PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ant-Man: Daddy Issues at The Whale

Ant-Man and The Wasp: Quantumania, naka-$250M na worldwide.
by PEP Troika
Published Feb 22, 2023
quantumania the whale
(Left) Ant-Man and The Wasp: Quantumania stars Jonathan Majors, Evangeline Lilly, and Paul Rudd; (right) Brendan Fraser delivers a heartfelt performance in The Whale.

JERRY OLEA

Parehong may daddy issue ang Hollywood films na Ant-Man and the Wasp: Quantumania at The Whale. Pero magkaibang-magkaiba ang kanilang sense and sensibility and what have you.

Overloaded with CGI (computer-generated imagery) ang quantum realm ng Quantumania. Multiverse kung multiverse ang eme.

Umaatikabo ang maaaksyong eksena ng limang bida na sina Paul Rudd (Scott Lang/Ant-Man), Evangeline Lilly (Hope van Dyne/Wasp), Michelle Pfeiffer (Janet van Dyne), Michael Douglas (Hank Pym), at Kathryn Newton (Cassie Lang) kontra kay Jonathan Majors (Kang the Conqueror) at mga alipores nito.

quantumania

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang The Whale ay halaw sa dula ni Samuel D. Hunter at halos sa munting bahay ng reclusive teacher na si Charlie (Brendan Fraser) naganap ang lahat. Nakaka-claustrophobia.

Hirap gumalaw ang mala-balyena sa katabaan na si Charlie. Ang blood pressure niya, 238/134. Natumba siya at nalugmok nang magtangkang tumayo at lumakad nang walang walker.

Ikatlong Ant-Man movie na itong Quantumania.

Iyong Ant-Man (2015) ay naka-focus kung paano naging Ant-Man ang petty criminal na si Scott Lang. Andito na si Hope van Dyne.

Sa sequel na Ant-Man and The Wasp (2018), sanggang-dikit na sina Ant-Man and The Wasp. Markado ang characters ng mag-asawang Hank Pym at Janet van Dyne, ang orig na Ant-Man at The Wasp, respectively.

Ang Ant-Man and The Wasp: Quantumania (2023) ang unang pelikula sa Phase Five ng Marvel Cinematic Universe (MCU). Ipinakilala rito si Kang the Conqueror na alternate-timeline ng karakter na si He Who Remains, ang lumikha ng Time Variance Authority (TVA) na ipinakilala sa finale ng unang season ng Disney+ series na Loki.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ika-31 pelikula na sa MCU itong Quantumania. Kung hindi nasubaybayan ng manonood ang mga pelikula sa MCU, at walang alam sa mga spin-off series, baka hindi masundan nang lubos ang takbo ng istorya nito.

Sa psychological drama na The Whale, umikot sa mala-balyenang si Charlie ang kuwento.

Labas-masok sa bahay niya ang nag-iisang kaibigan niya na si Liz (Hong Chau) na isang nars, ang daughter niyang si Ellie (Sadie Sink) na ilang taon niyang hindi nakita, at ang misyonaryo ng New Life Church na si Thomas (Ty Simpkins).

Sa latter part ng kuwento ay nagkatuos din sila ng ex-wife niyang si Mary (Samantha Morton).

the whale

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinalabas sa local cinemas ang Ant-Man and the Wasp: Quantumania umpisa Pebrero 15. Nakipagsalpukan dito ang Without You nina David Licauco at Shaira Diaz.

Naunang ipalabas sa Pilipinas ang Quantumania kesa sa North America, kung saan Pebrero 17 ito nag-showing doon.

Inalipusta ng mga kritiko ang Quantumania, pero tinangkilik pa rin ito ng marvelous moviegoers.

Ang opening weekend gross (Pebrero 17-19) ng Quantumania sa takilya ng U.S. at Canada ay $106.1M. Napakalayo ng agwat sa pangalawa, ang Avatar: The Way of Water na naka-$6.55M.

Umabot na sa $250M ang worldwide gross ng Ant-Man and the Wasp: Quantumania. Ito ang unang blockbuster ng taong 2023. Ito na ang pinakamalakas globally so far sa movies na nag-open this year.

Iyon namang The Whale ay nag-premiere sa 79th Venice International Film Festival noong Setyembre 4, 2022. Nagtamo ito ng six-minute standing ovation doon.

Noong Disyembre 21, 2022 nag-wide release ito sa U.S.

Take note na noong Disyembre 16 nag-umpisang mag-showing sa Tate ang Avatar: The Way of Water.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Polarized ang reviews ng mga kritiko sa The Whale, pero pinuri ng karamihan sa kanila ang pagganap nina Brendan Fraser at Hong Chau.

Tatlo ang nominasyon ng The Whale sa 95th Academy Awards — best actor (Brendan Fraser), best supporting actress (Hong Chau), at best makeup and hairstyling.

Read: Oscars 2023 nominations: Filipino actress Dolly de Leon snubbed for Best Supporting Actress

Ang 95th Academy Awards o Oscars ay gaganapin sa Marso 12 sa Dolphy Theater ng Los Angeles, California.

Kalaban ni Brendan sa kategoryang best actor sina Austin Butler (Elvis), Colin Farrell (The Banshees of Inisherin), Paul Mescal (Aftersun), at Bill Nighy (Living).

Ang production budget ng The Whale ay $3M. Humamig na ito ng $23.9M worldwide.

Palabas sa Pilipinas ang The Whale umpisa ngayong Pebrero 22, Ash Wednesday, kasabay ang Ako Si Ninoy ni JK Labajo, Bakit Di Mo Sabihin? nina JC de Vera at Janine Gutierrez, at Sound of Silence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

bakit di mo sabihin

GORGY RULA

Malaking pelikula ang Ant-Man and the Wasp: Quantumania. Maliit na pelikula ang The Whale.

Sa Quantumania, nag-shrink at naging “higante” sa quantum realm si Ant-Man.

Sa The Whale, mahigit 300 pounds iyong prosthetics na isinuot ni Brendan Fraser.

Napaka-yummy ni Brendan sa mga pelikulang George of the Jungle (1997) at The Mummy trilogy… The Mummy (1999), The Mummy Returns (2001), at The Mummy: Tomb of the Dragon Emperor (2008).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Fifty-four years old na ngayon si Brendan.

Ang distributor ng The Whale sa Pilipinas ay ang TBA Studios, na siya ring nag-release recently ng Triangle of Sadness, Plan 75, at Nocebo kung saan may mga artistang Pinay na kasama sa cast.

Kabahagi naman sa The Whale ang Filipino-American cinematographer na si Matthew Libatique, na dalawang beses na na-nominate sa Oscars.

Matagal na siyang katuwang ni Darren Aronofsky, ang direktor ng The Whale, na nagdirek din ng Black Swan (2010, Noah (2014), at mother! (2017).

matthew libatique

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Kausap ko ang mga tagasinehan at totoong kahit unti-unting nakaaangat na ang sales nila since the pandemic, hindi pa rin ganoon ka-full swing ang pagbabalik ng Pinoy moviegoers.

Tila ito talaga ang hard hit ng streaming platform na nakasanayan na ng mga tao noong pandemya. Mukhang ito ang dapat na mas i-address ng stakeholders natin sa ating industriya.

Marami pa ring gumagawa ng mga bagong pelikula. Maganda iyan.

Pero sino ang manonood at saan nila ito panonoorin? Sa sinehan pa rin ba?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Ant-Man and The Wasp: Quantumania stars Jonathan Majors, Evangeline Lilly, and Paul Rudd; (right) Brendan Fraser delivers a heartfelt performance in The Whale.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results