PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF 2022 Parade of Stars traffic advisory, inilabas na

Sino ang magwawagi ng Best Float Award?
by PEP Troika
Published Dec 18, 2022
MMFF 2022 Parade of Stars
Naglabas na ang Quezon City Government ng kanilang traffic advisory para sa MMFF 2022 Parade of Stars na gaganapin sa Miyerkules, December 21, 2022, mula sa Welcome Rotonda sa Quezon Avenue hanggang sa Quezon Memorial Circle mula 4:00pm.

GORGY RULA

Nagpalabas ng TRAFFIC ADVISORY ang Quezon City Government ngayong Linggo, Disyembre 18, sa Facebook kaugnay sa Parada ng mga Bituin sa Miyerkules ng hapon.

Ayon sa advisory, “Pinapayuhan ang lahat ng motorista na iwasan ang ruta na pagdarausan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars 2022 sa December 21, 2022 (Wednesday) 4:00 PM.

“RUTA: Quezon Avenue mula Mabuhay Rotonda hanggang Quezon Memorial Circle

“Isasara simula 3:00 PM, ang westbound direction ng E. Rodriguez mula D. Tuazon hanggang Mabuhay Rotonda. Bubuksan lamang ito kapag nakaalis na ang mga floats.

“Sa gabi ng December 20 (Tuesday), iwasan ang E. Rodriguez Avenue mula Banawe hanggang Mabuhay Rotonda na magiging staging area para sa float ng mga pelikula. Sasakupin nito ang isang lane ng westbound habang bukas naman sa trapiko ang eastbound direction.

“Dahil dito, asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga lugar at dagsa ng mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

“Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.”

Kalakip ng nasabing FB post ang pitong mapa kaugnay sa daloy ng trapiko habang ginaganap ang parada.

MMFF 2022 Parade of Stars traffic advisory

MMFF 2022 Parade of Stars traffic advisory

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MMFF 2022 Parade of Stars traffic advisory

MMFF 2022 Parade of Stars traffic advisory

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MMFF 2022 Parade of Stars traffic advisory

MMFF 2022 Parade of Stars traffic advisory

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MMFF 2022 Parade of Stars traffic advisory

JERRY OLEA

Ang Quezon City ang naatasang mag-host ng 1st Summer MMFF noong Abril 2020, maging iyong 46th MMFF.

Pero sa paglaganap ng COVID-19 pandemic, naudlot ang 1st Summer MMFF, at naging virtual ang MMFF 2020.

Nobyembre 10, 2021 muling nagbukas ang local cinemas. Ang 47th MMFF Parade of Stars ay fluvial parade sa Pasig River, na dumaan sa mga lungsod ng Taguig, Pasig, Makati at Mandaluyong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa 48th MMFF this December, eto na ang pagkakataon ng Quezon City bilang host city.

Inaasam ni Boots Anson Roa-Rodrigo, Chairperson ng MMFF 2022 Selection Committe, na mapanindigan ng Quezon City ang reputasyon nito bilang The City of Stars.

Abang-abang tayo sa mga kaganapan sa Parada ng mga Bituin sa Disyembre 21, Miyerkules ng 4:00 pm na mag-uumpisa sa Welcome Rotonda, babagtas ng Quezon Avenue patungong Quezon Memorial Circle.

“Alam ko excited na kayo para sa 2022 MMFF. Hopefully ito na po yung simula ng pagbangon muli ng pelikulang Pilipino,” pahayag ni MMDA Acting Chairman and concurrent MMFF Over-all Chairman Atty. Romando Artes noong Diyembre 14, Miyerkules sa Novotel Hotel, Quezon City.

“Alam naman po natin, yung pinagdaanan natin these past two years. Nag-try po tayong mag-online. We have to admit, it’s not a commercial success.

“Noong 2021, nag-open po ang cinemas pero iyan naman po ang peak ng Omicron variant ng Covid. So hindi rin po tayo pinalad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa ngayon po, habang bumabalik na tayo sa normal, hopefully itong taong ito ay babalik din po ang sigla ng Metro Manila Film Festival.”

NOEL FERRER

Hopeful ako na maibabalik ang interes and sigla ng moviegoers sa pelikulang Pilipino with the 48th MMFF na ang tema ay Balik Saya.

Simulan na natin sa parada sa Wednesday. Good luck at iwas na lang tayo sa traffic.

And yes, may Best Float Award din para sa pinakakinarir ang pagpaparada. May bet ba kayo na manalo nito?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglabas na ang Quezon City Government ng kanilang traffic advisory para sa MMFF 2022 Parade of Stars na gaganapin sa Miyerkules, December 21, 2022, mula sa Welcome Rotonda sa Quezon Avenue hanggang sa Quezon Memorial Circle mula 4:00pm.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results