PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item on guwapong actor-politician salat pa sa kaalaman

Hindi raw tumutugma sa pinag-uusapan ang mga hirit nitong actor-politician.
by PEP Troika
Published Dec 24, 2022
blind item
Hindi raw tumutugma sa pinag-uusapan ang mga hirit nitong actor-politician.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

GORGY RULA:

Nag-react ang ilang constituents nitong guwapong actor-politician sa kumalat na tsismis na hindi raw ito nakakasabay sa ilang mga beteranong actor-politician dahil kulang pa siya sa kaalaman.

May nagkuwento sa amin na kapag kasama sa pagpupulong si guwapong actor-politician, ang hilig daw nitong magsalita at magbigay ng suggestion para sa ipinapatupad na batas sa kanilang lalawigan.

Pero hindi raw tumutugma sa pinag-uusapan ang mga hirit nitong actor-politician. Baguhan pa lang kasi ito sa pulitika, kaya kulang pa talaga sa kaalaman. Kaya sinasabi raw sa kanya ng ilang kaibigang pulitiko na dapat ay mag-aral siya.

Marami sa mga baguhang pulitiko ang nag-aaral nang mabuti para alam nila kapag nagpapatupad na ng mga batas, at alam nila ang pinasok niyang responsibilidad.

Napapayuko na lang daw ang ilang pulitiko kapag nagsasalita na itong si actor-politician, dahil ang layo raw ng mga sinasabi nito.

Pero ipinagtanggol siya ng ilang constituents niya dahil mahal nila ito. Ang dali raw niya kasing lapitan, at kapag merong inihihingi sila ng tulong, inaaksyunan daw niya agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malapit siya sa tao, at kahit salat man daw ito sa kaalaman, nagtatrabaho naman daw ito nang mabuti at nasa puso raw niya talaga ang magsilbi sa kanyang kinasasakupan.

JERRY OLEA:

Saludo tayo sa mga sikat na artista na hindi nangahas pumasok sa pulitika pagka’t alam nila ang kanilang limitasyon.

Hindi sapat ang kabaitan na katangian ng isang public servant. Dapat alam niya ang kanyang responsibilidad.

Magkaiba ang teleserye at totoong buhay.

NOEL FERRER:

Para lang iyang Q&A sa isang talent search.

Q: Bakit mo gustong pumasok sa showbiz?

A: Para makatulong po sa pamilya kong maysakit.

Q: Bakit showbiz?

A: Mabilis po kasi ang pera at hilig ko.

Parang politika rin, iba ang hilig at iba ang may kakayahan. Sana, lalo pang magsikhay at mag-aral ang artistang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi raw tumutugma sa pinag-uusapan ang mga hirit nitong actor-politician.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results