GORGY RULA
Puspusan na ang paghahanda ng baguhang Sparkle talent na si Kimson Tan sa pagsabak niya sa pelikula sa Singapore na The King of Hawkers na ididirek ni Kelvin Sng.
Bandang March 2023 ay lilipad na siya pa-Singapore para sa mahigit isang buwang shooting sa naturang pelikula.
Ang edge ni Kimson kaya siya ang napili ay dahil marunong siyang mag-Chinese na Mandarin.
Aarte siya sa ganung lengwahe, kaya kailangan pa rin daw niyang mag-aral, at higit sa lahat ang pagluluto.
“Mag-undergo pa po ako ng training for the cooking… siyempre the cooking part of the show.
“I need to learn how to cook talaga. It’s the requirement of the show plus yung pagtsa-Chinese, at pag-Mandarin din.
“Ngayon po, I am more to watching Chinese dramas and iyun po, maintaining good body physique, siyempre kailangan po yun, and lastly po kailangan ko pang mas matutunan talaga ang pagluto, kasi right now po alam ko lang po mga basics, e.
“So, this is what I have to improve more, and focus more, and ang pagsasalita din po ng Chinese,” pakli ni Kimson nang nakatsikahan namin sa Christmas party ng Regal Films nung nakaraang linggo.
“Tingin ko naman po, kaya. Before naman po sa school, sumasali din po ako sa mga Chinese na ganyang contest, and siyempre sa turo po ng Sparkle GMA, nag-acting workshop po kami under kay Ms. Ana Feleo.
“Basically, madadala ko po lahat ng technique na natutunan ko kay Ms. Ana papuntang Singapore next year,” sabi pa ni Kimson na sobrang excited sa magandang break na ito sa kanyang showbiz career.
JERRY OLEA
Nagpapasalamat si Kimson sa GMA-7 at sa Sparkle na gumabay sa kanya para makapag-audition sa malaking project na ito ni Direk Kelvin Sng ng Singapore.
“Sobrang nakakataba ng puso. Sobrang nao-overwhelm pa rin po ako sa mga nangyayari ngayon,” sambit ng pogilicious na si Kimson.
“And with GMA Network, and Sparkle GMA Artist, right now po we are global, sobrang laking pasasalamat ko po talaga sa pagbibigay nila ng tiwala sa akin, for giving me the opportunity to showcase my talent, hindi lang po locally, but internationally.
“And finally, slowly opening doors to reach my dreams, which is to go internationally po talaga.”
NOEL FERRER
Hindi lang daw sa Pilipinas kukuha ng artista, kundi sa iba pang Asian countries. Wala lang ideya si Kimson kung saang bansa pa sila kukuha.
“Naniniwala po si Direk Kelvin na it’s time for them to expand.
“It’s time for them to bring Singaporean films regionally. Para ang iba’t ibang region po sa Asia is malaman po nila ang tungkol sa Singapore, para po… kumbaga, unti-unting nagbubukas sa mga regions na malapit sa Singapore, na puwede pong magka-collaboration.”
Paborito si Kimson ng isa nating kaibigan. Parang may maganda raw silang pinagsamahan noon.
Naks!
