GORGY RULA
Nagulat ang isang bading na production staff ng isang TV network nang bigla siyang makatanggap ng mensahe sa kanyang Facebook account mula sa isang cute na boylet na medyo mature na ngayon.
Ang lakas ng dating ng boylet noong sumali siya sa isang talent-reality search mahigit isang dekada na ang lumipas. Sandali lang siyang nag-showbiz dahil umuwi na siya sa kanyang probinsiya.
Pero sa mga accla ay kilalang-kilala si boylet lalo noong may kumalat siyang vidjakol.
Medyo na-excite si bading na production staff nang mag-“Hello po, Tito” si boylet sa kanya. Pero may kasunod itong message na maglalambing sana siya para sa Pasko.
Sabi ni accla na production staff, hindi naman sila close at minsan lang silang nagkatrabaho, bakit sa kanya humihingi? Marami raw gastusin si accla nitong Christmas season.
Maya-maya, nag-send ng ‘crying’ at ‘sad’ emoji si boylet kay acclang staff. Sabi pa ni boylet, gusto sana niyang mapasaya ang kanyang nag-iisang anak na paslit pa. Alam naman daw natin na para sa mga bata talaga ang Pasko.
Nalamuyot ang pusong mamon ni accla na production staff, kaya nagtanong ito kung magkano ba ang kailangan ni boylet. Sagot naman ni boylet, bahala na ito.
Okay na raw sa kanya kahit magkano ang ipadala sa kanyang GCash. Basta pag nag-send si accla sa GCash, may ipapadala rin daw si boylet na sorpresang pamasko.
Aba! Na-excite si accla na staff! Kaagad nag-send ito ng tumataginting na PHP3,000 sa GCash ni boylet.
Inaasahan ni accla na staff na kaagad na magre-respond si boylet para magpasalamat man lang. Pero waley!
Naghintay pa si accla ng ilang minuto, waley pa rin! Nairita si accla na staff, nag-message ito kay boylet ng tipong, “Last mo na iyan! Di ka na makakaulit!”
Akala ni accla na staff, masi-seen zone lang siya. Hindi naman pala!
Ilang beses na napalunok si accla na staff nang ipinadala na sa kanya ni boylet ang video na nagpapaligaya ng sarili.
Kaya siguro hindi agad nakapag-message si boylet dahil tinrabaho pa niya ang video na pramis kay accla na staff. Kaya ang saya nilang nagpalitan ng pagbating “Merry Christmas” at nagkumustahan kung magpapaputok ba sila sa New Year.
JERRY OLEA
Certified Daxx si boylet, kaya ang saya-saya ni accla na production staff as if nakatanggap siya ng 14th month pay at additional Christmas bonus.
Meron din kaya silang paputok o pasabog sa Chinese New Year’s Eve, o kaya ay sa Valentine’s Day?
E, ano kung wala na sa kalendaryo ang edad ni boylet? Ang fiftysomething nga na si Fernando Carrillo, na magbi-birthday sa January 6, Friday, ibinubuyangyang ang kanyang private part sa Only Fans account na pinasimulan noong Hulyo 2022.
Minahal ng mga Pinoy si Fernando nang maging leading man siya ni Thalia sa telenobelang Rosalinda (1999), at na-link pa siya noon kay Korina Sanchez.
NOEL FERRER
At least, walang third party na tumawag sa accla at pinagbantaan ito at nag-aakusang exploitation of minors, di ba?
Ito’y mga consenting adults na ngayo’y online ang transaction.
Gaano kaya maiiba ang lahat kapag face-to-face na?
