PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daddy Wowie Cries Over Boy In The Dark Copy

Nangyari ito sa gitna pa ng pagkamatay ng tatay niya.
by PEP Troika
Published Jan 15, 2023
Daddy Wowie Roxas and talent Joaquin Domagoso, lead actor of That Boy In The Dark
Sa kabila ng napanalunang acting awards, dismayado ang manager ni Joaquin Domagoso (kaliwang larawan) at producer ng That Boy In The Dark na si Daddy Wowie Roxas (kanang larawan kasama si Joaquin) sa pang-iintriga sa kanila at sa maling kopya ng kanilang pelikula na naipalabas sa mga sinehan.
PHOTO/S: PR; courtesy of Daddy Wowie Roxas

JERRY OLEA

Bilang first-time producer ng pelikula, iniyakan ni Daddy Wowie Roxas ang sinapit ng That Boy In The Dark na pinagbidahan ng alaga niyang si Joaquin Domagoso.

Noong Enero 8, 2023, Linggo, nag-open sa local cinemas ang pelikula nila, kasabay ng pagbabalik-sinehan ng Avatar: The Way of Water.

Hinaing ni Daddy Wowie sa Facebook nitong Enero 14, Sabado (published as is):

“I am just a humble small Producer who has this passion for producing,wala akong petensyon o ilusyong lalaki ako gaya nina Mother Lily o Boss Vic ng Viva (sana all!).

“Nang dumating ang premiere at showing ng TBID (tapos higupin ng MMFF lahat ng pera ng tao!), isang major error ang nangyari — MALI ANG KOPYANG NAIPALABAS SA MGA SINEHAN.

“Hindi polished, daming lumusot na technical booboos, may nawalang mga eksena. Ewan. Parang 'nasapian' ang mga kopyang hindi naman yun ang pinadala abroad dahil wala ring english subtitles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Umiyak ako, nagkulong sa kwarto. At nangyari ito sa gitna ng pagkamatay ng Tatay ko. But it was my own drama as a Producer.

“May ilang hindi ako narerespeto, may hindi naniniwala, may hindi ako talaga gusto kasi puchu-puchu lang daw akong produ (dahil ba sa mga branded bags at makikinis kong legs?Charot!)Talk to my resume na lang po since 1990's.

“Anyways, tama na ang bitter-bitteran episode ko. Ako lang ito. Let's all be fair and wag nang judgemental. Kung perfect kayo, fine, anytime, judge me. Salamat po ulit sa nag-iisang Diyos natin!"

More and more ang Pinoy movies na ipapalabas sa first quarter ng 2023, kesehodang may kasalpukang banyagang pelikula.

Showing na sa Enero 18, Miyerkules, ang Girlfriend Na Pwede Na nina Kim Molina at Jerald Napoles, I Love Lizzy nina Barbie Imperial at Carlo Aquino, at Nocebo kung saan tampok si Chai Fonacier.

Ang kikitain kaya ng mga ito ay pwede na, o ila-love?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa Enero 25 ang playdate ng Hello, Universe ni Janno Gibbs, sa direksyon ni Xian Lim. Naunang idinirek ni Xian ang Cinemalaya 2019 entry na Tabon, starring Christopher Roxas.

Sa Enero 25 din ang showing ng A Man Called Otto ni Tom Hanks.

Naka-line up sa Pebrero 1 ang Babylon ni Brad Pitt, ang Knock at the Cabin ni Direk M. Night Shyamalan, at ang Spellbound nina Marco Gumabao at Bela Padilla.

Sa Pebrero 8 ipapalabas ang Magic Mike’s Last Dance nina Channing Tatum at Salma Hayek-Pinault, kasabay ang Latay nina Lovi Poe, Allen Dizon, at Marielle de Leon.

At sa Pebrero 15, makikipagsabong ang Without You nina David Licauco at Shaira Diaz sa kapana-panabik na Ant-Man and the Wasp: Quantumania nina Paul Rudd at Evangeline Lilly.

