PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis, nais gawing pribado ang pakikipag-ayos kay LJ Reyes

Paolo Contis, payagan kaya ni LJ Reyes madalaw si Summer sa New York?
by PEP Troika
Published Jan 4, 2023
Paolo Contis and LJ Reyes
Paolo Contis, payagan kaya ni LJ Reyes madalaw si Summer sa New York?
PHOTO/S: @paolo_contis / @lj_reyes Instagram

GORGY RULA

Nag-post si Paolo Contis sa kanyang Instagram account na binati niya ang kanyang anak kay LJ Reyes na si Summer ng "Happy Birthday."

Ipinagdiriwang ni Summer ang kanyang 4th birthday ngayong January 4, 2023, Wednesday.

Kahit naaalangan siyang gawin ito at baka ma-bash na naman daw siya, binati pa rin ng Kapuso actor ang anak sa kanyang social media account.

Nasa caption ng IG post ni Paolo kalakip ng heart emoji: “Happy Birthday my Ganda! I miss you everyday!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinext ng PEP Troika si Paolo para tanungin kung hindi ba siya nakadiretso ng tawag kay LJ Reyes para mabati ang kanyang anak.

Ayaw niya akong sagutin. “No comment” na lang daw.

Ayaw na lang niyang maging isyu pa ito, alang-alang sa kanyang anak.

Iniiwasan na rin ni Paolo ibahagi sa amin kung ano ang balak niya para maayos na ang problema nila ni LJ.

Papayagan kaya siyang dalawin ang kanyang anak sa Amerika?

Ang text lang niya sa PEP Troika, “Anything about LJ or Summer, I just want to fix it privately.”

JERRY OLEA

Naka-off ang comment section ng Instagram account ni Paolo.

Synchronized ang IG ni Paolo sa kanyang Facebook account na naka-private, kaya iyong mga kaibigan lang niya ang nakakapag-comment.

Nakikita ni Paolo ang mga ipino-post ni LJ na activities doon ng kanilang supling. Kaya lalong nami-miss ni Paolo si Summer.

NOEL FERRER

Kung dumaan ng social media si Paolo para sa kanyang pagbati kay Summer, meron itong pahiwatig na it had to go public.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

For whatever reason, nirerespeto na rin yun!

Sana lang, sa usaping ganito na may involved na mga bata, ang naghiwalay na couple would hopefully solve and iron out their differences para na lang ma-achieve ang peaceful co-existence.

Mahirap and better said than done.

Basta, sana masaya na lang sila sa kani-kaniyang buhay. All will be alright in time.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis, payagan kaya ni LJ Reyes madalaw si Summer sa New York?
PHOTO/S: @paolo_contis / @lj_reyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results