PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Love Anover, may bagong teleradyo show sa Net25

Love, maayos ang pagpaalam sa Kapuso family
by PEP Troika
Published Dec 18, 2022
Wilma Galvante
Love Anover
Caesar Vallejos
Love Anover, excited sa bagong teleradyo show niya sa Net25 na pinamagatang Love and Everythaang! (L-R) Wilma Galvante, Love Anover and Net25 President Caesar Vallejos
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Natapos na ang kontrata ni Love Añover sa GMA-7 at maayos siyang nagpaalam dahil tinanggap niya ang alok ng NET25 na magkaroon ng show sa kanila.

Pumirma na siya sa NET25 nung nakaraang linggo, kasama ang presidente ng naturang network na si Ka Caesar Vallejos at ang Consultant for Content na si Ma’am Wilma Galvante.

Wilma Galvante
Love Anover
Caesar Vallejos
Tonipet Gaba

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo emotional si Love pagkatapos niyang pumirma dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya.

“Hindi ko naman ini-expect na ganito kabonggang-bongga ang pag-welcome sa akin.

“Blessing ito for me. Ako pag blessing sa akin, parang nakaka-overwhelm siya.

“Kaya naiiyak ako kasi parang at my age now, parang hindi mo akalain na meron pang pagbabago na mangyayari sa buhay mo. May mga opportunity at may nagtitiwa at naniniwala sa yo, like NET25.

“Parang sa akin, sobrang gratefulness na meron ang puso ko for them to trust me on this one. For me to be part of NET25. Parang ang… walang pagsidlan ang saya ng puso ko,” pahayag ni Love.

Kasado na ang programang gagawin niya sa naturang network. Ang titulo ng show ay Love and Everythaang! na madalas niyang sinasabi kapag nagre-report siya sa GMA-7.

Parang radio-TV show ito na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes.

“Isa yun sa ipinagdasal ko na sana magkaroon ako ng radio show, at ang ginawa nila pinag-combine nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Talagang ang saya! Basta anything, positive. Anything lahat para sa nanay, relasyon, pagkain, business, giving back also, mga ganung factor. More on magaganda at positibo.

“Ang ano ko kasi... magsabog ng love, hope and happiness. Gusto ko yung ganun para… ever since naman, yun ang type ko, e. Masaya, positibo lang. Parang sa buhay ganundin. Yun naman ako,” saad ni Love.

NOEL FERRER

No bad blood. All goodwill ang baon ni Love mula sa kanyang GMA Boss sa Public Affairs na si Nessa Valdellon.

“After more than two decades with GMA Public Affairs, Ms. Love Añover is now pursuing a career outside the Network,” sabi ni Nessa.

“We are grateful to Love for her valuable contributions to our programs over the years. We wish her well on her new journey. Thank you, Love, for sharing your ‘smile and everything’ with our Kapuso. Godspeed from your GMA Public Affairs family.”

JERRY OLEA

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagbalik si Boy Abunda sa GMA Network. Umalis si Love sa Kapuso station at lumipat sa NET25.

Nagpapasalamat si Love sa GMA-7 sa lahat na oportunidad na ibinigay sa kanya. Maayos daw siyang nagpaalam at tiniyak niyang hindi siya nagsunog ng tulay.

“In all fairness to the Kapuso bosses and staff and crew and everyone, napaka-smooth,” lahad ni Love.

“Actually, ganundin nga ang sabi ko, kung sakaling ako ay lilipad ng bagong pugad, gusto ko sabi mo nga kay Josh [de Guzman], and Ma’am Wilma and CRV, I want to be smooth. Walang problem. Wala akong iiwanang negativity, mabigat… nothing nothing. Walang ganun!

“Let me take this opportunity also to thank Kapuso because… I mean, ang dami nilang ibinigay sa akin na oportunidad.”

Posibleng iha-handle si Love ng Star Center ng NET25 under Eric Quizon.

Pahayag ni Love, “Ngayon pa lang grateful na ako. Yun pa lang bigyan ako ng pagkakataon to be on TV again, and may sariling show and all. Di ba? Parang… hindi lahat na artist, hindi lahat na media practitioner na katulad ko, host, na reporter na tulad ko na nabibigyan ng ganitong klaseng pagkakataon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung mga ganito, parang gift talaga siya, blessing talaga siya. Kaya ako emotional… kasi hindi ko nga ini-expect na ganito ang mangyayari sa akin, e. Pero may mga bagay na unexpected na beautiful things na puwedeng mangyayari sa iyo. Kaya ako, ine-embrace ko itong mga dumadating sa akin.

“I’m looking forward to a lot of adventure dito. Parang… I’m open to kung ano ang puwede pa nilang… aside from the show na ibibigay nila for me. Kasi parang TV radio na nakalaan para sa akin.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Love Anover, excited sa bagong teleradyo show niya sa Net25 na pinamagatang Love and Everythaang! (L-R) Wilma Galvante, Love Anover and Net25 President Caesar Vallejos
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results