Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, hataw sa collab productions sa JulieVerse concert

by PEP Troika
Nov 20, 2022
Julie Anne San Jose
Rayver Cruz
Kasado na ang "JulieVerse" concert nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na gaganapin sa November 26 sa Newport Performing Arts Theater. Special guests nila sina Mavvy Legaspi at Kyline Alcantara.
PHOTO/S: GMA

GORGY RULA

Puspusan na ang paghahanda nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz para sa kanilang nalalapit na JulieVerse concert sa November 26 na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater.

Julie Ann San Jose
Rayver Cruz

Special guests nila ang MavLine loveteam na sina Mavvy Legaspi at Kyline Alcantara.

Sabi ng JulieVer, mas nakatuon sila sa kanilang repertoire at production numbers na ngayon lang daw mapapanood ang kanilang collaboration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanilang mediacon nung nakaraang Sabado, November 19, tinanong silang dalawa ng PEP Troika kung may aasahan ba kaming pasabog na pag-amin sa kanilang relasyon, o kung doon na kaya sasagutin ni Julie Anne si Rayver.

Napangiti si Rayver na sinabing ayaw niyang gamitin ang kanilang concert para sa kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Ani Rayver, “For me, like special siya sa akin kahit na ano pa ang mangyari, kahit gaano pa katagal… hindi ko rin gustong gamitin yung platform o yung stage para dun.

“Kasi, ang main purpose ko talaga is yung makita ng mga audience namin yung kung papaano nabuo yung JulieVerse through the concert. So, talagang mapi-feel good sila dito sa concert na ito.”

Mas nae-enjoy daw ni Rayver ang traditional na panliligaw kung saan ang mga magulang ni Julie Anne ang una niyang kinausap.

“Masaya din yung stage na ine-enjoy muna yung samahan, and yung kahit gaano katagal you get to know each other na stage, and kasi nandun yung kilig and nandun yung panliligaw ko sa house nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi, like… well, ever since naman talaga, ako yung lumapit sa parents ni Juls. Kasi iyun yung kinalakihan nina Juls, which is nice. Kasi nga nakakatuwa yung ganung feeling na dun ka umaakyat ng ligaw sa bahay.

“And siyempre, respeto rin sa magulang. Masaya yung ganung pakiramdam for me na umaakyat ako ng ligaw sa house. Nakakakilig lalo,” saad ni Rayver.

Sabi naman ni Julie Anne, “Siguro kasi yung journey namin ni Ray in general, ano siya e… wala, masaya lang talaga. Saka we’ve always been comfortable naman with each other.

“Even before pa naman nakikita niyo kung gaano kami ka-comfortable ni Ray on and off cam. So, like ngayon, mas nakilala ko pa nang husto lalo si Ray, saka ano, kumbaga, mas nagkaroon ako ng deeper understanding sa kanya.”

JERRY OLEA

Okay lang kay Rayver kung lumabas ang pagiging Maria Clara ni Julie Anne sa kanyang panliligaw.

Nae-enjoy naman daw niya ngayon ang madalas na rehearsals nila para sa concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas na-enjoy namin yung ganitong moments. Masaya pag magkasama kaming dalawa. Alam naman natin kung gaano ka-busy si Maria Clara ngayon, di ba?” sambit ni Rayver, pagtukoy sa pinagbibidahang GMA-7 historical portal fantaserye ni Julie Anne na Maria Clara at Ibarra.

“So, ine-enjoy ko talaga yung mga moments na ganito pag kasama ko siya. And then, yung mga sunud-sunod na araw na rehearsals leading to the concert. Iyun yung enjoy talaga.”

Sabi naman ni Julie Anne, “More than anything, I guess it’s really the companionship.”

NOEL FERRER

Na-appreciate ni Rayver ang impluwensya ni Julie Anne sa kanya pagdating sa music.

“She brings out the best in me. Mas lalo akong na-inspire sa musical sa kanya. Yung mga hindi ko kayang gawin nun, nagagawa ko pala,” lahad ni Rayver.

“Dahil din naman kay Juls, kasi siya naman ang nagtuturo sa akin. Sobrang excited ako na mapanood nila yung concert at ma-witness naman nila yung mga inihanda naming performances together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi ang dami naming collaborations dito. And of course, hindi lang kaming dalawa. May collab din kami ng MavLine. Ang ganda ng mga production number.”

Sabi ni Julie Anne, dito raw niya nakitang magaling pala talaga si Rayver bilang performer.

Pahayag ni Julie Anne, “Itong JulieVerse concert will be seeing more of our performances together. Kasi nung nag-guest last time si Rayver sa Limitless, parang medyo partial lang yung production number na ginawa niya, yung numbers din na ginawa namin.

“So, at this point in time mas madami kayong makikita na mga numbers namin together.

“Hindi namin sasabihin siyempre yung mga gagawin namin, but we’re very very excited and I just want to commend Ray, kasi nakaka-proud.

"Grabe, hindi ko ini-expect na ang dami niyang gawin. Limitless din pala ang kaya niyang gawin.

“Kaya, I’m so excited na makita din ng ating mga audience, especially ang mga supporters kung gaano din ka-talented si Ray and it’s always fun na will be performing with him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya ayun, it’s gonna be fun. It’s gonna be entertaining. At hindi lang performance yung makikita nila dun sa mismong venue, maraming activities din dun na mangyayari.

"It’s very ano, e… hindi ko ma-explain e, pero we want our supporters or audience be involved dun sa mismong concert.”

Excited ako, kasi ito, paying audience — hindi nanonood lang ng TV. Sa hirap ng panahon ngayon, malaking bagay kung gagastusan ng mga manonood ang mga katulad nina Julie Anne at Rayver.

Let’s wait and see kung hanggang saan aabot ito! Good luck!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasado na ang "JulieVerse" concert nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na gaganapin sa November 26 sa Newport Performing Arts Theater. Special guests nila sina Mavvy Legaspi at Kyline Alcantara.
PHOTO/S: GMA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results