PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Leandre Adams at Drei Arias, maalab ang kissing scenes sa Baka Sakali

Drei Arias, nag-frontal nudity
by PEP Troika
Published Feb 18, 2023
Drei Arias
Leandre Adams
(L-R) Drei Arias at Leandre Adams, magbibida sa BL movie na Baka Sakali ng AQ Prime. Idinirek ito ni Alejandro "Boy" Ramos at nagsimula nang mag-streaming noong nakaraang Pebrero 14.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

First time magbida ni Leandre Adams sa BL movie na Baka Sakali, katambal ang baguhan ding si Drei Arias.

Baka Sakali movie poster

“Noong nag-fashion show ako sa Thailand, isa sa mga kasama ko doon, BL actor sa Thailand,” salaysay ni Leandre sa mediacon noong nakaraang Martes, Pebrero 14, sa tanggapan ng AQ Prime sa Roces Avenue corner Sct. Reyes St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And he asked me kung nagbi-BL din ako sa Pilipinas. Wala akong idea kasi kung ano yung BL dahil wala naman tayong ganun sa Pilipinas before.

“'Tapos sabi niya, try ko raw panoorin yung BL niya, and then yun. 'Tapos nag-pandemic, sunud-sunod na yung mga Pinoy BL series na naglabasan.

“And then si Drei, minessage niya ako about this project actually. Siya yung nag-message talaga sa akin kung gusto kong maka-partner siya. Kasi nagka-work kami before sa isang palabas sa ABS-CBN.”

Leandre Adams
Drei Arias

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang natutunan niya matapos pumapel na gay na may karelasyong gay rin?

“Matapang po talaga. Kasi dito sa atin sa Pilipinas, hindi pa ganun ka-open ang mga tao when it comes to same-gender relationship,” seryosong tugon ni Leandre.

“Unlike sa ibang countries na open talaga sila. And ang na-appreciate ko dun ay hindi siya ganung ka-complicated, yung relationship ng same gender.

“Kasi sila yung nagkakaintindihan talaga nang mas mabilis, e. Unlike sa babae at lalaki, the normal relationship, may mga hardship din silang pagdadaanan unlike sa same gender na parang kaya siyang pag-usapan at maayos, yung ganun.”

Nakagawa na ng dalawang BL movies before si Drei, ang Don Filipo at Bingwit. Kumbaga, sanay na itong makipaghalikan at makipagharutan sa kapwa lalaki. Si Leandre, first timer. Kumusta siya sa intimate scenes with Drei? Nahirapan ba siya?

“Hindi siya mahirap sa akin kasi nagka-work na kami ni Drei before. And nung nabasa ko na yung buong script, kumbaga nung dumating na kami sa location, hindi na po kasi kami yung nandoon,” saad ni Leandre.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yung karakter na po talaga. So lahat ng ginagawa dun sa eksena ay yung karakter namin. Sa umaga pa lang, automatic na po sa akin, pumapasok na yung karakter.

“So hindi na siya naging mahirap sa akin. Kasi yun na yung istorya niya talaga, e. Mag-partner, then may mga ganitong pangyayari. It’s normal naman sa relationship na may mga ganung pangyayari.”

Ang Baka Sakali ay streaming sa AQ Prime umpisa Pebrero 14, Valentine’s Day. Idinirek ito ni Alejandro “Bong” Ramos, at kasama sa cast nito sina Seon Quintos at April “Congratulations” Gustilo.

NOEL FERRER

Nanood si Leandre ng mga Thai BL series bilang paghahanda sa role niya sa Baka Sakali.

Leandre Adams
Drei Arias

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Leandre, “Doon po ako kumuha ng mga ideas. Sa dami ng napanood ko, iba-iba talaga yung mga atake, nagka-idea na talaga ako, ‘Ah, ganun talaga ang takbo ng istoryang ito.’

“Wala nang problema, OK na. Saka si Drei naman ang katrabaho ko.”

Naku-question ang BL actors kung tunay ba silang lalaki. Ano ang reaksyon niya sa ganun?

“Wala. OK lang. Wala po. Hindi ko siya mina-mind… Bago ako nag-showbiz, nasa modeling industry ako,” lahad ni Leandre.

“I do runways abroad and here sa Philippines. 'Tapos, hindi rin siya bago. Hindi na siya bago lalo na sa akin, like the way I dress.

“Kumbaga, pinuputol ko kasi yung stereotypes sa male models sa Philippines, na dapat pag male model ka, ito lang ang suot mo.

“E ako, more on sa European ako naka-focus yung mga the way I dress, lahat. So wala, hindi ko pinapansin ang mga ganung isyu.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Maalab ang kissing scenes nina Drei at Leandre.

Nang tanungin si Leandre kung ano ang lasa ng halik ni Drei, hindi agad siya nakasagot.

Sabi ni Leandre afterwards, “Hindi ko ma-explain. Kasi siyempre, iba-iba yun sa tatlong araw. OK naman talaga… lasang pagmamahal! Hahahahaha!”

Nag-frontal nudity si Drei sa eksenang hinubaran ito at binihisan ni Leandre, at noong nagpa-litrato ito sa may falls. Si Leandre, hanggang butt exposure lang.

Katuwiran ni Leandre, “Dahil po sa family. Marami po sa family namin ang may edad na. Respect na lang din po sa kanila.”

Pinagbawalan siya ng mga ito?

“Hindi naman sa bawal pero kilala ko na po sila… Nag-aabang nga po sila sa movie kaya kinakabahan din ako, at the same time kung ano ang kalalabasan sa movie,” sambit ni Leandre.

“So far naman po, sobrang linis, sobrang ganda ng gawa. As in, puwede sa kanilang panoorin po.”

Ano ang feeling niya sa eksenang hinubaran niya si Drei at tumambad sa kanya ang private part nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In character, ang nararamdaman ko nun, nung hinatid ko siyang lasing at binihisan… kung nasubaybayan niyo talaga yung nagsa-shower ako, pinagnanasaan ko siya,” pagngiti ni Leandre.

“Personally sa akin, wala na rin po akong masyadong reaction noon. Kasi nga, gumawa na si Drei ng mga ganyan din po. So normal lang din siya, trabaho naman po.”

Maalab ang romansahan nila sa shower at sa kama. Meron bang na-arouse?

Natawa si Drei, “Sa amin? Hahahaha! Si Drei, meron… nagkaroon… dun sa bed scene. Nagpa-cut po talaga kami!

“Sabi ni Drei nung time na yun, ‘Direk, wait lang po!’ ‘Bakit?!’ ‘Direk, natigasan ako.’ Hahaha! So nagtawanan lang kami.

“Hindi rin naman po nagtagal yun. Hindi naman umabot sa malala!”

Sa story ay si Leandre ang bottom. Saang parte nadarang si Drei?

“Yung pababa ako, nung nagpo-foreplay kami. Nung naramdaman ko siya, nagpa-cut na agad si Drei!” bulalas pa ni Leandre.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Drei Arias at Leandre Adams, magbibida sa BL movie na Baka Sakali ng AQ Prime. Idinirek ito ni Alejandro "Boy" Ramos at nagsimula nang mag-streaming noong nakaraang Pebrero 14.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results