PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Actress Rejects Singer's Proposal

Magandang aktres, napapabalitang may bago nang karelasyon.
by PEP Troika
Published Jan 31, 2023
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

NOEL FERRER

It’s never too late start again.

Grabe, ang bilis ng panahon. Nakatapos na naman tayo ng isang buwan.

Gaano katotoo kaya ang nasagap nating balita na broken-hearted ang isang international singer na nakita sa airport recently?

Nag-propose daw ito sa isang magandang aktres at ang sagot ay isang masakit na… katahimikan.

Hindi pa raw ready lumagay sa tahimik ang naturang aktres.

Siguro nga, ine-enjoy pa niya ang kanyang pagiging single at pag-experience ng mundo at marami pa rin siyang mga bagay na dapat matutunan siguro bago magpakasal.

Oh well. Sana nga, mahanap na niya ang kanyang tunay na kaligayahan.

GORGY RULA

Pero, di ba, happy na si magandang aktres sa napapabalitang bagong karelasyon niya?

Super yayamanin daw si bagong BF, at mukhang happy na sa kanya si magandang aktres.

Baka hindi naman talaga itong si international singer ang type na makasama ni magandang aktres na panghabambuhay, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

E, itong bago niyang karelasyon ay wini-wish daw ng mga taong malapit kay magandang aktres na sana ito na talaga. Sana, sa kasalan na ang ending.

Parang lagpas na yata sa marrying age si magandang aktres, kaya sana, ngayong taon na ang kasalan.

Kung may kasalan ngang magaganap dito kay magandang aktres at sa napabalitang boyfriend, malamang ang sarap ng tsokolateng ihahain nila!

JERRY OLEA

Mag-uumpisa na bukas, February 1, ang Peb-ibig.

Asahan nating lulutang ang mga kuwentong matamis o mapait, humahagod o sumusuntok sa puso… Meganun?!

Nawa’y natagpuan na nga ng magandang aktres ang lalaking katuwang niya sa buhay!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results