PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gandarang aktres, lumabas ang pagkamaldita sa taping ng daily show

Gandarang aktres, hindi sumunod sa color motif ng damit na isusuot.
by PEP Troika
Published Feb 9, 2023
actress to sue tabloid
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

May pagkamaldita ang image nitong si gandarang aktres. Pero nang lumipat ito ng TV network, magagandang kuwento na ang naririnig namin tungkol sa kanya.

Pinupuri siya ng production staff sa soap na nakatrabaho niya dahil wala raw silang na-encounter na problema sa gandarang aktres na ito. Pinaghandaan na raw nila sakaling magmaldita si gandarang aktres, pero behaved ito.

Kaya lang, iba naman ang kuwento ng ilang nakasaksi nang mag-guest si gandarang aktres sa isang daily show.

Parang wala raw sa mood na dumating ng studio si gandarang aktres, at sumakit ang ulo ng production staff nang ayaw niyang magpalit ng damit para magkakakulay sila ng mga kasamahan niya.

Napag-usapan na kung ano ang color motif ng damit, pero hindi ito sinunod ni gandarang aktres. Ayaw niyang magpalit ng damit para masunod ang napagkasunduang kulay ng damit na isusuot.

Namroblema sila ngayon dahil walang dala yung mga kasamahan niya ng kakulay ng damit ng gandarang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiyang-hiya ang mga kasamahan ni gandarang aktres. Sinabi nila sa production staff na okay lang at sila na ang mag-a-adjust.

Nagpapatulong na lang sila sa paghahanap ng damit na magma-match sa suot ni gandarang aktres. Mabuti at nagawan ito ng paraan sa tulong ng wardrobe department.

Pero pagdating sa taping ng show, wala raw ka-energy-energy itong si gandarang aktres. Kaya tuwing break, nire-remind nila si gandarang aktres na, “Energy naman, please,” at huwag sanang sumimangot.

Inisip na lang nila na baka may pinagdadaanan lang si gandarang aktres na hindi maitago ang nararamdaman, kaya bad mood ito.

Pero bago matapos ang taping, naging okay na raw si gandarang aktres at nadala na siya sa bonggang energy ng mga kasama niya.

Kaya naiisip nilang may kamalditahan taglay talaga si gandarang aktres. Kahit nagpapakabait siya sa trabaho, lumalabas ang pagmamaldita niya paminsan-minsan.

JERRY OLEA

Well, magaganda ang ratings ng mga TV program ni gandarang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumumpong lang siguro ang saltik niya noong araw na iyon, pero tolerable naman. Hindi kahindik-hindik ang pagmamaganda niya, ika nga.

NOEL FERRER

Naku, naku! Akala ko ay cool at madaling kausap itong gandarang aktres…. nakakatawa kasi siya. Para kasing kalinya niya sina Rio Locsin at Lotis Key noong bata sila.

Sana, magaan na lang siya at masaya lang. Huwag na sana sa ganoong saltik! Hindi bagay sa kanya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results