PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Billy Crawford, nabawasan ng 30 pounds at nagka-injury dahil dito

Billy Crawford: “Halos nagkabali-bali ang buto ko..."
by PEP Troika
Published Dec 25, 2022
Billy Crawford
Billy Crawford on difficulties he encountered during his Dance With The Stars stint in France: “Halos nagkabali-bali ang buto ko, nagpaturok ako ng kung anu-ano sa sakit sa buong katawan ko, halos di na ako makatayo minsan."
PHOTO/S: @dalstf1 / @billycrawford

GORGY RULA:

Ibinahagi ni Billy Crawford sa Korina Interviews ng NET25 ang lahat na hirap na pinagdaanan niya nang sumali siya sa Dance with the Stars sa France.

Inabangan daw talaga ni Korina Sanchez si Billy nang umuwi ito galing France. Sinadya ni Korina si Billy sa studio ng Tropang LOL para makapanayam ito.

Kay Korina unang ikinuwento ni Billy kung gaano kahirap ang araw-araw na ensayo para lang ma-perfect nila ni Fauve Hautot ang kanilang performance.

“Halos nagkabali-bali ang buto ko, nagpaturok ako ng kung anu-ano sa sakit sa buong katawan ko, halos di na ako makatayo minsan,” pahayag ni Billy.

Nagkaroon pa iyan ng injury sa kanyang right groin, dahil sa matinding rehearsal na araw-araw nilang ginagawa.

Kaya ang laki talaga ng ipinayat ng actor-TV host. Umabot daw sa 30 pounds ang nabawas sa timbang ni Billy, kaya ganoon siya kapayat.

Billy Crawford and Fauve Hautot at Dance With The Stars

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abangan sa Linggo ng hapon, ang kabuuan ng ng pakikipagpanayam ni Korina Sanchez kay Billy Crawford para sa Korina Interviews ng NET25.

JERRY OLEA:

Kung 30 pounds ang nabawas kay Billy, nadagdagan naman daw ng 10 pounds si Sen. Robin Padilla nang naging senador ito.

Kaya sinasabihan daw siya ng doktor nila sa Senado na huwag mag-kanin sa lahat ng meals.

Nabawasan daw kasi si Robin ng ensayo dahil sa mga trabaho niya bilang senador. Kaya pala hindi siya nag-e-elevator pag umakyat siya sa kanyang tanggapan.

Para exercise na rin daw niya ito. Pero paano nga ba makapag-diet si Sen. Robinhood, mahilig pala ito magluto? Kaya pala talagang nag-aral si Mariel Rodriguez sa pagluluto.

“Hindi puwedeng hindi siya magluto. Hahanapin ko yun,” bulalas ng aktor-senador sa Korina Interviews noong Disyembre 18, Linggo. Natutunan daw kasi ni Robin sa kanilang ang pagluluto, at kare-kare ang kanilang specialty.

“Ang Padilla talaga, ang trademark…. magaling magluto ang mga lalaki. Kare-kare ang specialty namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong siya ni Korina kung mani ba talaga ang gamit nila sa kare-kare.

“Mani talaga. Pag ginamit ang peanut butter, estafa yun! Dapat mani na dinidikdik talaga yun.

“Nung panahon ng tatay ko, nagluluto yan, kami ang nagdidikdik niyan. Kaya lang, nauso yung gina-grind na lang. Nung mga bata pa kami, nagdidikdik talaga kami,” pagmamalaki ni Robin.

Kaya pinag-aaralan daw ni Mariel ang kare-kare ng namayapang ama ni Robin.

“Hanggang ngayon, kinokopya ni Mariel yung luto ng tatay kong kare-kare. Iyun ang secret para mapa-behave mo ang Padilla−kailangan marunong kang magluto ng kare-kare ni Papa.

“Iyun ang panglambing mo. Kapag nagluto ka ng kare-kare, Wow! Iyun ang reaksyon ng mga Padillang lalaki. Wow!”

NOEL FERRER:

Tuluy-tuloy ang mga interview-han ala Korina sa NET25. Tapos may Toni naman sa ALLTV. Then very soon, here comes Tito Boy Abunda back on GMA.

Who will stay sharp, warm, and witty? It’s really time to up the interviewers' game.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero ang point din—ke may Billy ka pa o Robin Padilla—it’s all about bringing out the best in each other, plus first time revelations and really uplifting talk.

Sana, ma-sustsin ng mga pesonalidad na ito ang interes ng tao. Good luck!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford on difficulties he encountered during his Dance With The Stars stint in France: “Halos nagkabali-bali ang buto ko, nagpaturok ako ng kung anu-ano sa sakit sa buong katawan ko, halos di na ako makatayo minsan."
PHOTO/S: @dalstf1 / @billycrawford
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results