PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

David Licauco, Shaira Diaz Film on Open Relationships

David Licauco at Shaira Diaz, masusubukan muli ang tambalan sa takilya.
by PEP Troika
Published Feb 8, 2023
David Licauco and Shaira Diaz
Shaira Diaz on reunion movie with David Licauco more than three years after their first project together: “I’d like to think na malaking tulong talaga yung timing na ilalabas ngayon dahil nga may Maria Clara at Ibarra, may Lolong."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Nakakatuwa at bumabalik na sa pagpu-produce ang dati nang malalaking film production pagkatapos pinadapa ng pandemic ang movie industry.

Kagaya ng OctoArts Films, na nagsimula na palang mag-shoot ng pelikulang Without You nung 2022, at nakatakda na itong i-showing sa mga sinehan.

Dito ay muling susubukan ang tambalan nina David Licauco at Shaira Diaz, pagkatapos ng pelikula nilang Because I Love You na dinirek ni Joel Lamangan.

Aminado silang hindi nagwagi sa takilya ang Because I Love You nang ipinalabas ito sa 120 sinehan nung Hunyo 26, 2019.

Pero tingnan natin ngayon dito sa pelikulang Without You na dinirek ni RC delos Reyes.

Iba kasi ngayong nakilala lalo si David dahil sa Kapuso prime-time series na Maria Clara at Ibarra, at si Shaira naman dahil sa success ng defunct Kapuso prime-time series na Lolong.

Mas kampante ba sila ngayong tatanggapin na ng publiko ang tandem nilang dalawa at tatangkilikin ang kanilang pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Shaira: “I’d like to think na malaking tulong talaga yung timing na ilalabas ngayon dahil nga may Maria Clara at Ibarra, may Lolong.

"Isa na rin yun talaga, at hindi ko maitatanggi na parang makakatulong siya. Kasi after ng mga series na yun, talagang dumami yung mga followers namin.

"Lumaki yung fanbase namin at marami ang sumusuporta sa amin."

Pero kumpiyansa rin si Shaira na relatable ang "open relationship" na temang tatalayakin sa Without You.

"As in ito yung movie na sobrang proud ako na ginawa ko at tinanggap ko. Kasi sobrang relatable niya, parang dahil nasa iba na ang panahon ngayon.

"May mga tao kasi ngayon na maraming pinagdadaanan, maraming uncertainties. Siguro dito sa movie mapapakita yun.

"And sobrang raw po kasi ng material kung paano siya in-execute ni Direk at kung papano niya na-visualize lahat yung mga shots, yung emotions."

Paliwanag pa ni Shaira: "Talagang hinimay-himay po niya. So, tingin ko parang napaganda yung movie, at kaya isa rason para panoorin po natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tingin ko po, makabawi kami rito, pinagpi-pray po namin. Sana makabawi. Confident po ako ang proud ako na ilalabas siya."

Malaking challenge ito sa kanila, sabi ni David. Pero itotodo raw nila ang promo nito sa tulong na rin ng media.

“Challenging talaga na maglabas ng pelikula sa cinemas. Siyempre, with the rise of Netflix…

"Saka hindi lang yun e. May Tiktok, may Instagram, parang ang laking entertainment na nun.

“Right now ang dami ng socal media platform na makakapagpasaya at nakakapagbigay ng entertainment sa lahat ng mga tao.

“For me naman, I do believe in our product. So, I think with proper marketing, sa mga tulong nyo, sa word of mouth, I think magiging successful siya.

“Kami as actors, gawin namin ang best to promote and to market a very good product,” saad ni David.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER:

Ipinagmamalaki ni Direk RC delos Reyes ang pelikulang tatalakay sa "open relationship" na nangyayari na raw sa mga kabataan ngayon.

Sabi ni Direk RC, may pinagbasehan ang writer niya sa kuwentong ito.

May mga ganung set-up na raw sa isang relasyon na payag ang parehong partido na kumilala sila ng iba, dahil ang ending ay sila pa rin.

"Nung nagri-research ako, may mga secret Facebook na ginagawa nila yung open relationship.

"Kasi pakiramdam nila, pag open relationship tayo, mas nagiging trusting yung isa’t isa.

"Kasi wala kayong tinatago, e. Pareho niyong alam kung sino yung pinupuntahan niyo, kasama niyo, yung ganun. Alam nila."

Tingin daw ng mga payag sa open relationship ay kontrolado nila ang path na pipiliin nila.

Paliwanag pa ni Direk RC: "Pero at the end of the day kasi sa open relationship, sila pa rin naman yun, e. It’s just that open lang sila to be with other people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And for that, dahil alam nila yun, mas feeling nila, okay yun. Kasi mas pinagkakatiwalaan nila yung partner nila.

"Na-tackle yun sa movie na may ganun talaga siya. I think, hindi yun para i-judge. Choice nila yun."

JERRY OLEA:

Tinalakay ang open relationship sa pelikulang Open nina JC Santos at Arci Muñoz, na idinirek ni Andoy Ranay.

Official entry ito sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (Setyembre 13-19, 2019). Kasama sa cast nito sina Ina Raymundo, Sofia Andres, Vance Larena, at introducing dito si Ivana Alawi.

Iyong official trailer ng Without You ay mahigit 112K views na mula nang in-upload noong Disyembre 28 sa YouTube channel ng OctoArts Films.

Ngayong Pebrero 8, Miyerkules, limang pelikula ang nag-open sa local cinemas—Latay, The Devil Conspiracy, Magic Mike’s Last Dance, The Point Men, at ang remastered edition ng Titanic.

Sa Pebrero 15 ay makikipagsalpukan ang Without You nina David at Shaira sa Ant-Man and the Wasp: Quantumania.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Pebrero 22 naman ang playdate ng Ako Si Ninoy at The Whale. Sa Marso 1 mapapanood sa mga sinehan ang Creed III, Oras de Peligro, at Martyr or Murderer.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaira Diaz on reunion movie with David Licauco more than three years after their first project together: “I’d like to think na malaking tulong talaga yung timing na ilalabas ngayon dahil nga may Maria Clara at Ibarra, may Lolong."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results