NOEL FERRER
“I so feel the love, Noel,” bungad sa akin ng aking alagang si Iza Calzado habang hinihintay niya ang kanyang delivery sa Baby Girl (na tinawag muna nilang si "Bunbun") nila ng asawang si Ben Wintle.
“Ang saya lang kasi since my birthday, when I revealed that Ben and I are having our baby, we experience an outpouring of love amongst family and friends and even acquaintances and people in general,” sabi ni Iza.
“This baby went through a lot of challenges, pero malakas siya at determinadong maging parte ng aming buhay, kaya malaki nag pasalamat ko sa kanya.
“Akala niyo lang madali ang pinagdaanan namin sa baby na ito, pero this made us love her and each other more!
"Ewan ko ba, naging iyakin at emotional ako dahil basta, iba itong batang ito. Isa siyang biyaya sa amin. Isa rin siyang hiwaga. Ang bait lang din ng Diyos talaga.”
Read: Iza Calzado inanunsiyo ang pagbubuntis sa kanyang 40th birthday
Noong baby shower ni Iza, nabanggit nila ang kuwentong nabuo si Baby Bunbun noong election day, kaya matibay raw ang paninindigan nito! Isa siyang tagabigay ng pag-asa, lalo na sa mga magulang niya.
“At mas lalo pa naming pagsisikapang maging mabuti tao, asawa, magulang, kapatid, kaibigan, at Pilipino dahil sa kanya,” ani Iza.
Nabanggit ni Iza sa akin na sa kabuwanan niya, magso-social media break muna siya dahil nanamnamin niya ang kanyang pagnananay. Ibabahagi rin niya ang kanyang baby sa takdang panahon.
Pero ngayon, namnamin na lang muna natin ang mala-Diwata o Encantadia'ng photos niya habang nasa loob pa ng kanyang sinapupunan si Baby Bunbun.
Mayroon ding tribute si Izadora para sa asawa niyang Booky Big Boss na si Ben Wintle, na talaga namang inalagaan siya at minahal nang lubos!
Tunay ngang para kina Iza at Ben, Wintle is coming. At nandito lang lagi ang PEP Troika na sinasamahan sila ng dasal at pagmamahal!
JERRY OLEA
Due date ni Iza ngayong last week of January hanggang first week of February. Anumang araw ay iluluwal ng aktres ang panganay nila ni Ben.
Aside from the pregnant Iza photos, ibang level din ang pagka-art ng baby ni Iza. Ipininta siya ng National Artist BenCab, yaman din lang na siya ang gumanap na muse ni BenCab sa thsater version ng Sabel.
Sana, makita natin iyan soon.
GORGY RULA
“Divine Feminine. Divine Power. Divine Purpose,” ang sabi ni Iza sa Facebook at Instagram post niya nitong Enero 25, Miyerkules, kalakip ang B&W pictures niya.
Sa colored photos na pinost niya sa IG at FB, sey naman ng aktres, “She's giving Sanggre vibes.”
Pahayag pa ni Iza sa IG, “We humbly ask for love and prayers as we enter this new chapter of our lives. Will be taking a short social media break as I go through matrescence and experience its joys and challenges.
“We are so excited to meet you and hug you, little one! You are so loved!”