NOEL FERRER

Thankful pa rin si Daddy Wowie sa kanyang journey bilang movie producer.

Bahagi pa ng kanyang Facebook post (published as is), “Marami pong salamat sa mga sumuporta, nanood, tumulong, pumuri, lumait, nagalit nagmaganda, nagpabida at nag-encourage sa pelikulang unang venture ko bilang Producer (BMW8) sa pelikulang THAT BOY IN THE DARK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bittersweet talaga ang buhay sa pelikula. Early this year, isinali ko na sa iba't ibang LEGIT International Film festivals Sugal ito, suntok sa buwan bilang hindi naman Art film ang pelikula namin.

“Wala akong ilusyong pang-Cannes Festival ito o pang-Golden Globe. Maliit lang kami, matindi ang Pandemic noon na 2 actors pa ang na-Covid kaya napalitan pa ng isang Production Staff (Kiko Ipapo na nabigyan ng good break) Ang alaga ko at anak-anakang si Joaquin Domagoso ang bida, hindi si Piolo, hindi si John Lloyd, wala sa Big star category.

“Kaya nang nanalo ng 4 times na best Actor sa International Festivals, nagtaasan ng kilay, kasi nga naman, walang maniniwala. Pero nangyari. Hindi expected.

“May pangit na intriga pa ngang 'binili' daw ang awards o 'ginapang' o hindi raw legit (check ninyo kaya sa Internet). Pa'no ko bibilhin? Dollars? Bilyonaryo ba ako? Pano ko gagapangin, hindi nga ako kagalingang mag-English to even lobby for my own film with International Producers. Hello?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

English or no English, nanatili si Daddie Wowie sa isa sa mga totoong tao sa industriyang ito.

Sana’y hindi siya mawalan ng ganang mag-produce ng mga pelikula.

GORGY RULA

Marami pa sigurong kailangang gawin kay Joaquin bago siya pagkatiwalaang magbida sa pelikula.

Di ba pangalawang pelikula na itong siya ang lead actor?

Nauna yung Caught in the Act na ipinalabas noong Disyembre 15, 2021.

Baka hindi lang tamang material ang naibigay para sa young actor. Nasabay pa ang isyung pagiging batang ama niya.

WATCH: Joaquin Domagoso NAGSALITA NA SA PAGIGING AMA!

Bakit hindi nila subukang i-remake ang Miguelito: Ang Batang Ama? Kailangan lang siguro ng tamang material, subukan ang ibang direktor? May tamang timing para diyan.

Baka hindi pa talaga napapanahon. Huwag na sigurong ipilit kung hilaw pa. Bahagi talaga iyan sa panganganay ni Daddie Wowie bilang movie producer.

Samantala, ang leadng lady naman ni Joaquin na si Aneeza Gutierrez ay bumalik na ng Singapore kahapon, January 14, para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Singapore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pag-aaral talaga ang focus ni Aneeza, lalo na’t scholar siya roon, at nagtatrabaho pa siya sa Singapore.

Hindi naman daw niya isinasara ang pinto niya sa pag-aartista, pero hindi raw niya naiisip na ito ang magiging trabaho niya, kagaya ng kanyang mga magulang.

Sabi ni Anneza nung nakaraang mediacon ng That Boy In The Dark, “Hindi naman siya close doors. Pero it’s not like a really, really job for me.

“It’s not a priority for me. Nakikita ko naman siguro ang sarili ko sa future. Pero not fully… like my parents na iyon yung life nila, e. Iyon ang trabaho nila talaga, e. Parang I don’t see myself there.”

HOT STORIES

Video: Rommel Llanes (video).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng napanalunang acting awards, dismayado ang manager ni Joaquin Domagoso (kaliwang larawan) at producer ng That Boy In The Dark na si Daddy Wowie Roxas (kanang larawan kasama si Joaquin) sa pang-iintriga sa kanila at sa maling kopya ng kanilang pelikula na naipalabas sa mga sinehan.
PHOTO/S: PR; courtesy of Daddy Wowie Roxas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results