PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alfred Vargas, proud sa casting coup para sa pelikulang Pieta

Alfred, kinuwento kung paano "umakyat ng ligaw" kay Nora Aunor
by PEP Troika
Published Feb 26, 2023
Alfred Vargas
Pieta producer Alfred Vargas, proud na proud sa nabuong cast ng pelikula na kinabibilangan nina Nora Aunor, Gina Alajar, Jaclyn Jose, Bembol Roco, Ina Raymundo, Angela Bayani at Tommy Alejandrino. Ayon kay Alfred, galing sa direktor nilang si Adolf Alix, Jr. ang idea para sa casting ng Pieta.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Casting coup ang pelikulang Pieta na sisimulan ang shooting sa Marso.

Sa storycon ng Pieta noong Pebrero 4 ay inihayag na sina Nora Aunor, Gina Alajar at Alfred Vargas ang mga bida sa bagong pelikulang ididirek ni Adolf Alix, Jr.

Ini-reveal ni Direk Adolf nitong Pebrero 26, Linggo ng hapon, sa Windmills and Rainforest, Sct. Borromeo St., Quezon City na kasama rin sa cast sina Jaclyn Jose, Bembol Roco, Ina Raymundo, Angeli Bayani, at Tommy Alejandrino.

Kuwento ni Alfred na producer ng movie, “I’m very grateful to Direk Adolf Alix na siya talagang nag-assemble nitong napakagandang pelikulang ito.

“At kay Ate Guy, the one and only Superstar Nora Aunor na because of her, andaming pinto ang nagbukas ng mga napakagandang opportunities para sa akin, at para sa marami pang mga aktor.”

Gustong kunin noon ni Direk Adolf si Alfred sa first movie niyang Donsol (2006) na nag-lock in shooting sa Sorsogon, pero hindi puwede sa schedule ni Alfred, kaya napunta ang role kay Sid Lucero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkatrabaho muli sina Alfred at Direk Adolf sa Kapuso afternoon drama series na Arabella, na nakatakdang umere umpisa Marso 6.

Lahad ni Alfred, “Noong nakatrabaho ko si Direk sa Arabella, ang gaan. Ang sarap katrabaho, ‘tapos ang ganda ng show.

“And even way before, noong napanood ko ang Donsol, talagang sayang na sayang ako. Sabi ko, ‘Sayang, it was a role that I really wanted to do.’

“Kaso nga lang before, alam niyo, nung ano pa tayo, puro teleserye. Nagkaroon tayo yata ng Encantadia saka Daisy Siete. Pinagsasabay ko. Hindi talaga puwede na gawin ko yung Donsol.

“Pero alam ko, from the start, I wanted to work with Direk Adolf, one of the best directors of Philippine cinema today.

“Hindi lang yun, ang sarap pang katrabaho, magaan and ako, yung concept pa lang, talagang nagustuhan ko na, yung kuwento pa lang ng Pieta.

“Nagustuhan ko na talaga. And hindi ko in-expect, magiging ganito siya kaganda, you know, with the cast na ganito kabigatin. And I feel so humbled talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Tatlo sa pinakamahuhusay na aktres ng pelikulang Pilipino sina Nora Aunor, Gina Alajar at Jaclyn Jose.

Ano ang pakiramdam ni Alfred na makikipagtagisan siya ng akting sa mga ito?

“Siyempre, sino ba naman ako compared sa kanila? Napakasimpleng aktor lang ako dito. Ako ang pinakabaguhan kung tutuusin mo dito sa project na ito,” mapagkumbabang sabi ni Alfred.

“And I’m just excited. Yung excitement ko, siyempre may halong malawak at malaking kaba, pero kapantay lang din ito ng excitement ko na makatrabaho sina Tito Bembol, si Ms. Ina, si Superstar Ate Guy Nora Aunor, Gina Alajar saka si Ms. Jaclyn Jose.

“Kasi alam ko marami pa akong matututunan sa kanila. And alam ko rin naman, marami pa akong bigas na kakainin pero yun ang nag-e-excite sa akin.

“Kasi for someone like me, and feeling ko naman lahat ng artista ganito. Pangarap ng bawat artista na magkaroon ng ganitong project.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And ito yung pangarap ko, na matutupad so. So I’m just so excited. Gusto ko na ngang mag-Day 1 ng shooting. And I can’t wait to see the final product.”

GORGY RULA

Ipinagdiinan ni Alfred na idea ni Direk Adolf ang casting ng Pieta.

Ani Alfred, “Masaya na ako sa script, e. From the start, nung nabasa ko yung script, yung concept, di ba, sabi nga sa Jerry Maguire, ‘You got me at hello.’

“Ako, ‘You got me at Pieta.’ Talagang dun ako nag-ano, so wala na akong expectations. ‘Tapos, nung tinanong ko si Direk, ‘Sino yung ika-cast natin sa babae?’

“Kasi OK na ako, e. Ang approach ko initially, indie. Na puwede naman basta alam mo yung kuwento, puwede na.

“’Tapos, nagulat ako, sabi ni Direk Adolf, ‘Baka puwede si Ate Guy, Nora Aunor.’ ‘HA?! Sigurado ka, Direk?! Ha?! Ano ang dapat gawin?’

“So yun na nga, umakyat tayo ng ligaw, and after learning na ang dami palang projects na tinanggihan ni Ate Guy… nagulat ako, pumunta ako mismo sa bahay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And nung time officially na pumayag siya, kinilabutan ako nun. Kasi at the same time nai-starstruck ako kay Ate Guy.

“Kasi face-to-face andun kami sa bahay, kumakain. Napakabait! Yung talagang… wow, Superstar, ganito ka-humble!

“’Tapos, yun na, nung pumayag na si Ate Guy, that’s when all the doors opened. Andami na, dire-diretso na.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pieta producer Alfred Vargas, proud na proud sa nabuong cast ng pelikula na kinabibilangan nina Nora Aunor, Gina Alajar, Jaclyn Jose, Bembol Roco, Ina Raymundo, Angela Bayani at Tommy Alejandrino. Ayon kay Alfred, galing sa direktor nilang si Adolf Alix, Jr. ang idea para sa casting ng Pieta.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results