PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapuso Shows Boost GMA-7, Kapamilya Ratings

Happy ToGetHer ni John Lloyd Cruz, balik-telebisyon uli.
by PEP Troika
Published Jan 9, 2023
GMA afternoon shows: Abot Kamay Na Pangarap, Unica Hija, Nakarehas Na Puso
Mapapanood noong January 6, 2022 ang engkuwentro ni Jillian Ward (upper left) kina Mavy at Cassy Legaspi (upper right) sa Abot Kamay Na Pangarap. Intense naman ang eksena nina Kate Valdez at Mark Herras (lower left) sa Unica Hija pati na rin nina Jeane Garcia at EA Guzman sa Nakarehas Na Puso (lower right).
PHOTO/S: GMA YouTube

GORGY RULA

Pagkatapos ng mahabang holiday season, tila bumabalik na ang atensiyon ng mga tao sa mga palabas sa telebisyon. Tumataas na ang rating ng mga panghapong drama series ng GMA-7.

Noong nakaraang Biyernes, January 6, 2023, pagkatapos ng Eat Bulaga! na 7% at ang It’s Showtime na 1.9%, nanguna ang Abot Kamay na Pangarap nina Jillian Ward at Carmina Villarroel na naka-9.9%.

Sumunod ang Unica Hija na 9.6%, at ang Nakarehas na Puso ay 9.3%. Medyo bumaba lang pagdating sa Koreanovela na Secretary Kim na 4.6%.

Pero pagdating sa Family Feud na replay episode lang ay umangat na sa 11.4%. Ilang linggo ring pawang "the best" episode ang ipinalabas sa Family Feud.

Ngayong Lunes, January 9, lang sila nagsimula sa mga bagong episode. Sinimulan nila ito sa paglalaro ng team KMJS ni Jessica Soho, at ang pamilya ng bowling legend na si Paeng Nepomuceno na nagwagi ng PHP100K.

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maganda naman ang pagbago ng timeslot ng Amazing Earth ni Dingdong Dantes at ng Pepito Manaloto ni Michael V.

Okay ang rating ng mga programa ng GMA-7 sa primetime nito.

Simulan natin sa 24 Oras Weekend na 10.8%. Sumunod na ang Amazing Earth na 12.8%, at maganda rin ang rating ng Pepito Manaloto na 13.3%, samantalang 3.6% ang Everybody Sing.

Mataas din ang replay episode ng Magpakailanman na 12.4%, at 5.8% ang Daddy’s Gurl.

Sana talaga, maging interesante pa ang mga panooring pantelebisyon para tumaas pa ang ratings kagaya ng pre-pandemic proportions. Sana!!!

JERRY OLEA

Wagi pa rin ang Kapuso Network sa Game of TV Ratings.

Medyo na-disappoint ako sa finale ng seryeng Start-Up PH nina Alden Richards at Bea Alonzo na 8.9% lamang noong Disyembre 23, 2022. Kumusta na yung pagtatambalan nilang pelikula?

Nananabik ako sa Voltes V: Legacy. Inaasam kong mahigitan nito ang mga itinalang ratings ng First Yaya na madalas nasa line of 2 ang rating.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang akala ko noon ay magtatapatan ang Mars Ravelo’s Darna starring Jane de Leon, at itong Voltes V: Legacy.

Hindi minadali ng Kapuso Network ang Voltes V: Legacy kaya trailer pa lang nito ay kagila-gilas na ang special effects. Nawa’y mag-volt in nang lubos ang televiewers sa Voltes V: Legacy.

Read: Michael V. at Suzette Doctolero, may buwelta sa bashers ng "Voltes V: Legacy" mega trailer

Panlaban naman ng Kapamilya Channel ngayong 2023 ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin, kung saan tampok si Christopher de Leon. Markado ang karakter ni Christopher sa Lolong, ang teleseryeng nakatapat ng isang buwan ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco.

Sa mga teleserye na nag-finale last year, pinakamataas ang rating ng Lolong na naka-19.3% noong Setyembre 30. Sumunod dito ang finale ng First Lady na 17.1% noong Nobyembre 11 at ang finale ng FPJ’s Ang Probinsyano na 16.6% noong Agosto 12.

Sumunod naman ang finale ng Bolera na 16.3% noong Agosto 26; ang finale ng The World Between Us na 14.3% noong Enero 7; at ang finale ng I Left My Heart In Sorsogon na 13.6% noong Pebrero 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At any rate, noong Linggo, January 8, 2023, ay parehong live ang All-Out Sundays at ASAP Natin ‘To.

Dito rin nagbalik ang Happy ToGetHer ni John Lloyd Cruz na kinunan ang buong episode sa Dakak.

Simulan muna natin sa AOS na 5.5%, at ang ASAP ay 2.9 percent. Sumunod ang GMA Blockbuster na 4.2% at ang FPJ Da King ay 3.8%. Ang Regal Studio Presents ay 4%.

Pagdating sa prime-time block, naka-9.5% ang Happy ToGetHer. Medyo tumaas na rin ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-14.2%. Ang The Boobay and Tekla Show naman ay 5%.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mapapanood noong January 6, 2022 ang engkuwentro ni Jillian Ward (upper left) kina Mavy at Cassy Legaspi (upper right) sa Abot Kamay Na Pangarap. Intense naman ang eksena nina Kate Valdez at Mark Herras (lower left) sa Unica Hija pati na rin nina Jeane Garcia at EA Guzman sa Nakarehas Na Puso (lower right).
PHOTO/S: GMA YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results