NOEL FERRER
After his first successful solo concert at the Cultural Center of the Philippines (CCP) under the Triple Threats Series titled All of Me, Arman Ferrer takes on Another Chance at the BGC Performing Arts Theater on Valentine’s Day, 14 February 2023, for the benefit of the Angat Buhay NGO.
Ang aking talent, na isang award-winning crossover artist, will be joined by special guests — OPM icon Mitch Valdes, theater royalty Shiela Valderrama-Martinez, Toma Cayabyab and Debonair District, plus exemplary actress and host plus comebacking singing sweetheart Jackie Lou Blanco.
Read: Jackie Lou Blanco, suportado ni Sharon Cuneta ang pagbabalik sa pagkanta
Kung ang CCP concert ay madali niyang na-sold out, ito kayang BGC Arts Center ay kaya niyang mapuno at mapa-standing ovation? Arman is confident and hopeful.
Book your tickets now thru Ticketworld 88919999.

JERRY OLEA
Lumabas ang pagkatuwa kay Arman ni Dra. Vicki Belo.
Bago gawin ang treatment sa bagong singing Belo baby ay pinakanta muna ito ng theme song ng wedding nina Vicki at Hayden Kho years ago. Game namang nagpaunlak ang noon ay topless nang si Arman sa clinic mismo.
Ang tanong… magpapakita ba si Arman ng skin at magiging mapangahas katulad ng kanyang “brief encounter” sa CCP?
“Handa po ako pero depende po yun sa direktor naming si Direk Floy Quintos at musical director Gino Cruz na siyang pumili ng repertoire para sa Valentine show na ito.
“Dito sa concert na ito, walang uuwing sawi. Lahat panalo.
"Dahil aside from ako ang ka-date nila with a good mix of love songs in different genre — pop, classical, OPM, novelty, rock, at kahit na sexy, meron po yan sa Another Chance sa Valentine’s Day,” sabi ni Arman.
GORGY RULA
Kapansin-pansin na ang beneficiary ng Valentine concert ni Arman ay ang Angat Buhay NGO.
Ibig bang sabihin na para sa iisang kulay lang ang concert na Another Chance?
Paglilinaw ni Arman, “Kaya nga Another Chance kasi aside from the personal reference sa akin sa journey ko ng pagko-concert from CCP to BGC Arts Center, this is another chance para magkaisa tayo for a good cause.
“Tapos na ang eleksyon, tuloy lang tayo sa ating musika, sa ating sining, at sa ating pagsisikap maging mabuti at maunlad na Pilipino.
“Kumbaga, Unity ito para Umangat at Bumuti ang Buhay nating lahat.”
Sa dami ng makakasabay na magko-concert, hindi ba siya natatakot sa kalalabasan ng Valentine concert na ito?
“Tapos na tayo sa panahon ng takot at sakit, ito na ang panahon ng pag-asa at pagmamahal at Another Chance,” diin ni Arman.
Nakatagpo na ba si Arman ng bagong love life pagkatapos nilang mag-break ng dati niyang girlfriend na sumama sa isang BL actor?
“Kaya nga ako ang Valentine’s date ninyong lahat sa Feb 14. I am ready to fall in love again,” umaasang sambit ni Arman.
