PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Saan Nagtatago Ang Pag-Ibig TV reboot, bakit natengga ang taping?

Meron lang daw dapat ayusin between GMA-7 and Viva Entertainment
by PEP Troika
Published Dec 17, 2022
Yassi Pressman
Saan Nagtatago ang Pag-Ibig?
Bakit nga ba na-pack up ang taping ng Saan Nagtatago ang Pag-Ibig TV reboot na pagbibidahan dapat nina Yassi Pressman (kaliwa), Marco Gumabao at Ken Chan?
PHOTO/S: Yassi Pressman on Facebook/File

GORGY RULA

Nakakaintriga ang pag-hold ng taping ng Saan Nagtatago ang Pag-ibig? na collaboration ng GMA-7 at Viva Entertainment.

Sa pagkakaalam ng PEP Troika, kumpleto na ang cast na pangungunahan nina Yassi Pressman, Marco Gumabao at Ken Chan.

Nakapag-look test na sila at nag-script reading. Naka-schedule na sana ang pictorial nung November 24, pero biglang nagpasabing mapa-pack up at naka-hold ang taping.

May ilan kaming kinulit tungkol dito, pero wala raw silang alam. Merong isang taga-production na napiga namin pero hindi pa rin malinaw kung ano talaga ang dahilan ng pagka-hold.

Pero base sa sinabi niya, parang posibleng hindi pa ito matutuloy. Meron lang daw kailangang ayusin between GMA at ng Viva.

Kailangan lang daw na ma-finalize ang ilang terms, pero inaayos pa naman daw.

Hindi kami sinagot kung mauudlot ba ang pagbabalik-Kapuso ni Yassi, at ang paglipat sa Kapuso ni Marco.

Binanggit din naming sayang naman kung hindi ito magagawa ni Ken dahil napatunayang magaling siya sa ganoong role na dati na rin niyang nagawa sa My Special Tatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng nakausap ng PEP Troika, merong ibibigay ang GMA-7 kay Ken sakaling hindi ito matutuloy.

Sayang naman daw kung hindi ito matutuloy dahil maganda ang material nito para sa isang drama series.

Sa susunod na taon ay may linaw na raw kung matutuloy o mauudlot na ba itong collaboration ng GMA at Viva.

Samantala, tapos na ang season 1 ng The Wall na production din ng Viva sa GMA-7. Wala pang balita kung magkakaroon pa ito ng season 2.

NOEL FERRER

Ibang klase sa showbiz, di ba? Hindi mo masasabing go na go na talaga ang isang project hangga’t isasalang na ito.

Meron nga riyan, handa na ang lahat, nauudlot pa. Sana lang, hindi ganito ang kasasapitan ng Saan Nagtatago Ang Pag Ibig?, kasi ang dami na ring pinaghirapan ng mga tao rito.

Kung anuman ang hindi pa naaayos ng Viva at GMA-7, I’m sure may mapagkakasunduan pa rin naman sila. Dati na rin silang nagsanib-puwersa sa mga proyekto, sa TV man o sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang kailan magtatago ang pag-ibig na dapat ay nasimulan na? Aabangan natin iyan!

JERRY OLEA

Maayos ang pakikipag-collab ng Kapuso Network sa Regal Entertainment.

Andiyan ang tatlong Mano Po Legacy — The Family Fortune, Her Big Boss, at ang umeereng The Flower Sisters. Andiyan din ang Regal Studio Presents.

Sa Enero 16, 2023, Lunes ng 4:25 pm ay magpi-premiere na sa GMA Afternoon Prime ang teledramang Underage starring Elijah Alejo, Lexi Gonzales, and Hailey Mendez. Istorya ito ng Serrano sisters na magbabago ang takbo ng buhay dahil sa isang viral video.

Mas madali bang kausap ang mga taga-Regal kesa sa mga taga-Viva?

Well, well, well… ang Vivamax ay umabot na sa 5M subscribers, kaya tuloy ang maliligayang araw ng Viva kahit pa naudlot ang collab nito with GMA 7.

Pasko to the max! Facebook post ng Vivamax Philippines, “Mas masaya dahil MAX MARAMI na tayo mga Ka-Vivamax!

“Para sa aming 5 MILLION SUBSCRIBERS, maraming salamat sa patuloy niyong pag suporta!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung hindi ka pa parte ng aming pamilya, tara na dahil for only P149, mapapanood mo na ang mga favorite series, movies, docus, concerts, and many more! Kaya subscribe na! Vivamax, atin 'to!”

E, ano kung matagalan bago maayos ang gusot sa pagitan ng Viva at GMA? Maraming gustong makipag-collab sa Kapuso Network, di ba?

Ikinakasa na ang taping ng Unbreak My Heart — ang collab ng GMA at ABS-CBN — sa Pebrero 2023 sa Italy at Switzerland.

Bida rito sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Joshua Garcia at Gabbi Garcia.

Ang Rein Entertainment na nakipag-collab sa Vivamax via the eight-episode erotic series na Secrets of A Nympho, keri rin bang makipag-collab sa GMA?

Sabi ni Direk Lino Cayetano nitong Disyembre 16, Biyernes sa Supersam restaurant, Quezon City, “Yes, hopefully. We’re talking to Sir Joey Abacan and I think may mutual interest din in doing things together.

“Although mga ABS-CBN Boys kami, I think yung mundo ngayon is really ano, e… ang plataporma natin nung nag-Asian Academy Awards kami, lahat ng Pilipino, nasa isang linya e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung nanalo si Jodi (Sta. Maria), sigawan lahat e — Rein, GMA, Reality, ABS-CBN. So I think ngayon yung mundo natin, nasa labas na e. Hindi lang tayu-tayo. Collab, uso talaga yung collab.”

Katuwang ni Direk Lino sa Rein Entertainment sina Direk Shugo Praico at Direk Philip King. Prinodyus nila ang MMFF 2022 entry na Nanahimik Ang Gabi starring Ian Veneracion, Heaven Peralejo and Mon Confiado.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bakit nga ba na-pack up ang taping ng Saan Nagtatago ang Pag-Ibig TV reboot na pagbibidahan dapat nina Yassi Pressman (kaliwa), Marco Gumabao at Ken Chan?
PHOTO/S: Yassi Pressman on Facebook/File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results