PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item: Showbiz gay personality picks up basketball player

Showbiz gay personality, kilalang mahilig sa basketball players.
by PEP Troika
Published Dec 27, 2022
blind item two men
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

GORGY RULA

Medyo nakaahon na si showbiz gay personality pagkatapos pinadapa ng pandemya ang ilang negosyo niya.

Bonggacious na siya ngayon, bukod sa umaalagwa naman ang kanyang showbiz career. Kaya bonggabells na naman siya sa mga boys!

Kuwento ng ilang marites sa PEP Troika, marami ang nakasaksi nang sinundo ni showbiz gay ang kilalang basketball player sa isang sikat na university na pinag-aaralan nito.

Hindi sana nabuking na si showbiz gay personality ang sumundo kung nakasakay agad si basketball player. Kaya lang, sa sobrang laki ni basketbolista, hindi siya nagkasya sa upuan ng kotse ni showbiz gay personality.

May halong banyaga si basketball player kaya ang laki niyang mama! Bumaba pa si showbiz gay para ayusin at i-adjust ang upuan, hanggang sa nakasakay na si basketball player.

Ang daming malisyosa ang nakakita sa kanila, kaya in-assume na pinik-ap nitong si showbiz gay personality si basketball player.

Mahilig daw kasi siya sa basketbolista, lalo na’t na-link siya noon sa sikat na sikat na basketbolista na pinasok na ang ibang propesyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Memories of the movie Bola, Tito Gorgeous, starring Kenneth Salva and Arnell Ignacio.

Iniintindi natin ang mga ganitong mga bagay lalo pa’t kung sila’y two consenting adults naman na.

Love wins, I hope! Sana nga, may love!

JERRY OLEA

Judingle bells, judingle bells, judingle all the way!

May “K” si showbiz gay na magmahal at mag-aruga ng basketbolista, maski itanong pa ninyo kay Rudolf the Red-Nosed Reindeer!

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results