GORGY RULA
Inisplok ng isang guwapong lalaking nagmu-model model minsan ang masaya niyang "sexperience" sa isang guwapo at hunkable actor.
Itong si boylet ay nasa "alter" world at rumaraket sa isang escort service kung saan may ilang male celebrities silang kliyente.
Mayroon daw isang app kung saan nakakakuha ng booking ng mga guwapong nagbibigay ng escort service. Isa na rito itong si guwapong model.
Siyempre, hindi lang yun parang date na escort service kundi all the way na. Depende yun sa usapan nilang dalawa.
Kinuha raw itong si escort ng hunk actor. Ginawa nila ang "service" ni escort sa bahay ni aktor.
Pagkatapos ng bonggang "service" ay nagkuwentuhan sila dahil hindi muna siya agad pinaalis ni aktor.
Ilang sandali lang, kumakatok na raw ang mommy ni aktor sa kanyang kuwarto. Parang irita na raw itong tumatawag sa labas dahil ang tagal bago ito binuksan ni aktor.
Pagbukas, nakita ni mommy ang lalaking kasama ng kanyang anak sa kuwarto. Lalo na raw nagalit ang madir!
Pinapasok daw muna ni mommy si escort sa banyo dahil kakausapin nito ang anak. Pumasok naman si escort sa banyo at dinig na dinig daw niyang tinatalakan ni mommy si guwapong aktor.
Maya-maya, umalis na rin si mommy kaya pinalabas na ni hunk actor si escort sa banyo.
Parang hindi naman daw affected si hunk actor sa talak ng mommy niya. Hindi pa nga raw siya pinaalis agad, dahil nag-take two pa raw sila!
Idinetalye pa ni escort kung sino sa kanila ni hunk actor ang "top" at kung sino ang "bottom."
NOEL FERRER
Open secret naman na talaga ang sexual preference ng hunk actor na ito. At hindi naman na niya yata ito itinatago.
Sayang lahat at pailanlang na ang kanyang career, then the pandemic came. Since then, parang natabunan na siya ng mga kapanabayan niyang sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos, na kahit na gumanap nang bading sa projects ay kumportable sa kanilang pagkalalaki.
They also have been noticed by the critics sa kanilang kahusayan sa pag-arte.
Itong hunk actor leaves much to be desired.
JERRY OLEA
Hindi pa raw gaanong alam ng karamihan itong app na ito kung saan nakaka-book ng escort service mula sa mga hunk actor.
Karamihan daw roon ay mga models, pero ang iba ay may bahid ng kabadingan. Meron pa raw doon na magdyowang bading na pag-e-escort ang niraraket nila.
Malaki raw kasi ang kita, kaya ang iba ay hindi pumapasok sa ibang trabaho. Sapat na raw ang kinikita nila sa pag-e-escort sa mga mayayamang bading, lalo na yung mga hindi pa buking.
Ang regular rate daw nila ay 15,000 pesos para sa buong araw na iyon. Sapat na raw yun para mabuhay at masunod ang luho dahil madalas ay mas malaki pa riyan ang tip, lalo na kapag politicians daw ang kliyente nila.
Ang iba raw ay hindi sa Pilipinas ginagawa ang service, kundi sa iba’t ibang Asian countries kagaya ng Singapore, Taiwan, Thailand, etc.
