PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Santos on learning Danish for Miss Saigon in Denmark

Gerald Santos, nakapagpundar dahil sa Miss Saigon.
by PEP Troika
Published Nov 25, 2022
gerald santos miss saigon
Gerald Santos on his Miss Saigon journey: “It’s a life-changing experience. Grabe talaga! I would say 360-degree yung turn talaga sa buhay ko, sa pagiging performer sa personal kong buhay. Ayun! Nakapag-ipon po talaga ako. Now, may small business ako. Nakapag-business ako ng kahit papano, nakapag-invest din kahit papano."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nagpo-promote na ang singer na si Gerald Santos ng pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told dahil wala siya sa Pilipinas sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022.

Nakatakdang umalis si Gerald patungong Copenhagen, Denmark, para sa musical na Miss Saigon. Ang kaibahan lang nito, mas matindi ang paghahanda niya dahil gagampanan niya uli ang role na si Thuy pero sa lengguwaheng Danish.

Si Thuy ay ang pinsan ni Kim.

Read: What made Gerald Santos accept his role for Miss Saigon in Denmark

Halos tatlong taon siyang naging bahagi ng Miss Saigon sa West End, pero ngayon lang siya magpe-perform sa ibang lengguwahe.

“Nagbigay na po sila sa akin ng Danish teacher. I’m currently learning Danish.

"Isang buwan na po ako nag-aaral ng Danish. So, hindi lang ilong ko ang dumudugo, pati utak ko dumudugo din!" natatawang pahayag ni Gerald nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Martes, November 22, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang maganda din po sa lessons ko sa Danish, they’re also teaching me kung ano yung mismong translation niya in English.

"So, talagang… kapag binitiwan ko yung word, hindi lang siya word sa akin, alam ko kung ano ibig sabihin ng sinasabi ko kahit in Danish.”

Bandang mid of December daw ang alis niya patungong Copenhagen at hanggang June 2023 daw siya roon.

Mami-miss daw niya ang masayang fiesta ng pelikulang Pilipino kung saan magpaparada at mag-iikot sa mga sinehan ang mga artista para i-promote ang kanilang MMFF entry.

JERRY OLEA

Kakaibang challenge ito kay Gerald dahil magpi-perform siya in Danish na gagawin nila sa mismong sentro ng Denmark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maybe that’s one of the reasons kasi nasa sentro talaga kami ng Denmark, sa Copenhagen.

"And kumbaga, siyempre gusto nila mag-cater talaga nung audience dun sa city center. Kaya in Danish ang gagawin this time.

“Iyon din ang nag-compel sa akin to accept the role again, e. Kasi may challenge uli. So, I’ll be on my toes again na every day kailangan yung focus, yung concentration ko nandun.

“Hindi ako puwedeng magkamali. Baka mamaya mapa-English ako, o kung ano pa ang masabi ko. So, grabe po uli yung challenge,” saad ni Gerald.

NOEL FERRER

Aminado si Gerald na malaki ang nagawa ng Miss Saigon sa kanyang buhay. Nakapagpundar siya ng maliit na negosyo at nakapag-invest ng ilang properties.

Saad niya, “It’s a life-changing experience. Grabe talaga!

"I would say 360-degree yung turn talaga sa buhay ko, sa pagiging performer sa personal kong buhay.

“Ayun! Nakapag-ipon po talaga ako. Now, may small business ako. Nakapag-business ako ng kahit papano, nakapag-invest din kahit papano.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And ito, I’m thankful na pinagkatiwalaan uli nila ako. I have opportunity again to earn while I get to travel the world and doing what I love.

“So, napakalaki po talaga ng blessing ng Miss Saigon sa lahat na mga Filipino performers, hindi lang po sa akin.

"I’m just thankful sa production na ito, kay Sir Cameron Mackintosh, kay Claude-Michel [Schonberg], sa tiwala na ibinibigay nila sa mga Filipino performers na kapag Miss Saigon, talagang Filipino ang hinahanap nila, e.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Santos on his Miss Saigon journey: “It’s a life-changing experience. Grabe talaga! I would say 360-degree yung turn talaga sa buhay ko, sa pagiging performer sa personal kong buhay. Ayun! Nakapag-ipon po talaga ako. Now, may small business ako. Nakapag-business ako ng kahit papano, nakapag-invest din kahit papano."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results