GORGY RULA
Ipinasyal ni Isko Moreno si Korina Sanchez sa kanyang bagong production house na tinawag niyang Scott Media.

Napanood ito sa Korina Interviews ng NET25 nung nakaraang Linggo, February 5, at sinabi ni Isko na bumalik lang siya sa kanyang pinanggalingan: ang showbiz.
Ipinagmamalaki niya ang mga high-end na gamit, at nagsisimula na silang mag-produce ng mga online shows kagaya ng Iskovery Night niya at ang Marites University ng mga kapatid natin sa entertainment press na sina Jun Nardo, Rose Garcia at Ambet Nabus.
Hindi pa niya masagot si Korina kung babalikan ba niya ang pulitika. Maganda lang daw dahil nakakasama niya ang kanyang pamilya dito sa Scott Media.
“Dito na muna ako. With the help of my team, tingin ko dito na kami. I have to make a living. I have to move on with our lives. Grateful also that I get to spend more time with my family,” pahayag ni Isko sa Korina Interviews.
Sabi ni Isko, 48 years old pa lang daw siya, kaya hindi pa raw niya masasabi sa ngayon kung ano pa ang nakalaan sa kanya pagdating niya ng 60, twelve years from now.
Sa tingin naman daw niya ay makakapagbigay siya ng public service sa pagiging content creator.
“Nandun kami sa stage ngayon… we continue to create and create, and hopefully someday we can make a living out of it. And provide opportunities sa ibang tao,” pakli ng dating alkalde ng Maynila.
Bukas, February 12 ay mga Quizon brothers na sina Eric, Epy at Vandolph Quizon ang makakapanayam ni Korina sa Korina Interviews.

Bentang-benta pa rin ang biruan nilang anak raw talaga ni Panchito si Vandolph. Aminado silang kahit pagsama-samahin ang lahat na pagpapatawa nila, hindi pa rin nila mapantayan ang pagpapatawa ng King of Comedy, ang ama nilang si Dolphy.
NOEL FERRER
Parang nag-ex-deal sina Isko at Korina sa kanilang interbyuhan sa kanilang programa, at sa kanilang update-an, parang pareho na sila ng tono ng pagtatanong — light at masaya lang.
Siguro, ganun na nga talaga sila. Iba na ang focus nila sa kanilang mundo ngayon… light, energetic at masaya lang.
Lipas na nga ba ang mga araw ng seryosohan na usapan? We’ll see with Isko and Korina.
JERRY OLEA
Gaganap si Isko bilang Ninoy Aquino sa pelikulang Martyr or Murderer (MoM) na ipapalabas sa local cinemas sa Marso 1 kasabay ang Creed III at Oras de Peligro.
Wala si Isko sa mediacon ng Martyr or Murderer noong nakaraang Huwebes, Pebrero 9, sa Podium, Mandaluyong City. Ang sabi, nasa abroad ito.
Isa sa highlights ng movie ang confrontation nina Isko at Ruffa Gutierrez (na gumanap bilang Imelda Marcos), at naging punto ito ng kanilang diskusyon sa presscon.
Sabi ni Ruffa, “It took us… how many hours, Direk?”
Sagot ni Direk Darryl Yap, “That’s roughly three hours of shoot. Kasi Yorme is not here pero… sabi nga ni Yorme, kinalawang na daw siya, e. Since first movie niya ito in like a decade yata.”
Singit ni Ruffa, “Pero mahusay si Yorme!”
Mabilis na sumang-ayon si Direk Darryl, “Yeah, yeah. Very. So, ang tagal kong naghintay because they don’t want to take it not unless they’re super prepared.
“So they talked muna, silang dalawa, to be very prepared. Then after that, minimal lang kami ng bago. Kasi yun nga, napapa-Taglish minsan si Ruffi.
“'Tapos, minsan si Yorme napapatingin sa kamera. Medyo hindi na sanay, 'no? Medyo politiko si Yorme sa type na parang kinakausap niya yung camera and all.
“But you know, it’s really one of the highlights, yung pag-uusap ni Imelda at Ninoy in New York, 1983 before the assassination.”
Prominent ang mukha ni Isko sa isang poster ng MoM pero below the title ang billing niya. E, di ba, patungkol kina Ninoy at Makoy (Ferdinand Marcos Sr.) ang title ng movie?!
Pahayag ni Direk Darryl, “I don’t have any knowledge when it comes to corporate or the technicality of the posters. Nagulat nga po ako na may ganyan, e. Nung una kong pasok sa showbiz na may mauuna palang ganito, may mauunang ganyan...
“I was talking to Nanay Oro [Elizabeth Oropesa] during the time, during Maid in Malacañang. Nagulat ako na ang chat niya sa akin, ‘Darryl, may mga Urian ako! Dito lang ang pangalan ko?!’
“Sabi ko, ‘Ha?! Anong konek ng Urian sa poster?’ So dun ko nalaman. I was talking to Viva and they said, ‘Ahhh you know, there is a billing,’ and something like that.
“I’m not very particular when it comes to billing. You know what, if I’m particular in billing, e di pinakamalaki pangalan ko diyan.
“Ang ano ko lang po, maybe it’s a business decision. Maybe Viva already talked to Yorme.
“Because when we are casting Ninoy, just like when we are casting the young Imelda, we were given a very short period of time.
“I was thinking of casting Bistek or Herbert, you know to make Ruffa happy. So ngayon… the real kuwento why I opted to do…
"You know what, I’m gonna be very honest, but I really wanted to cast Sir Phillip Salvador to be Ninoy.
“But you know, the schedule, the physique, the looks… it’s not really the Ninoy type.
“So I was asking Senator Imee’s [Marcos] approval, and Senator Imee said to me, ‘I don’t want to meddle when it comes to choosing who the Ninoy is, because I don’t have any power. When it comes to casting, it will be Viva.’
“So I asked my bosses kung sino ang puwedeng i-cast. I have a lot of actors… I want to work with Christopher de Leon. I want to work with those people who played Ninoy before, even in Eskapo, you know.
“They have Goma [Richard Gomez]. They have a lot, a lot. But when I’m hearing the interviews and the videos of former Senator Ninoy—the eloquence, the fluency in both Filipino and English, the kind of appeal that only Ninoy and Ferdinand na sila lang ang meron.
“I think the only actor-politician that can you know be a good match to Cesar Montano… is Isko Moreno.

“And I don’t think even putting Isko’s name at the bottom of the poster will not do justice because Isko is shining in this movie.”
Si Cesar ang Ferdinand Marcos Sr. sa movie. Nasa cast din ng MoM sina Jerome Ponce bilang young Ninoy, Cindy Miranda bilang young Imelda, at Marco Gumabao bilang young Ferdinand Marcos Sr.
