JERRY OLEA
Winner but nowhere to be seen sa 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal nitong Disyembre 27, 2022, Martes, sa New Frontier Theater ang scriptwriter ng Mamasapano: Now It Can Be Told na si Eric Ramos.
Si Eric ang nagwagi ng Best Screenplay.
Agad nag-post sa Facebook ang kaibigang Eric: “Now it can be told -- hindi ako umasang mananalo kaya hindi ako naka-attend. Pero maraming salamat sa mga hurado na pinamunuan ni Direk Laurice Guillen.
“Congrats sa Team Mamasapano for also winning 2nd Best Picture, FPJ Memorial Award, at Best Theme Song. Sana marami pa ang makapanood ng pelikula.
“Abangan nyo pala yung sequel na pinamagatang MAMASAMASA PA, ANO? NOW IT CAN BE BOLD! Only for streaming on Vivamax.”
Nag-PM ako kay Eric.
Aniya, ang akala niya ay Nanahimik Ang Gabi o Family Matters ang tatanghaling best screenplay, kaya hindi na siya dumalo sa awards night.
Naku, ha?! Sabi nga, marami ang namamatay sa maling akala…
“Ha ha ha dami kasing bashers dahil mahadero ang producer ha ha ha,” tugon ng multi-awarded scriptwriter.
Take note na ni hindi nominado ang Family Matters sa kategoryang best screenplay.
Ang mga nominadong best screenplay sa MMFF 2028 ay Mamasapano: Now It Can Be Told, Nanahimik Ang Gabi, My Teacher, at My Father, Myself.
Teka! Forfeited ba ang cash prize ni Eric dahil absent siya sa awards night?!
“Oo raw, pero hindi papayag ang producer ko. Bobombahin sila ni Atty. Topacio haha,” pagbibiro pa ni Eric.
NOEL FERRER
Para higit nating maunawaan ang choices, heto ang tinatanong ng marami na listahan ng mga nagsipag-evaluate ng mga pelikula at nagsilbing board of jurors sa MMFF 2022 Gabi ng Parangal..
Chairperson: Laurice Guillen
Racquel Villavicencio, Award winning Scriptwriter
Erwin “Lucky” Blanco, MAVX Film Producer
Congressman Dan Fernandez
Congressman Jojo Garcia
Ino Manalo, NCCA
Alex Cortez, CCP
FDCP Chair Tirso Cruz III
Kanya-kanyang taste iyan. Kanya-kanyang choices.
Maganda sigurong maipalabas ang mga reaksiyon at tanong ng mga tao, kung meron man, dahil diyan nagkakaroon ng dialogue at napapaunlad ang ating appreciation ng pelikula.
Pero like any contest, the decision of the board of judges is final.
GORGY RULA
Mula sa Parade of Stars hanggang sa Gabi ng Parangal ay consistent na walang lead stars ng Mamasapano: Now It Can Be Told na dumalo.

Kung si Atty. Ferdie Topacio ay kumanta pa pagkatapos ng parada noong Disyembre 21 sa Quezon Memorial Circle, dito sa awards night ay hindi na rin nagpakita.
Sayang at hindi niya personal na natanggap ang Best Original Theme Song award na nung sinisimulan pa lang nila ang shooting nitong pelikula ay ipinagmamalaki na niya ang nagawa nilang kanta ni Tita Cristy Fermin.
Napansin ko rin na sa bandang likuran lang nakaupo ang direktor ng Mamasapano: Now It Can Be Told na si Lester Dimaranan. Sobrang napaka-low profile ni Direk Lester na parang mahiyain pa, kaya tahimik lang itong nakaupo sa likod.
Hindi ko na nga napansin kung kasama ba siya sa tumanggap ng 2nd Best Picture.
May mga hanash din kasi si Atty. Topacio tungkol sa MMFF. Tingnan natin kung may sasabihin pa siya kaugnay sa pagkapanalo nila at kung meron pa ba siyang masasabi sa MMFF ngayong taon.
Pero sa totoo lang, itong MMFF pa rin talaga ang pinakamaingay, makulay , at kontrobersiyal na film festival.
Huwag naman sanang mangyari ito sa gagawin nilang Summer Metro Manila Film Festival.
