JERRY OLEA
Magpapa-goosebumps ang Divine Divas: The Ultimate Drag Experience sa Pebrero 10, 2023, Biyernes ng 8:00 p.m., sa New Frontier Theater ng Cubao, Quezon City.
Pasiklaban sa pre-Valentine extravaganza na ito sina Precious Paula Nicole, Viñas Deluxe, at Brigiding, maging ang guests na sina Markki Stroem, Turing Quinto, Lady Morgana, The Golden Divas, at Andrea Brillantes.
Magkatuwang sa creative and stage direction ang LGBT powerhouse couple na sina Liza Diño-Seguerra at Ice Diño-Seguerra.
Read: Ice Seguerra recalls Liza Diño "grabe ang lagapak" after FDCP stint; Liza now busy with own company
“Pasabog! Sobrang pasabog!” paglalarawan ni Liza sa Divine Divas nang makachikahan namin sa bday lunch ni Ka-Troikang Gorgy nitong Enero 28, Sabado, sa Via Mare restaurant, Tomas Morato Extension, Quezon City.
“Meron kaming ilu-launch na single nila. Bagong music, bagong song nila. Tapos, meron kaming pinagawang musical within the song.”
Paboritong number ni Liza sa palabas iyong pagsasama ng Divine Divas at Golden Divas.
“May isang number, it’s called ‘Dream, Dream, Dream,’ three generations of drag in the country.
“Nasa isang number sila — those who paved the way, yung Golden Divas, tapos yung mga Philippine drag queens natin na nasa iba’t ibang bar, and of course the future of drag.”
Kumusta ang rehearsal nila? Hindi naman sila nagkakasapawan?
“Well, talagang kailangan nilang mag-step up dito. Kasi di ba, siyempre pag sa bars, puwede silang magkamali, tapos very informal siya,” tugon ni Liza.
“Ito talaga, may dancers silang kasama. May level of skill at saka expectations, so ibang klaseng approach din yung ginagawa ng choreographer para magpantay-pantay sila.
“Lalo na pag group numbers, hindi puwedeng may angat. Kailangan, lahat sila, magkakasinggaling.
“Pero pag individual numbers na, ayun… dun sila nagpapasabugan. Talagang kanya-kanya silang mga drama saka mga gimik.
“Kung gusto ninyo ng pasabog na Valentine, yung tatawa lang kayo, mag-e-enjoy kayo, mabibilib kayo sa galing at artistry ng drag queens sa Philippines… you have to watch Divine Divas: The Ultimate Drag Experience!”
Ang tickets ay P800 (Balcony B) hanggang P6,500 (SSVIP), at mabibili ito sa TicketNet, telephone number sa 8911-5555.
Co-produced ito ng Fire and Ice Media and Productions nina Liza at Ice, at ng Nathan Studios na co-founded ni Sylvia Sanchez.

GORGY RULA
Pinagkakaabalahan din nina Liza at Ice ang pagtatanghal sa Cebu ng 35th anniversary concert ni Ice na Becoming Ice.
Gaganapin ito sa Pebrero 18, Sabado ng 8:00 p.m., sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino.
Magkatuwang din sina Liza at Ice sa creative and stage direction nito, at bilang producers din.
May special participation dito sina Vic Sotto at Sylvia Sanchez, at guests sina Martin Nievera, Frenchie Dy, Cooky Chua, Bayang Barrios, Mike Villegas, Oh! Caraga, at Jerika Teodorico.

May meet-and-greet si Ice sa Pebrero 4, Sabado ng 6:00 p.m. sa Activity Center ng Ayala Center Cebu.
Free admission ito para ticket holders ng post-Valentine concert ni Ice sa Queen City of the South.
Mahirap ba para kina Liza na dalawang pagtatanghal ang pinaghahandaan nila sa Pebrero?
“Mahirap! Mahirap! Kasi, lalo na yung kay Ice, sa Cebu. So I have to travel to Cebu, back to Manila,” pag-amin ni Liza.
“Tapos ngayon actually niluluto na namin yung Davao. E, napaka-hands on ko kasi. So I wanna make sure na kumbaga gumagalaw lahat.
“Kahit na sabay-sabay yung preparations for the shows, may mga staff, may mga coordinators naman sa mga lugar na iyon para mag-asikaso.”
NOEL FERRER
Interesante talaga itong Divine Divas dahil maso-showcase ang galing ng mga LGBTQIA community na talagang kinagigiliwan ng mga tao.
Ito ang alternative entertainment na pasabog kung pasabog! Ito na ba ang pantapat natin sa mga drag shows sa Thailand at iba pang parte ng mundo?
Hindi pakakabog dito ang mga Pinoy siyempre!!!
