PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pauleen Luna focuses on Tali's birthday

Pauleen Luna at Vic Sotto, hindi maregalo sa isa’t isa
by PEP Troika
Published Nov 13, 2022
vic sotto pauleen luna tali birthday
Kinarir ni Pauleen Luna ang simpleng 5th birthday celebration ng unica hija nila ni Vic Sotto na si Tali.
PHOTO/S: Nice Print Photography

GORGY RULA

Magmula nang ipinanganak ni Pauleen Luna si Talitha, hindi na raw nagsi-celebrate ng kanyang kaarawan ang aktres. Okay na raw sa kanya ang dinner kasama ang buong pamilya.

Nung November 10, 2022 ay isinilebreyt ni Pauleen ang kanyang 34th birthday. Nag-dinner lang daw sila ng mister niyang si Vic Sotto at buong pamilya.

Okay na raw sa kanya yun dahil ang buwan ng November ay naka-focus na lang sa kaarawan ni Tali nung November 5.

“Dinner na lang po kami. Todo na sa birthday ni Tali,” text ni Pauleen sa akin sa tanong ko kung may pa-party ba si Bossing Vic sa kanyang kaarawan.

Natawa si Pauleen nang tinanong ko kung ano naman ang birthday gift sa kanyang ni Bossing.

Read: Pauleen Luna to Vic Sotto on their 11th anniversary: "Glad we followed our hearts."

“Hindi kami ma-gift Kuya, e [laugh emoji],” text niya uli sa akin.

Kahit nung hindi pa sila mag-asawa ay hindi raw sila mahilig magbigayan ng regalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simple lang daw ang pagsasama nilang mag-asawa, na walang pressure kung kailangan bang magbigayan ng regalo.

Ang mahalaga raw ay meron silang maibigay na regalo sa kanilang anak, kahit hindi naman nagde-demand ang bagets.

Kaya kahit maliit lang na party nung nakaraang 5th birthday ni Tali, kinarir ito ni Pauleen para mapasaya ang kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, lalong nae-enjoy ngayon ni Tali ang kanilang show sa Net 25 na Love, Bosleng and Tali. Ang saya raw ng episode nila ngayong Linggo, November 13, kasama ang special guest nilang si Gladys Reyes, kasama sina Apple Santos at Gardo Exconde.

NOEL FERRER

Happy Birthday Tali at salamat Poleng at Bossing Vic sa pagtuturo ng simple at maayos na values kay Tali kahit habang bata pa. Consistency is key.

May she grow up to be a really smart and kind person paglaki niya. In the end, those are what really matter.

JERRY OLEA

Good vibes ang hatid nina Bossing Vic, Pauleen at Tali. Iyon din ang bumabalik sa kanila.

Cheers and more blessings!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinarir ni Pauleen Luna ang simpleng 5th birthday celebration ng unica hija nila ni Vic Sotto na si Tali.
PHOTO/S: Nice Print Photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results