PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis, Best Comedy Actor sa 35th PMPC Star Awards for TV

Mga bagong pag-amin ni Paolo, abangan sa part 2 ng Fast Talk with Boy Abunda
by PEP Troika
Published Jan 29, 2023
paolo contis best comedy actor
Sa kabila ng kaliwa't kanang parangal bilang mahusay na comedian, punung-puno ng kadramahan ang buhay ni Paolo Contis. Kailan lang ay nag-trend ang kanyang madamdaming mga pag-amin sa Fast Talk with Boy Abunda, at ang part 2 nito ay ipapalabas bukas ng hapon.
PHOTO/S: Rommel Gonzales / Jerry Olea

GORGY RULA

Hindi personal na natanggap ni Paolo Contis ang Best Comedy Actor trophy na iginawad sa kanya sa 35th PMPC Star Awards for TV na ginanap kagabi, January 28, 2023, sa Winford Manila Resort and Casino.

Napanalunan ng Kapuso actor ang naturang award sa regular gag show niyang Bubble Gang.

Hindi pinayagan si Paolo na umalis sa shooting ng pelikulang ginagawa nila ni Rhian Ramos, ang Ikaw at Ako.

Nasa Zambales pa ang location, kaya malayo rin at malabo raw talaga siyang makahabol.

Kaya nagpadala na lang siya ng acceptance speech sa writer sa GMA-7 na si Senedy Que, para basahin na lang kung sakaling siya ang manalo.

Inalay ni Paolo ang naturang award sa namayapa niyang ama, at sa kanyang ina na ilang araw nang nasa hospital.

Narito ang kabuuan ng acceptance speech ni Paolo na binasa ni Senedy, “Salamat po sa PMPC sa pagkilala ng aking talent sa comedy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Malaking bagay sa akin to dahil sineseryoso ko po ang pagpapatawa lalo na sa Bubble Gang.

“Ang award na ito ay para sa aking Papa na nasa langit na! Dahil naniniwala ako na sa kanya ko nakuha ang aking timing sa comedy!

“And of course, to my Mom. Sana magpagaling ka agad. This award is also for the whole cast, staff, team of Bubble Gang.

“Salamat sa tiwala niyo sa akin.”

Si Paolo ang kinilalang Best Comedy Actor, pero punung-puno ng kadramahan ang buhay niya.

Sa gitna ng trabaho niya ay inaalala niya ang kanyang ina na tila lumala ang kalagayan pagkatapos niyang ma-stroke nung nakaraang taon.

Kinumusta namin kay Paolo ang kanyang Mama, hindi raw ito ganun ka-okay. Kumakapit daw siya sa panalangin na malagpasan ito ng kanyang ina.

NOEL FERRER

Turn your pain into art. Iyan ang tinuran ng dakilang aktres na si Meryll Streep—and it seems like iyan ang ginagawa ni Paolo ngayon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Wala man siyang masyadong labas sa TV ngayon bukod sa Bubble Gang at AOS, sagana siya sa pelikula dahil meron sila ni Joross na nasa dubbing stage na.

Meron din iyung sa kanila nga ni Rhian na sinu-shoot na ngayon. At meron pang paparating kasama ng ilang mga kabarkada niya sa Tabing Ilog.

Sana, patuloy lang ang magagandang projects ni Pao dahil maganda at mabisa ngang therapy ang work.

Kaya work, work, work mode na lang muna siya ngayon.

JERRY OLEA

Tinanghal si Yen Santos na Best Actress sa 45th Gawad Urian noong Nobyembre 17, 2022 sa UP Film Center ng UP Diliman, Quezon City.

Ito ay para sa Netflix original film na A Faraway Land na pinagtambalan nila ni Paolo.

Isa si Paolo sa mga pinasalamatan ni Yen noong gabing iyon. Bahagi ng acceptance speech ni Yen, “And of course, to my leading man Paolo Contis—sobrang talented, napakagaling na artista. Maraming-maraming salamat sa iyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ahhm, I’ll always be your number one fan…”

Nag-post kapagkuwan si Paolo sa Facebook, “Congratulations Lilieyen Santos. I’m sooooooo proud of you!! Very well deserved! See you in awhile.”

Nominated din si Paolo na Best Actor sa Urian para sa A Faraway Land, pero ang nagwagi ay si John Arcilla para sa On The Job: The Missing 8.

For sure, masaya rin si Yen sa pagkapanalo ni Paolo sa Star Awards for TV.

Nainterbyu ni Kuya Boy Abunda si Paolo last Friday sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA. Napahaba ang panayam at ang part 2 ay mapapanood this Monday, 4:05 pm. Dito sinagot ni Paolo ang tanong kung girlfriend ba niya si Yen.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng kaliwa't kanang parangal bilang mahusay na comedian, punung-puno ng kadramahan ang buhay ni Paolo Contis. Kailan lang ay nag-trend ang kanyang madamdaming mga pag-amin sa Fast Talk with Boy Abunda, at ang part 2 nito ay ipapalabas bukas ng hapon.
PHOTO/S: Rommel Gonzales / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results