PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heaven Peralejo, may laban para sa MMFF 2022 Best Actress?

Heaven Peralejo, may laban para sa MMFF 2022 Best Actress?
by PEP Troika
Published Dec 23, 2022
Heaven Peralejo on MMFF 2022 entry Nananahimik Ang Gabi
Heaven Peralejo on good feedback about her performance in MMFF 2022 entry Nananahimik Ang Gabi: “Sobrang masaya po ako bilang aktres. Parang… at least nakikita po nila yung passion ko with my work." Seen in the photos are scenes from the MMFF 2022 Parade of Stars on December 21, 2022.
PHOTO/S: Sany Chua

GORGY RULA:

Si Heaven Peralejo ang napansin nang husto pagkatapos ng premiere night ng pelikulang Nanahimik ang Gabi na ginanap sa Taguig nung nakaraang Martes, December 20, 2022. Ang daming natuwa sa kanyang performance bilang si Me-ann sa pelikulang iyun.

ian veneracion heaven peralejo kandungan scene

Isa sa dumalo sa premiere night ang producer ng Borracho Films na si Atty. Ferdie Topacio. Ikinuwento sa amin ni Atty. Topacio na na-impress siya kay Heaven sa pelikulang iyun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pinanood ko ang Nanahimik ang Gabi. I attended the premiere night. Maganda ang pelikula.

“It totally changed my opinion of Heaven Peralejo. Napakagaling palang artista nun, ngayon ko lang nalaman,” bulalas ni Atty. Topacio nang nakatsikahan namin sa programa namin sa DZRH nung Huwebes, December 22, 2022.

Sabi ni Atty. Topacio, sa panahon ngayon na kailangang makaahon ang ating movie industry, dapat magtulungan daw at huwag isiping magkakalaban ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Sabi nga ni Direk Lino Cayetano, that MMFF is not a competition. It’s a celebration,” pakli ng celebrity lawyer at film producer.

Kaya kahit may sarili siyang pambato sa MMFF 2022 ay ire-review daw niya kahit mga kalabang pelikula—pupurihin kung maganda para sa kanya, at sasabihin din kung hindi niya nagustuhan.

"Iyun yung cooperation. Hindi yun pakitang-tao… na tutulungan mo ang ibang filmmakers. Tulung-tulong kayo, hindi magkakalaban,” dagdag niyang pahayag.

Si Atty. Topacio ang producer ng Mamasapano: Now It Can Be Told na dinirek ni Lester Dimaranan, under Borracho Films. Bida sa nasabing pelikula sina Edu Manzano, Aljur Abrenica at Paolo Gumabao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER:

Nagpapasalamat si Heaven Peralejo sa lahat na bumati at nagbigay ng mensahe na nagustuhan siya sa pelikulang ito.

“Sobrang masaya po ako bilang aktres. Parang… at least nakikita po nila yung passion ko with my work.

"Then, nakita nila onscreen. Sana po maraming mga kababayan natin ang manood kasi, this is more than a sugarbaby-sugardaddy story.

“This is a social commentary film that everyone should watch and think about their perspective in life.”

Sana, masuklian sina Heaven, Ian Veneracion, Mon Confiado, at mga producers nila mga magandang resulta ng pelikula ngayong darating na MMFF.

JERRY OLEA:

Napanood ko ang Nanahimik Ang Gabi sa campus advance screening nitong Disyembre 23, 2022, Biyernes, sa UP Town Center.

Pawang mahuhusay sina Ian, Heaven, at Mon. Revelation nga si Heaven na isang baguhan, at nakipagsabayan sa mga beteranong sina Ian at Mon.

May laban si Heaven sa kategoryang best actress ng MMFF 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ewan kung ilalagay ba si Mon sa lead o supporting category dahil malaki ang papel niya sa pelikula.

Dumalo si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa campus screening ng Nanahimik Ang Gabi, at special mention ni Mayor Joy ang performance ni Mon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo on good feedback about her performance in MMFF 2022 entry Nananahimik Ang Gabi: “Sobrang masaya po ako bilang aktres. Parang… at least nakikita po nila yung passion ko with my work." Seen in the photos are scenes from the MMFF 2022 Parade of Stars on December 21, 2022.
PHOTO/S: Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results