siya sa lahat ng desisyon ko."
PHOTO/S: Jerry Olea / Ritz Azul Facebook

GORGY RULA

Excited si Ritz Azul nang nakatsikahan namin sa presscon ng Mamasapano: Now It Can Be Told na entry ng Borracho Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022.

“Masaya po ako ngayon. Magwa-one year na po akong kasal,” lahad ni Ritz sa mediacon noong Nobyembre 7, Lunes, sa Pandan Asian Cafe, Sct. Limbaga St., Quezon City.

“Nagpahinga po ako nang konti dahil, ayun nga, ikinasal ako at adjusting pa ako sa buhay.

“Tuwang-tuwa po ako nung in-offer sa akin ni Atty. Ferdie Topacio itong Mamasapano dahil na-miss ko po ang umakting.”

Mabuti at full support kay Ritz ang asawa niyang si Allan Guy.

Okay raw sa asawa ni Ritz na bumalik siya sa pag-aartista, pero mas priority ng aktres ang buhay may-asawa.

May mga limitation na raw siya para sa sarili dahil hindi lang siya ang magdi-decide para sa kanyang showbiz career kundi pati rin ang asawa.

Read: Ritz Azul marries first and last boyfriend Allan Guy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Ritz, “Almost the same lang naman as before. Pero ngayon, siguro mas detailed lang kung anu-ano mga limitations, and siyempre may asawa na rin.

“Yung nagmi-meet kami halfway kung ano ang kailangang ibigay ng isang karakter at yung mga hindi niya kayang tanggapin. Yung ganun ba. Lahat ng bagay, ikinokonsulta ko sa kanya.

“Siyempre, mahirap na dahil may asawa na tayo, hindi na sariling desisyon lang. Part na rin siya sa lahat ng desisyon ko.

“Kasi siguro medyo pa-graduate na dapat tayo unti-unti din sa mga tulad ng dating roles ko. I think, medyo time na rin naman.”

Sa November 20 ay first wedding anniversary nila. Aalis sila ng bansa sa Nobyembre 16, at dalawang linggo silang magbabakasyon sa Europe. Bale iyon na rin daw ang kanilang honeymoon.

Ito ang dahilan kaya sumali na si Ritz ngayon sa pagtulong sa promo ng Mamasapano dahil hindi na siya makakasali sa mga susunod na gagawin para ma-promote ang kanilang MMFF movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Nangako si Atty. Ferdie Topacio ng isa pang pelikulang gagawin ng Borracho Films na pagbibidahan ni Ritz. Pero kailangang ikonsulta muna raw ito ng aktres sa kanyang asawa.

Hindi naman daw ipinagbabawal ang kissing scenes, pero dapat ay titingnan muna kung talagang kailangan ba.

Sabi ng aktres, “Pero hindi naman bawal na bawal. Parang ahhh, let’s say may kissing scene. Bakit, bakit may kissing scene? Hindi yung porke’t nakalagay lang sa script na may kissing scene, gawin na agad.

“Dapat, kumbaga, laging merong reason bakit ito ginagawa, and kung walang reason, bakit ko naman gagawin? Mga ganung bagay.”

Baka si Edu Manzano ang makasama ni Ritz sa pagbibidahan niyang pelikula, at maaaring may kissing scenes sila.

Ani Ritz, “Nandun po ang asawa ko nung sinabi ni Attorney yun. Mukhang excited din naman siya, ang asawa ko. Pero siyempre, friend din naman namin si Attorney. Alam namin we’re in good hands.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi-sabi, ang yaman-yaman talaga ng asawa ni Ritz. Rich na rich!

“Hindi naman, hindi naman,” mabining pagtanggi ni Ritz.

Napagkasunduan daw nilang mag-asawa na ituloy pa rin ni Ritz ang kanyang pag-aartista.

“Siguro, puwedeng kailangang mag-stop for a while pero pahinga lang. Pero ayokong huminto talaga, kasi ito na rin yung parang outlet ko, e.

“Nun ngang nagti-taping kami, nagsu-shooting kami, kahit maliit lang yung role ko, ang saya-saya ko talaga. Iba talaga.

