PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sofia Pablo at Allen Ansay, proud love team sila mismo ang bumuo

Luv Is: Caught In His Arms, eere na sa January 16 sa GMA-7
by PEP Troika
Published Jan 14, 2023
Allen Ansay and Sofia Pablo
Sofia Pablo at Allen Ansay, proud sa love team na sila mismo ang bumuo: “Kasi yun nga po… hindi po kasi kami yung type na loveteam na network yung nag-decide na, 'sige, loveteam kayo.' Kami po yung bumuo."
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Hindi napigilan ng magka-loveteam na Sofia Pablo at Allen Ansay na maluha sa nakaraang mediacon ng kiligserye nilang Luv Is: Caught In His Arms nang tinanong ng PEP Troika ang level ng kanilang relasyon pagkatapos nilang magsama sa ilang projects sa GMA-7.

Malaking challenge ito sa kanilang tambalan na nasa primetime na ang kanilang drama series na magsisimula na sa Lunes, January 16, pagkatapos ng Maria Clara at Ibarra.

Luv Is: Caught In His Arms

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro po, throughout our time together, of course, hindi naman talagang wala, siyempre may feelings.

“Siyempre, happy ako kasi siya ang naging ka-partner ko, and di ko ma-imagine yung sarili ko na nasa sitwasyon na ito, na where I am right now kung hindi siya ang naging ka-partner ko,” pahayag ni Sofia.

“Kung ano pong meron kami ngayon, kami lang ang nakakaalam nun,” pakli ni Allen.

Sumingit agad si Sofia na sinabing alam daw siyempre ng mommy niya.

Pero hindi na natapos ni Allen ang gusto niyang sabihin na ayaw daw niyang mawala sa kanya si Sofia.

“Ayoko siyang mawala, kasi masaya… ayoko siyang mawala. Ayokong mawala yun.

"Kung ano man ang mangyari, ipaglalaban ko yun, kasi ang sarap po sa feeling na yung kasama mo lang dati… yung nangangarap pa lang kayo maging loveteam… natutuwa lang po ako kasi, pandemic talaga, hindi naman kami nila-loveteam talaga.

“Talagang pinush namin, nag-Tiktok kami, gumawa kami ng mga vlogs. Masaya lang ako kasi, binibigyan kami…” napaiyak na si Allen.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya si Sofia na ang nagpatuloy ng gustong sabihin ng young actor.

“Kasi yun nga po… hindi po kasi kami yung type na loveteam na network yung nag-decide na, 'sige, loveteam kayo.'

“Kami po yung bumuo. Kami yung nagsipag, nag-Tiktok kami, kasi gusto talaga naming maging loveteam kasi nae-enjoy namin yung company namin sa isa’t isa, and alam namin na nandun kami sa edad na masaya magkaroon ng ka-loveteam, kasi ito yung edad na maraming kinikilig, kahit mga mommy kinikilig sa mga bata.

“Siguro natutuwa lang kami kasi yung pinangarap namin before, hindi po namin alam na magkakatotoo. So, ito na siya,” naluluha na ring pahayag ni Sofia.

NOEL FERRER

Feeling ko, narating ng Luv Is ang sukdulang hype, kaya sana hindi nito ma-fail ang expectations ng mga tao na mag-aabang nito.

Sobra ring sugal ito sa GMA-7 to invest on these young stars who still have to carve their names in our industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, Caught in the Ratings sila, hindi nakakata-caught!!!

JERRY OLEA

Sa Lunes ng 4:15 pm ang pilot episode ng Underage sa GMA Afternoon Prime. Bida naman doon sina Elijah Alejo, Lexi Gonzales at Hailey Mendes.

Abang-abang tayo kung alin ang mas bobongga sa ratings, ang Underage o LUV IS?!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Pablo at Allen Ansay, proud sa love team na sila mismo ang bumuo: “Kasi yun nga po… hindi po kasi kami yung type na loveteam na network yung nag-decide na, 'sige, loveteam kayo.' Kami po yung bumuo."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results