PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Matapang aktres, sinulsulan ng aktor para talakan bidang aktres

Muling naungkat ang isyu
by PEP Troika
Published Dec 18, 2022
blind item
Sino ang aktor na nangsulsol sa matapang na aktres para sitahin ang pasaway na bidang aktres sa teleseryeng pinagsamahan nila noon?
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

GORGY RULA

Nadala ba sa sulsol ang matapang na aktres kaya nasita niya ang bidang aktres sa isang teleserye na pinagsamahan nila noon?

Nairita na rin si matapang na aktres sa inasal ng bidang aktres, na nali-late ng dating at pinaghihintay ang co-stars.

Pero kaya pala pinagsabihan at tinalakan ni matapang na aktres si bidang aktres ay dahil sa sulsol ng kilalang aktor na kabilang din sa naturang teleserye.

Sabi kasi ni aktor, wala raw sa image niya ang naninita o pagalitan ang isang co-actor, kaya ipinaubaya na niya kay matapang na aktres ang pagsentensya sa katrabahong pasaway.

Ayun! Napagsabihan nang bonggang bongga ang bidang aktres.

Matagal nang nangyari ito at naungkat lang dahil sa mga isyung pag-a-attitude ng ibang young stars.

Nakakalokah lang, patuloy pa rin itong pinag-uusapan pagkalipas ng napakahabang panahon.

JERRY OLEA

Merong Aliw-iw Factor ang kalkalan at iringan sa blind item na pinagtaksilan ng panahon.

Juice colored, nabaon na sana sa limot ang nasabing usapin, kung bakit hinalukay pa at ipinagbanduhan sa sambayanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naalala ko tuloy ang 1987 horror movie ng Seiko Film na tinampukan nina Charito Solis, Jestoni Alarcon, Rita Avila at Ricky Davao sa direksyon ni Mauro Gia Samonte… Huwag Mong Buhayin Ang Bangkay.

Sa pagka-resurrect ng isyung talakitok sa pagitan ng matapang na aktres at bidang aktres, meron bang dapat sabihan ng linyang, “Magdusa ka?"

NOEL FERRER

Past is past. Let’s learn from them.

Bakit kailangan pa bang ungkatin ito ngayon?

Sa huli’t huli, sino ang nakikinabang?

Puwede bang move on na lang?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino ang aktor na nangsulsol sa matapang na aktres para sitahin ang pasaway na bidang aktres sa teleseryeng pinagsamahan nila noon?
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results