“Naintindihan niya. Dito niya ako nakilala bilang artista. Ayun… lahat naman ng bagay, puwedeng pag-usapan, e.”

Pero priority ni Ritz ang pamilya at handa na siyang magka-baby.

“Medyo pinaplano na namin. Medyo trying na rin. Kung dumating, e, di salamat. Kung hindi pa, mag-try pa rin.”

Aminado si Ritz na kinabahan siya noong una sa pagtanggap ng pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told.

Paliwanag ng aktres, “Kasi pag totoong kuwento, kailangang maikuwento iyan nang maayos. Kailangan walang sobra, walang kulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, siyempre kung magiging part ka ng isang movie, dapat alam mo from start to finish. Binasa ko siyempre po muna nang maayos and nag-usap kami ni Attorney, in-explain niya.

“Nakakakaba talaga siyang ikuwento, kasi first of all, controversial siya. First time ko po na mapasama sa isang movie na ang story ay nangyari talaga.

“At natuwa naman din po ako dahil kahit sa pinakamaliit na part ng movie, naging part pa rin ako.

“Nag-a-agree ako sa sinabi ni Attorney na wala pong maliit na role, wala pong malaking role. Basta nagawa mo nang maayos ang isang karakter, ikaw yun, nagawa mo yun.

“At siyempre yung buong produksiyon, nagsama-sama para mabuo ang… sabi nga nila, hindi makukumpleto ang isang milyon kung walang piso. Kumbaga, parang ganun.

“At ang pakiramdam ko po dito sa Mamasapano, kailangan din po siyang masabi sa buong mundo ang naging kuwento ng SAF 44.”

Ang huling pelikula ni Ritz before Mamasapano: Now It Can Be Told ay ang horror movie na The Missing, na official entry sa MMFF 2020 (virtual edition). Co-stars niya rito sina Joseph Marco at Miles Ocampo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nasa adjustment period pa rin daw si Ritz, sa unang taon ng pagiging Mrs. Guy. Medyo nahihirapan daw siya para sa kanyang sarili, lalo na’t nami-miss nito ang kanyang pamilya na lagi niyang kasama noon sa halos lahat ng lakad niya.

“Nahirapan ako sa sarili ko, hindi naman sa paligid ko. Siguro yung adjustment ko sa sarili ko na siyempre, bawas yung trabaho. Nagpu-focus kami ngayon sa personal lives namin.

"At siyempre, mas sanay ako na kasama ko palagi ang pamilya ko.

“First ko kasi lahat ang asawa ko. Hindi ako nagkaroon ng boyfriend na iba. So, laking adjustment din.

"Thankfully, suportado niya lahat na gusto ko, lalo na yung family ko.

“Iyon lang. Minsan, problema ko sa sarili ko na nami-miss ko ang pamilya ko, mga ganung bagay.

"E, nasa Pampanga pa sila. Hinahati ko pa ang schedule ko kung kailan ako pupunta ng Pampanga.”

Aminado si Ritz na medyo tumaba siya, pero nagda-diet na raw siyang muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakas sa mukha ni Ritz na kuntento at masaya siya sa buhay may-asawa. Nagbibigayan daw sila ng kanyang mister.

Aniya pa, “Ayaw naman namin na one way lang, na isa lang ang nag-a-adjust. Pagmumulan din ng away yun, e, kung isa lang ang pinagbibigyan. Dapat balanse.”

Kumusta siya as a wife?

Napangiti si Ritz, “I think masaya naman din ang asawa ko sa nangyayari sa aming dalawa.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ritz Azul on consulting husband Allan Guy when it comes to her showbiz career: "Yung nagmi-meet kami halfway kung ano ang kailangang ibigay ng isang karakter at yung mga hindi niya kayang tanggapin. Yung ganun ba. Lahat ng bagay, ikinokonsulta ko sa kanya. Siyempre, mahirap na dahil may asawa na tayo, hindi na sariling desisyon lang. Part na rin siya sa lahat ng desisyon ko."
PHOTO/S: Jerry Olea / Ritz Azul Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results