PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mahusay na aktres, sumusubsob sa boobs ng hubaderang aktres

Nagsama na sila dati sa ilang pelikula
by PEP Troika
Published Nov 20, 2022
blind item, dalawang aktres, female actresses
Sino itong hubaderang aktres na tila nahuli ang kiliti ng premyadong aktres noong mga panahong magkasama pa sila sa ilang pelikula?
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

GORGY RULA

Nagkuwento sa PEP Troika ang kaibigang nakatrabaho ang dalawang sikat na aktres na mukhang pareho ang hilig.

Nagkasama itong si magaling na aktres at si hubaderang aktres sa ilang pelikula.

Sa unang pelikula pa lang nila ay nagkasundo na sila at nakikitang kumportable na sila sa isa’t isa.

Itong si magaling na aktres ay nakatuwaan daw ang malulusog na dibdib ni hubadera.

Makinis pa ang balat ni hubadera, kaya natutuwa itong si magaling aktres sa kanya.

Kapag dumarating si magaling na aktres sa set, bebeso si hubaderang aktres at nagkakabiruan na.

Bahagi ng kanilang biruan, sa halip daw na bebeso si magaling na aktres, inginungudngod daw niya ang kanyang mukha sa malulusog na dibdib ni hubaderang aktres.

Natatawa na lang daw si hubaderang aktres kapag nalulunod na si magaling na aktres sa kanyang dibdib.

Hinahayaan na lang daw niyang panggigilan ni magaling na aktres ang kanyang dibdib.

Hindi naman nakaligtas si magaling na aktres sa isyung katomboyan, pero matagal na sila ng karelasyon niyang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sure naman kaming tunay na lalaki ang karelasyon ni magaling na aktres.

JERRY OLEA

Sa pagkakaalam ko, si hubaderang aktres ang gumawa ng paraan upang magkagaanan sila ng loob ni mahusay na aktres.

Nahuli agad ni hubaderang aktres ang kiliti ni mahusay na aktres, kaya walang gusot tuwing magkakasama sila sa trabaho. Super-ligaya!

NOEL FERRER

They’re consenting adults naman na. Walang basagan ng trip!

Love wins!!!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino itong hubaderang aktres na tila nahuli ang kiliti ng premyadong aktres noong mga panahong magkasama pa sila sa ilang pelikula?
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results