PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotlot de Leon, "winwyn" sa dalawang award-giving bodies

Hindi "lotlot" si Lotlot sa awards night!
by PEP Troika
Published Dec 2, 2022
lotlot de leon trophies
Lotlot de Leon back-to-back ang panalo bilang best supporting actress sa 45th Gawad Urian at 5th EDDYS Awards. Nagwagi si Lotlot para sa kanyang pagganap sa "On The Job: The Missing 8".
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nanginginig si Lotlot de Leon nang tanggapin ang tropeyo bilang best supporting actress sa 45th Gawad Urian noong Nobyembre 17, 2022 sa Cine Adarna, UP Film Center, Diliman, Quezon City.

"Winwyn" si Lotlot para sa pelikulang On The Job: The Missing 8 na idinirek ni Erik Matti.

Siyam na tropeyo ang natamo noong gabing iyon ng pelikula na aspiring entry ng bansa sa kategoryang Best International Feature ng 95th Academy Awards o Oscars.

Read: On The Job: The Missing 8 sweeps 45th Gawad Urian; John Arcilla, Yen Santos win top acting honors

urian awards 2022 winners

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumuluhang pahayag ni Lotlot, “Hinihimas ko lang yung mga trophy ng mommy ko noon. Marami siyang ganito, e! Sorry…

“Ahh… Direk Erik, mahal na mahal kita. Sir Dondon [Monteverde], Reality, sa lahat ng bumubuo ng On The Job, maraming-maraming salamat sa tiwala na ibinigay ninyo sa akin para sa role ni Weng.

“Ahh, gusto kong ibahagi ito sa lahat ng manunulat, sa lahat ng journalists, reporters na walang ginawa kung hindi ipaglaban ang katotohanan. Para sa inyong lahat ito…

“Saludo ako sa mga sakripisyo niyo. Saludo ako sa prinsipyo niyo. Huwag po kayong magsasawa, kailangan namin kayo.”

Pinasalamat din ni Lotlot ang kanyang pamilya, mga anak, asawang si Fadi, ang mga nagmamahal sa kanya, at ang management sa likod ng kanyang career.

Dagdag ni Lotlot, “Para sa aking mga magulang — mom, mommy, sa aking National Artist Mama Guy, sa Daddy Boyet ko, kay Nanay Sandy — marami po akong magulang!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Lahat po sila, kung hindi dahil sa kanila, wala po ako dito. Para po sa Inyo, Panginoon, maraming-maraming salamat po. To God be the glory! Thank you, Urian, marami pong salamat!”

Sa 5th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) noong Nobyembre 27, Linggo, sa MET, "winnie santos" muli si Lotlot bilang best supporting actress for On The Job: The Missing 8 (na walong tropeyo ang nakamit that night).

Kaso, wala roon si Lotlot.

Read: Charo Santos and Christian Bables win top acting honors at 5th EDDYS

Sa Christmas party ng SPEEd nitong Disyembre 1 sa Dapo restaurant, Sct. Borromeo St., Quezon City, dumalo si Lotlot at nakisaya.

Kung sa Gabi ng Urian ay nanginginig si Lotlot sa acceptance speech, sa Christmas party ay relaxed, masaya, at good vibes siya.

lotlot de leon eddys

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Lotlot, nag-swab at nag-quarantine si Lotlot noong Linggo dahil may taping siya kinabukasan.

Aniya, “Pero nanood ako! Nanood ako, hinanap ko sa Facebook. So, napanood ko siya. Tapos ang naabutan ko, si Mon Confiado.

“Tapos sabi ko dun sa asawa ko, ‘Mahal, mahal,’ sabi ko, ‘kasunod ang best supporting actress.’ So, nanood ang asawa ko.

“Tapos ini-announce na ang nominees. Nung pag-announce ng pangalan ko, sumigaw ako! Buong kapitbahay, narinig yata ako. Sumigaw ako!

“Hindi ko ine-expect. Ayan na… alam niyo naman ako, kunwari hindi ako iyakin. Iyakin ako. Pero… sobra. Sobra!

“Kasi pag gumagawa naman ako ng pelikula, hindi ko naman iisipin na puwede kang ma-nominate, e. Ginagawa mo lang yung trabaho mo bilang artista at saka yung ipinagkatiwala sa iyo sa role mo.

“Kaya salamat. This means so much to me. Maraming-maraming salamat! Maraming-maraming salamat talaga! I am really grateful, thank you!”

lotlot de leon speed officers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May videokehan sa Christmas party, na pinasimulan ni Ice Seguerra (later ay nag-duet sila ng wifey niyang si Liza Diño).

Ang katotong Ervin Santiago ay nagpaka-Regine Velasquez sa pagkanta, pero ang latter half ng awit ay Nora Aunor version na. Nagkunwaring fan si Lotlot na nagbigay ng bulaklak kay Ervin.

Nahilingan si Lotlot na umawit din, at ang kinanta niya… "Pearly Shells" ni Nora Aunor.

Pagtatapat ni Lotlot, first time niya na maka-duet ang kanyang Mama Guy!

NOEL FERRER

Congratulations, Lotlot de Leon, sa iyong well deserved na pagkapanalo.

I saw the movie and it’s hard to top what Lotlot din. At katulad nga ng sabi ng Urian, pati ang ginawa ni John Arcilla sa On The Job: The Missing 8.

Which brings me to a valid question: how much does good personal relationship play in these awards?

Yes, it is a matter of taste. Depende sa mga members iyan ng organization.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero all things equal, the group will honor someone who is sympathetic to them, di ba?

GORGY RULA

Magaling nga si Lotlot sa On The Job: The Missing 8 at alam mong pinag-aralan nilang lahat ang role na ginagampanan ng bawat artista.

Nasa direktor din kasi iyan, at ang galing ni Direk Erik Matti na nagawa niya ito lahat. Puwede pa siyang makakuha ng dagdag na trophy sa ibang award-giving bodies.

Ang gaan ng lahat kay Lotlot. Tuluy-tuloy ang suwerte.

Read: Lotlot de Leon opens up about reconciliation with mom Nora Aunor

Wala na siyang dinadalang bigat sa kanyang Mama Guy. Kaya kahit sa karaoke ay keri na niyang makipag-duet sa original Superstar.

Nakapanghihinayang at hindi na kakayanin ni Ate Guy na makipag-karaoke sa kanyang mga anak. Pero ang mahalaga ay masaya sila ngayong Pasko at puwede nang magsama-sama silang lahat.

Mauulit kayang makakasama ni Ate Guy ang magaling niyang anak na si Lotlot at apong si Janine Gutierrez sa isang magandang proyekto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lotlot de Leon back-to-back ang panalo bilang best supporting actress sa 45th Gawad Urian at 5th EDDYS Awards. Nagwagi si Lotlot para sa kanyang pagganap sa "On The Job: The Missing 8".
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results