PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Alcaraz shrugs off out-of-tune rendition of "Ngiti"

Marco Alcaraz, nilinaw na hindi siya lasing habang kumakanta ng "Ngiti."
by PEP Troika
Published Dec 15, 2022
marco alcaraz ngiti
Nag-trending ang sintunadong pagkanta ng Kapuso actor na si Marco Alcaraz ng "Ngiti" sa isang beauty pageant sa Pangasinan. Pero ipinagkikibit-lamang ito ng aktor at sinabing "social experiment" lamang ang pagkanta niya sa pageant.
PHOTO/S: YouTube / @marcoalcaraz on Instagram

NOEL FERRER

Nagulat ako nang tanungin ako ni ka-Troikang Gorgy sa reaksiyon ng aking talent na si Marco Alcaraz tungkol sa pamba-bash at pagte-trending nito online.

Agad kong tanong kay Gorgy, “Tungkol saan?”

Iniisip ko, hindi naman tipo ni Marco ang gumagawa ng eksena para mag-trending dahil sadyang mabait at magaling makisama ang taong ito.

It turns out, lumabas ang video ng beauty pageant na pinuntahan nila ng asawang si Precious Lara Quigaman noong December 2, 2022 pa, kung saan sintunado ang kanyang pagkanta ng "Ngiti."

Read: Video of Marco Alcaraz serenading candidates in a local beauty pageant goes viral

Knowing Marco, hindi iyan mangangahas kumanta nang live kundi naudyukan.

At nalaman ko, OK na OK naman sa producer at organizers dahil ito yung time na nagko-compute at nagde-deliberate ang judges sa mga mananalo sa Bb. Urdaneta City 2022 pageant sa Pangasinan.

Kebs ni Marco kung may manlait man sa kanya sa ginawa niya. Ang maganda niyan ay natuwa ang mga tao na nandoon at nairaos niya, at ipinagtatanggol siya ng mga nag-imbita sa kanya roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabihin mo na lang, Ninong, na social experiment yun!” biro ni Marco.

Mukha ngang ang reaksiyon ng mga tao ay very reflection ng kanilang estado more than kay Marco.

Hindi ba puwedeng ngumiti na lang talaga at magsaya na lamang? And I thank you!!!

JERRY OLEA

Hindi siya local male version ni Florence Foster Jenkins.

Unang-una, alam ni Marco na hindi siya magaling na mang-aawit. Wala siyang ganoong ilusyon. Batid niya ang kanyang limitasyon.

Host si Marco ng timpalak. Nahilingan siyang kumanta.

Inusisa pa niya ang mga tao kung handa ba ang mga ito na marinig ang kanyang pag-awit. Cowboy si Marco.

Hindi siya killjoy. Kaya ayun, tawang-tawa sa kanya maging ang candidates.

Ang producers, naaliw. Todo ngiti! Worth it ang ibinayad nilang talent fee kay Marco!

Naku, baka sa susunod… mahilingan na si Marco na makipag-showdown kay Anne Curtis?!?!

GORGY RULA

Base dun sa video na napanood ko, in-enjoy lang ni Marco ang ginawa niya sa Bb. Urdaneta City 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tingin ko, aware si Marco na sintounado ang pagkanta niya at nakikita kong natatawa na lang ang ilang kandidata.

Pero okay lang sa kanya. Wala siyang pretensiyong magaling siyang kumanta.

Si Anne Curtis naman ay yun na talaga ang style niya at mukhang nag-aaral pa siya para mahasa ang pagkanta. Wala rin siyang pakialam kung pinagtatawanan siya.

Sa totoo lang, sa isang performer, hindi naman sapat lang ang galing mo sa pagkanta o pagsayaw. Dapat magaling ka ring magdala ng sarili.

Hindi mo agad-agad matututunan iyon, at na-achieve na iyun ni Marco.

Pero gusto lang linawin ng kampo ng aktor na hindi siya lasing noong oras na yun. May ilang nag-comment kasi doon sa FB live na parang lasing daw siya.

Hindi raw nakainom si Marco bago siya nag-perform sa naturang event.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-trending ang sintunadong pagkanta ng Kapuso actor na si Marco Alcaraz ng "Ngiti" sa isang beauty pageant sa Pangasinan. Pero ipinagkikibit-lamang ito ng aktor at sinabing "social experiment" lamang ang pagkanta niya sa pageant.
PHOTO/S: YouTube / @marcoalcaraz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results