PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joel Lamangan, palaban sa pelikulang Oras de Peligro

Direk Joel, balik-trabaho after triple bypass surgery
by PEP Troika
Published Jan 29, 2023
Direk Joel Lamangan
Direk Joel Lamangan, dedma sa bali-balitang tatapatan diumano ng Martyr or Murderer ni Darryl Yap ang bago niyang pelikulang Oras de Peligro: “Tumapat na sila nang tumapat. Kahit tumabi sila nang tumabi, wala akong pakialam. Basta gagawin ko ang pelikula, at tama naman ang pelikula. Ito’y nagsasabi ng totoo!”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Masigla si Direk Joel Lamangan nang makatsikahan namin sa birthday lunch ni Ka-Troikang Gorgy nitong nakaraang Sabado, Enero 28, sa Via Mare, T. Morato Ext., Quezon City.

Kumusta na siya matapos sumailalim sa triple bypass operation noong Disyembre 5, 2022 sa Makati Medical Center?

“Mabuti na, nagtatrabaho na! Buhay na uli!” bulalas ng 68-anyos na direktor, na abala sa post-production ng mga pelikulang Oras de Peligro at Sa Kanto ng Langit at Lupa.

Di ba, sabi ng doktor ay dapat magpahinga muna siya nang dalawa’t kalahating buwan matapos maoperahan?

Napakunot-noo si Direk Joel, “Hindi! Sabi niya, ‘Work!’ Sabi ng doktor ko, ‘Back-to-work na!’ Iba na ngayon.

“Pagkatapos mong operahin, pinalalakad ka na. Aba’y ngayon, para kang nanganak nang caesarian. Lakad na after one day.

“Pag nakita kang nakahiga, ‘What are you doing? Why don’t you walk, walk, walk?!’ Palalakarin nang palalakarin ka. May assistant ka sa paglakad.”

Magpe-premiere ang Oras de Peligro sa Pebrero 23 sa SM Megamall sa Mandaluyong City. Ang playdate nito sa mga sinehan ay Marso 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oras de Peligro

Ano ang maaasahan ng mga manonood sa pelikulang Oras de Peligro na pinangungunahan nina Cherry Pie Picache at Allen Dizon?

“Matapang siya. Totoong nangyari noong Pebrero 1986, three days bago lumayas si Marcos.

Ano ba talaga ang nangyari? We will reveal everything,” tugon ni Direk Joel.

“At based on facts and historical video. Meron kaming historical video na ilalagay dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakapasok ang istorya ng pamilya ni Cherry Pie.”

May nagpakalat na kesyo may sex scene sa Oras de Peligro na tumagal nang 30 minuto. Totoo ba ito?

“Paninira lang yun! Wala ngang halikan dun. Walang mga holding hands. Political film yun,” sambit ni Direk Joel.

“Sinisiraan. Hayaan mo nang siraan nang siraan nila.”

Sabi-sabi, katapat ng Oras de Peligro ang showing ng Martyr or Murderer ni Direk Darryl Ong.

“Tumapat na sila nang tumapat. Kahit tumabi sila nang tumabi, wala akong pakialam. Basta gagawin ko ang pelikula, at tama naman ang pelikula. Ito’y nagsasabi ng totoo!” diin pa ni Direk Joel.

GORGY RULA

Matapos operahan last December, nag-undergo si Direk Joel sa cardiac rehab.

“Two hours lang iyon every other day. Kung anu-ano ang ipinapagawa sa iyo. Magbabayad ka ng P1,700 sa rehab,” sey ni Direk Joel.

“Ga-graduate na ako. One day na lang ako. Rehab-rehab, kung anu-ano. Para na akong nagdyi-gymnast.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malaki ba ang nabawas sa hospitalization bill niya dahil senior citizen na siya?

“Malaki rin ang gastos ko. Nakatulong ang senior card ko.”

Bakit hindi siya nanawagan ng tulong sa mga kaibigan at kasamahan sa industriya?

“Hindi ako nananawagan pag ganun! Nahihiya ako! Kaya nga ako naghanap-buhay nang naghanap-buhay.

“Pero napaiyak ako. Nang makita ko yung babayaran ko, napaiyak ako,” pagtatapat ni Direk Joel.

Nangutang ba siya? Sa Messenger, merong nangutang under his name!

“Hindi ako nangutang! Kailanman, hindi ako nangungutang, no?! Hindi! Kailanman. Ako ang inuutangan. Hindi ako nangungutang. Mali yun. Hindi totoo yun.”

Kahit ibang kilalang artista, nangungutang kay Direk Joel. At hindi siya binabayaran nung iba.

“Nahihiya akong maningil,” pag-amin ni Direk Joel.

Siyanga pala, ang Oras de Peligro ay isinulat nina Bonifacio Ilagan at Eric Ramos, at prinodyus ng Bagong Siklab Productions.

Maliban kina Cherry Pie at Allen, nasa cast nito sina Therese Malvar, Dave Bornea, Nanding Josef, Mae Paner, Jim Pebanco, Alan Paule, Apollo Abraham, Marcus Madrigal, Alvi Siongco, Gerald Santos, Elora Espano, Rico Barrera, Timothy Castillo, at Crysten Dizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Base sa kanyang mga salita, back to his fighting form na si Direk Joel Lamangan. He is well!!!

Katotohanan at katapangan—yan ang pinanghahawakan niya sa pelikulang Oras de Peligro.

Sa panahon ng fake news at historical revisionism, aabangan natin ito!

Pagbati, at ingat ka lagi, Direk Joel Lamangan!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Joel Lamangan, dedma sa bali-balitang tatapatan diumano ng Martyr or Murderer ni Darryl Yap ang bago niyang pelikulang Oras de Peligro: “Tumapat na sila nang tumapat. Kahit tumabi sila nang tumabi, wala akong pakialam. Basta gagawin ko ang pelikula, at tama naman ang pelikula. Ito’y nagsasabi ng totoo!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results