JERRY OLEA
Tama bang tagurian si Cristine Reyes bilang Pandemic Box Office Queen?
Si Cristine na gumanap bilang Imee Marcos ang bida sa pelikulang Maid in Malacañang (MiM), ang pinakamalakas na Pinoy movie last year.
Inihayag sa mediacon ng pelikulang Martyr or Murderer (MoM) na umabot sa P750M ang worldwide gross nito.

Sabi-sabi, yung title na Martyr or Murderer ay tumutukoy either kay former president Ferdinand Marcos (ginampanan nina Cesar Montano at Marco Gumabao) o kay Benigno “Ninoy” Aquino Jr. (ginampanan nina Isko Moreno at Jerome Ponce).
Pero sa posters ng Martyr or Murderer, mukha ni Cristine ang nasa gitna at pinaka-prominent.


Sa mediacon noong Pebrero 9, Huwebes, sa Podium, Mandaluyong City, hindi si Cristine ang huling artistang tinawag at rumampa sa red carpet.
Pagkarampa ni Cristine, magkakasunod pang rumampa sina Ruffa Gutierrez, Cesar Montano at Direk Darryl Yap.
Pero sa open forum, si Cristine ang nakapuwesto sa gitna, katabi si Direk Darryl.

In character ang suot ng mga artista sa presscon. Agaw-pansin ang kinang ng mga hikaw ni Ruffa, pero iyong bughaw na Moroccan kaftan dress ni Cristine ang pinaka-stand out.

Challenging pa rin siyempre ang role ni Cristine bilang Imee sa MoM, at gusto niya iyon.
“This time around, it’s a different kind of challenge naman. So I don’t wanna spoil it. I think it’s better if you guys watch it,” sambit ni Cristine.
May pressure ba sa kanya na mukhang sa karakter pa rin niya nakasentro ang istorya ng pelikula?
Napabuntung-hininga si Cristine, “Well, ahhh… pressure… pressure talaga. As in, like pressure cooker! Ha! Ha! Ha! Hindi!
“Ahhh… totoo naman. Kasi, napakalaki talaga ng role ni Senator Imee Marcos sa kanyang pamilya.
“And maski ako, noong binasa ko yung script noong part 1 and part 2, parang… ahhh, I think sa karamihan, hindi natin alam yung ginampanan ni Senator Imee Marcos back in the day.
“So I think this is a revelation to everyone, even me. So… ahhh… hindi ko alam. Parang nagkataong nangyari sa personal life ko yung parang na-connect din kay Senator Imee Marcos.
“Ahhmm, I’m not saying yung pinagdaanan niya, ganun din ang pinagdaanan ko. But I felt her pain. I felt her being the daughter of the former president, and I felt her humanity.”
Ilang araw na nag-shooting si Cristine sa Morocco.
“Hindi ko in-expect na magiging fun yung shoot namin po sa Morocco. Kasi, mabigat yung mga eksena na ginawa namin dun,” sabi ni Cristine.
“But at the same time, we get to bond din. So yun, maraming discussions. Siyempre ang ganda sa Morocco. First time ko dun.
“When it comes to work, ahh yun mabigat talaga and there was one scene, yung pinaka-last na eksena ko, talagang I needed Direk Darryl to be there and guide me.”
Ano ang mae-expect ng mga manonood sa MoM?
“Ahhhm expectation ko dito sa pelikula na to? Ahhhmm… madurog ang puso niyong lahat. Yun lang,” pagngiti ni Cristine.
Sa Marso 1 ipapalabas sa mga sinehan ang Martyr or Murderer, kasabay ang Hollywood action film na Creed III starring Michael B. Jordan and Jonathan Majors, at ang Oras de Peligro ni Direk Joel Lamangan kung saan bida sina Cherry Pie Picache.
Pebrero 22 naman ang playdate ng Ako Si Ninoy kung saan bida si JK Labajo, sa direksyon ni Vince Tañada.
GORGY RULA
Naniniwala akong pelikula pa rin ni Sen. Imee Marcos itong Martyr or Murderer.
Kahit may anggulong love triangle kina dating Pangulong Ferdinand Marcos, Imelda Marcos at Ninoy Aquino, sa tingin ko ay si Sen. Imee pa rin ang bida rito.
Kaya nga angat sa billing si Cristine at ang mukha niya ang nasa gitna.
Pero may mga nag-react pala sa poster ng MOM na nakapaskel doon sa nakaraang mediacon.
Bukod kay Cristine na nasa gitna, nasa itaas ang litrato ni Cesar Montano at ni Isko Moreno na special participation lang pala siya sa pelikulang ito.
Bakit daw nasa gilid lang si Ruffa Gutierrez at maliit pa ang litrato niya na siya namang gumaganap na Imelda Marcos?
Kung makikita sa billing, inasa taas at first line sina Cesar, Ruffa at Cristine, siguro ang mukha rin nila dapat ang nasa gitna.
Below the title naman si Isko at “in a special role” ang nakakabit sa pangalan niya, pero ang laki ng mukha niya katabi sina Cesar at Cristine.
Kaya tinanong ko ang kampo ni Ruffa, ayaw naman nilang mag-comment. Hindi ako sure kung napagkasunduan nila ito sa Viva at happy na ba sila sa ganung layout ng poster.
NOEL FERRER
Define MALAKAS. Paano naging MALAKAS ang Maid In Malacañang?
Hangga’t hindi tayo nagiging totoo at transparent sa mga bagay-bagay, laging in question ang mga ganitong pagpaparangal o claims.
This is not about Cristine at all. Ito’y tungkol sa kalakaran sa ating industriya at sa ating bayan.
