PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janno, Anjo, Benjie, Zeinab on Alex issue

Tulong ni Alex kay Shalala noon, hinding-hindi makakalimutan
by PEP Troika
Published Jan 29, 2023
alex gonzaga birthday
Ilang linggo makalipas ang controversial cake-smearing issue ni Alex Gonzaga, nagbigay ng kani-kanilang opinyon tungkol dito ang mga komedyanteng sina Anjo Yllana, Benjie Paras, Janno Gibbs, pati na rin ang influencer na si Zeinab Harake.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

GORGY RULA

Katatapos ko lang ipagdiwang ang aking kaarawan at bumabalik ang maingay na isyu ni Alex Gonzaga kapag nagbu-blow na ng kandila sa birthday cake pagkatapos kantahan ng “Happy birthday.”

Read: Ika-35 kaarawan ni Alex Gonzaga, nabahiran ng isyu dahil sa pagpahid niya ng cake sa noo ng waiter

Malamang sa iba pang birthday party ay ganun din ang ginagawa nilang pakuwela tuwing magbu-blow na ng kandila sa birthday cake.

Pero kung kilalang celebrity ang gumawa nito uli at i-post sa social media, mauungkat na naman ang isyung iyun ni Alex.

Lalo na’t si Dina Bonnevie ang gumawa, ibang usapan yun dahil alam ng lahat kung ano ang isyu nila noon na paulit-ulit pang binabalikan.

Read: Dina Bonnevie: "Cakes are to be eaten and not to be pasted on other people’s faces.”

Sinubukan naming hingan ng reaksiyon si Alex pero ayaw na niyang magbigay ng kahit na anong komento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap din namin ang ilang taong malapit sa actress/TV host at mas gusto nilang huwag nang patulan. Ayaw na nilang palakihin pa lalo ang mainit na kontrobersiyang ito.

Nakausap din namin ang ilang komedyante para hingan ng reaksiyon kaugnay sa ginawa ni Alex.

Sabi ni Anjo Yllana nung nagpu-promote pa sila ng pelikula nilang Hello, Universe, maaaring sobrang na-overwhelm lang si Alex nung oras na yun.

Limang beses daw niyang pinanood ang video, at tingin daw niya ay mukhang hindi naman pinlano yun ni Alex.

Ani Anjo, “Tingin ko, huminahon ang mga sensitive. Unang-una, birthday naman ni Alex, hindi matatanggal iyung na-overwhelm siya. Nakita ko yung reaksyon niya, masaya siya e.

“Siguro at that moment, wala na siyang maisip na paano ba? Lalagyan ko ng icing yung nagdadala ng cake o yung waiter.

“Para sa akin, parang hindi naman talaga niya pinlano yun, biglaan sa sobrang saya niya siguro.”

Ang pagkukulang lang daw ni Alex, sana nag-sorry ito sa waiter pagkatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro, baka hindi lang napakita sa video, sa tingin ko naman nangyari naman siguro yun.

“Doon sa video, hindi niya parang nilambing yung waiter o ‘uy pasensya na, ha?” dagdag niyang pahayag.

Ang punto naman ni Benjie Paras, sobrang na-magnify lang ang ginawang di maganda ng isang celebrity. Paano naman daw ang nagawa nitong mabuti?

“Ngayon kasi masyado nang sensitive ang mga tao. Of course, yung sinabi nga ni Anjo na masaya si Alex siguro, and siguro komedyante rin, gusto niyang magpatawa, di ba?

“Kung kukunin naman natin yung side ng waiter, meron kasi tayong tinatawag na parang yung… siyempre yung waiter na sinasabi nila na mas mababa kami sa yo, pero dapat huwag ganun ang gawin, di ba?

“Siguro kung titingnan natin, dapat ano na rin, e, maging equal. Mahirap kasi, lahat na ginagawa natin ngayon may nakabantay, e.

“Ang inaantay ng mga tao, hindi yung kabutihang ginawa mo, ang isa mong pagkakamali. Iyon ang ilalabas talaga,” pahayag ni Benjie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naalala ko tuloy ang mga kabutihang ginawa ni Alex sa kaibigan naming namayapang komedyanteng si Shalala na nakatrabaho niya noon sa TV5.

