PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Partners In Crime, naka-P31M umano sa first day ng MMFF 2022

Deleter at Family Matters, nasa ikalawa at ikatlong puwesto.
by PEP Troika
Published Dec 26, 2022
partners in crime mmff 2022
According to reliable sources, Partners In Crime, starring Vice Ganda (right) and Ivana Alawi (right), is currently the No. 1 movie at the box office among the MMFF 2022 official entries.
PHOTO/S: Star Cinema

JERRY OLEA

Inilabas sa Facebook page ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Disyembre 26, 2022, Lunes ng tanghali, ang official statement ni MMDA Acting Chairman Atty. Romando “Don” Artes kaugnay sa unang araw ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022.

Aniya, “Ako, kasama ang buong pamunuan ng Metro Manila Film Festival, ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik sa walong pelikulang bahagi ng MMFF 2022 sa unang araw pa lamang nito kahapon, Araw ng Pasko.

“Labis naming ikinagagalak ang suportang ipinamamalas ng publiko sa MMFF, base sa mahahabang pila sa mga sinehan hindi lamang dito sa Metro Manila kundi sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

“Hiling namin ang inyong patuloy na suporta hanggang sa pagtatapos ng MMFF sa January 7.

“Sa pamamagitan nito ay matutulungan natin ang unti-unting pagbangon ng industriya ng pelikulang Pilipino na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“Muli, maraming salamat sa lahat at mabuhay ang pelikulang Pilipino!” sabi pa ni Atty. Don Artes na concurrent chairman ng MMFF 2022 Executive Committee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Balik Saya” ang tema ng 48th MMFF, kung saan host city ang Quezon City sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte.

Bukas, Disyembre 27, Martes, ang Gabi ng Parangal sa New Frontier Theater ng Cubao, Quezon City.

Walang leakage kung sinu-sino ang winners. Bukas ng 2:00 p.m. pa kasi magde-deliberate ang mga hurado!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Panalo talaga hindi lang ang producers at mga artista at manggagawa ng pelikula kundi tayo mismong taumbayan na tumatangkilik sa 48th Metro Manila Film Festival.

Dagsa rin agad ang mga manonood ngayon. Parang extension ng Pasko pa rin dahil holiday ngayong Lunes, kaya tuluy-tuloy ang panonood ng sine.

Balita ko ay nagkayayaan ang FPJ’s Ang Probinsyano cast at nakatakda rin silang manood ng Coco Martin-Jodi Sta. Maria movie, Labyu With An Accent, today sa regular theater.

Inaasahang tuluy-tuloy ang pag-arangkada ng kita ng mga pelikula ngayon at sa darating pang Rizal Day Holiday at New Year. (Sana, araw-araw nang pataas nang pataas.)

Read: Anu-anong pelikula ang tinangkilik sa first day ng MMFF 2022?

Ang official sagot sa mga nagtatanong kung may live streaming ang Gabi ng Parangal bukas — LIVE ito sa OnePh, at delayed telecast naman sa TV5.

Magkita-kita tayo sa sinehan ngayon, at bukas sa Awards Night!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Mag-a-alas dose ng tanghali ngayong Lunes sa SM Megamall, nagsisimula nang pumila ang mga tao sa mga sinehan.

Nakakatuwang tingnan na bumabalik na talaga tayo sa dating normal. Kaya nai-inspire ang producers na gumawa pa ng pelikula at sumali sa susunod na MMFF.

Ayon sa napapagtanungan naming reliable source, naka-P63M daw ang first day na kinita ng walong pelikulang kalahok.

Naka-P31M daw ang Partners in Crime, at sumunod ang Deleter na naka-P10M, at P9M naman daw ang Family Matters.

Okay rin daw ang kinita ng Labyu with an Accent, My Teacher, at Nanahimik ang Gabi.

Hintayin pa natin ang official announcement ng MMFF. Sana, tuluy-tuloy pang malakas, at lalo pang tumaas pagkatapos ng Gabi ng Parangal.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to reliable sources, Partners In Crime, starring Vice Ganda (right) and Ivana Alawi (right), is currently the No. 1 movie at the box office among the MMFF 2022 official entries.
PHOTO/S: Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results