PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dimples Romana, Jake Cuenca at My Father, Myself premiere night

Dimples Romana at Jake Cuenca, umano ng papuri.
by PEP Troika
Published Dec 21, 2022
My Father, Myself starring Jake Cuenca and Dimples Romana
Jake Cuenca at Dimples Romana, umani ng papuri sa natatanging pagganap nila sa MMFF 2022 entry na My Father, Myself. Kasama nila sa premiere night ng pelikula ang producers na sina Len Carillo at Bryan Diamante ng Mentorque pati na ang co-stars na sina Tiffany Grey at Quinn Carillo.

GORGY RULA

Medyo nataranta si Dimples Romana nang dumalo sa premiere night ng My Father, Myself na ginanap sa Cinema 6 ng Trinoma nung Lunes, December 19, 2022.

Ang nasabing pelikula ay 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions.

Ayon kay Dimples, ngayon lang niya ulit na-experience makadalo sa isang malaking event na dinaluhan ng maraming tao.

Pagkatapos ng red carpet, nag-sorry siya sa lahat na medyo umiiwas siya at pasuut-suot ng face mask dahil sa medyo napapraning pa rin siya sa COVID-19.

May baby siyang uuwian, kaya nag-iingat siya.

Ani Dimples, “First time kong mag-attend na medyo full-blown na event. Medyo praning pa rin po ako talaga.

"Pero, I mean… to support the movie, kay Direk Joel Lamangan, sa mga producers.

"Pero, di ba, ang bagets, pag-uwi ko mamaya… Paano kasi…. siyempre, iba pa rin talaga. I have to take care of my baby, just to make sure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"That’s why I put my mask every time I can. So I guess, while watching, I still have it on."

Pawang magaganda ang feedback na narinig namin pagkatapos ng screening ng My Father, Myself na umabot ng halos dalawang oras. Pinuri ang pelikula lalo na ang acting ng main cast na sina Dimples, Jake Cuenca, Sean de Guzman, at Tiffany Grey.

Kagagaling lang ng Cebu nina Dimples at Jake dahil nagti-taping sila roon ng Kapamilya prime-time series na The Iron Heart. Pinayagan daw silang bumalik ng Maynila para makatulong sa promo ng pelikula hanggang sa Pasko.

NOEL FERRER

Naiintindihan natin ang pinanggagalingan ni Dimples Romana sa kanyang ibayong pag-iingat sa COVID dahil may anak siya, at ayaw na nating maulit pa ang surge.

Mahusay si Dimples sa pelikulang My Father, Myself at pati na ang iba niyang kasamahan sa proyekto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana lang ay mag-appeal sa mga tao ang pelikula, na kahit medyo adult ang tema ay tatangkilikin pa rin nila ito.

Good luck sa Team My Father, Myself ni Direk Joel Lamangan!

JERRY OLEA

Maaaring nakatulong sa curiousity ng mga tao ang R-18 na ibinigay ng MTRCB sa pelikulang My Father, Myself.

Pero sabi ni Jake, ipinagmamalaki niya ang My Father, Myself, na kahit wala sa SM cinemas, marami raw ang nagtatanong sa kanya tungkol sa pelikulang ito.

"Proud kami sa pelikula namin. Proud kami na kakaiba ang pelikula namin. Excited na kaming i-share ito sa lahat ng tao kasi siyempre kakaibang original na pelikulang Pilipino.

"Ramdam ko yung pelikula, yun ang nakakatuwa. Kahit saan ako magpunta, ang daming tanong tungkol sa pelikula.

"So, nakakatuwa yun. Siyempre, tulad ng sinabi ko nung press conference, this is a humble film na umabot kami ng Metro Manila Film Fest. So, all of these things are blessing to us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kumbaga, ang laking bagay na nakarating kami dito sa Metro Manila Film Festival. So, para lang makarinig ng magandang feedback, maramdaman ang pelikula, talagang nagpapasalamat na ako."

Wala siyempre si Direk Joel Lamangan sa premiere night ng My Father, Myself.

Matatandaang Disyembre 1 ay nagpaospital na si Direk Joel bilang paghahanda sa triple bypass operation ng kanyang puso noong Disyembre 5. Nakauwi siya ng bahay noong Disyembre 12.

Ang bilin ng doktor, magpahinga siya ng isa’t kalahating buwan. Gusto nga sana naming dumalaw sa bahay niya dahil nasa kabilang barangay lang si Direk Joel sa tirahan namin sa Makati.

Pero bawal pa siyang tumanggap ng bisita.

Nakausap namin si Direk Joel nitong Disyembre 20, Martes ng hapon, sa cellphone. Medyo mahina at mabini ang kanyang boses.

Tanggap na niyang hindi pa siya makakabalik ng trabaho bago matapos ang taon. Sabi namin, malamang na Pebrero 2023 na talaga siya makapag-work muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit ni Direk Joel, puwede na siyang magtrabaho sa last week ng Enero 2023.

Naku!!! Pray-pray tayo na bumalik ang sigla ng katawan ni Direk Joel sa lalong madaling panahon!

More hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Cuenca at Dimples Romana, umani ng papuri sa natatanging pagganap nila sa MMFF 2022 entry na My Father, Myself. Kasama nila sa premiere night ng pelikula ang producers na sina Len Carillo at Bryan Diamante ng Mentorque pati na ang co-stars na sina Tiffany Grey at Quinn Carillo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results