Nung nabubuhay pa si Shalala, madalas niyang sinasabi sa akin na nung nawalan siya ng show, nagulat na lang siya kapag nagti-text sa kanya si Alex para kumustahin.

Pagkatapos nun ay nagpapadala na ito ng pera sa kanyang GCash.

Nung nagkasakit si Shalala, si Alex ang madalas na nagpapadala ng financial help na hindi naman hinihingi ng namayapang komedyante.

Hanggang sa pumanaw si Shalala, nagparating din ng tulong si Alex, pati si Mommy Pinty sa pamilya.

NOEL FERRER

Sabi naman ni Janno Gibbs, “Para sa akin, tingin ko, kasi malakas si Alex sa YouTube, e. She’s one of the top YouTubers at sikat siya for her pranks, mga kalokohan na ganyan, malamang nadala lang siya sa ganung personality na yun onscreen.

“Siguro akala niya, okay lang. So, hindi ko rin siya masisisi, 'Kilala naman ako ng tao na ganito, e. Ganito naman ako sa social media, e.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, but still it doesn’t make it right. But, in fairness to her, yun siguro. Parang nadala lang siya.”

Nakausap din ng PEP Troika si Zeinab Harake sa nakaraang grand opening ng Beautederm Corporate Building sa Angeles City nung nakaraang January 22, Linggo.

May natutunan daw siya sa isyung iyun ni Alex Gonzaga.

“Siguro po ano lang, kailangang lang bawasan lang ang lahat nating actions. Kasi po pagdating sa media, nau-overreact siya.

“Pero lahat naman is magiging reason para sa aming lahat na mga influencers na mag-ingat. Yun lang,” pahayag ni Zeinab.

Pagkatapos ng insidenteng iyun kay Alex ay siguradong mas maisasaayos ang ating pakikipagkapwa, sana!

JERRY OLEA

Doon sa unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters sa Angeles City, kaalinsabay ang selebrasyon ng Year Of The Water Rabbit, may chocolate na sawsawan ng pagkasarap-sarap na churros.

Behave tayo at hindi nagpahiran ng chocolate sa noo.

Ang saya-saya ng pagtitipon na may Dragon Dance ceremony at dinaluhan ng ilan sa mga brand ambassadors ng Beautéderm gaya nina Zeinab Harake, Jelai Andres, Darla Sauler, Sunshine Garcia, Bulacan Vice Governor Alex Castro, Quezon City District 3 Councilor Wency Lagumbay, Buboy Villar, Ning Cordero, Reina Manuel, IC Calaguas, Dr. Minnie Yao, JC Santos, Shyleena Herrera, at power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera-Dantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi makakadagdag ng katuwaan ang pagpapahid ng icing o kung ano man.

Doon naman sa bday lunch ni Ka-Troikang Gorgy last Saturday from 10:30 am to 4:30 pm sa Via Mare-T. Morato Ext., Quezon City, ang celebrator sana ang papahiran ng icing ng cake… pero di bale na lang.

Sapat na ang chikahan at kumustahan ng kalusugan. Present din doon ang Beautederm ambassadors na sina Lorna Tolentino, Glydel Mercado at Tonton Gutierrez, plus publicist Chuck Gomez.

Early bird siyempre ang nanay ni Gorgy sa showbiz na si Nay Lolit Solis. Namataan din natin sa pagtitipon sina Amy Austria, Ricky Davao, Jenny Simon, Direk Joel Lamangan, Direk Chito Rono, Isabel Ortega, Jenny Miller, Liza Diño, Lhar Santiago, Tita Jo-Ann Maglipon, Tita Malou Choa-Fagar at iba pa.

Kabi-birthday rin lang ni Shalala. Ka-birthday niya si Toni Gonzaga noong Enero 20, di ba? Yung kabutihan ni Alex kay Shalala, hindi natin kinakalimutan.

Sa mga nag-fiesta sa birthday bash ni Alex, alalahanin po natin, “Kung sino ang walang bahid dungis…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang linggo makalipas ang controversial cake-smearing issue ni Alex Gonzaga, nagbigay ng kani-kanilang opinyon tungkol dito ang mga komedyanteng sina Anjo Yllana, Benjie Paras, Janno Gibbs, pati na rin ang influencer na si Zeinab Harake.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results