GORGY RULA
Iritable ang production staff ng isang daily show ng GMA-7 sa acclang (baklang) aktor na nakilala sa ABS-CBN.
Naisipang imbitahing mag-guest itong si acclang aktor sa isang daily show sa GMA-7. Tsinek muna ng production staff kung puwedeng tumawid mula Kapamilya network itong si acclang aktor.
Ina-allow ng GMA-7 ang ibang talents ng ABS-CBN na mag-guest basta approved din sa kanilang network. Puwede naman daw, kaya go na ang guesting ni acclang aktor sa naturang daily show.
Nung inaayos na ang guesting, nagtanong daw itong si acclang aktor kung sino ang makakasabay niyang mag-guest. Sinagot ng talent coordinator na isa ring accla na celebrity.
Aba! Nagbago ng isip si acclang aktor. Ang ini-expect daw kasi ni acclang aktor, mga delicious hunks ng Kapuso network ang makakasama niya.
Type pa naman sana niyang gamitin ang bongga niyang outfit at kung anik-anik na borloloy sa katawan. Kung isasabong lang siya sa isa ring badikla, huwag na lang daw!
Biglang nag-back out si acclang aktor at hindi na raw siya puwede sa araw ng taping. Nairita ang production staff sa pag-attitude ni acclang aktor, na feeling yata niya ay magiging kasingsikat din siya ng ninang-ninangan niyang bankable star.
JERRY OLEA
Sa dinami-dami ng mga accla na umaasam magkapuwang sa local entertainment scene, nanganganib na pulutin sa La Ocean Deep ang attitude na acclang aktor.
Sa halip na mag-build ng bridges, nag-burn si atti!
NOEL FERRER
Beggars can’t be choosers pero kakaiba naman ang acclang ito. Ano kaya ang maipagmamalaki niya?
