PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos & Christopher de Leon Movie Shoot

"Hindi kami yung love story na pa-cute."
by PEP Troika
Published Feb 27, 2023
Vilma Santos
"It’s a love story. Pero... hindi kami yung love story na magbabata-bataan kami o pa-cute. The love story ay may kinalaman na rin kung ano yung edad namin ngayon. And at the same time, istorya ng OFW na fell in love in Japan, sa edad namin."
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA:

Sobrang excited ang Star For All Seasons Vilma Santos nang humarap siya sa ilang miyembro ng entertainment press ngayong umaga ng Lunes, February 27, 2023, sa Society Lounge ng The Atrium sa Makati City.

Kinumpirma ni Ate Vi na matutuloy na ang pelikulang pagsasamahan uli nila ni Christopher de Leon, na kilala rin sa palayaw na Boyet.

"I’ll be doing a movie with Boyet, Christopher de Leon. We will shoot in Japan. We’re leaving anytime March," bungad ni Ate Vi.

Dagdag niya tungkol sa iba niyang proyekto: "And then, I’m excited also to do a movie with Erik Matti. Kasi tapos na yung script.

"So we will try finalize the script ng movie ko naman with Erik Matti on March 13.

"So, far ito yung mga nakalinya. And then, I’ve been looking forward din ako ng isang movie with Star Cinema. Eto, yung so far mga future na gagawin ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa siya sure sa final title ng pelikulang gagawin nila ni Boyet, pero pinag-iisipan pa raw ang working title na I’m So In Love With You o True Love in Kyoto.

Inilunsad si Ate Vi bilang endorser ng Angkas kunsaan magiging bahagi siya sa ikinakampanyang mapaunlad ang motorcycle taxi industry sa ating bansa.

Naikuwento sa amin ng co-founder at CEO ng kumpanya na si George Royeca na hindi lang sa Metro Manila umiikot ang [ride-hailing service], kundi meron na rin sa Cebu at Cagayan de Oro.

Vilma Santos and George Royeca

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero sa endorsement ni Ate Vi, iikutin nila ang iba’t ibang bahagi ng bansa para ipakilala ito at mabigyan sila ng pagkakataong mabigyan ng kabuhayan sa pagkakaroon ng motorcycle taxi.

Nung nasa Kongreso pa si Ate Vi, naging bahagi siya sa House Committee on Labor and Employment at House Commitee on Poverty Alleviation.

Kaya gusto raw niya itong ginagawa nilang pagbibigay ng kabuhayan sa ating mga kababayan.

READ: Luis Manzano inintriga ang inang si Vilma Santos kung TOTGA nito si Christopher de Leon

NOEL FERRER:

Dagdag-excitement kay Ate Vi na hindi lang niya leading man dito si Christopher de Leon, kundi associate director din ng movie.

"It’s a love story. Pero yung istorya nun, sa edad namin. Hindi kami yung love story na magbabata-bataan kami o pa-cute.

"The love story ay may kinalaman na rin kung ano yung edad namin ngayon. And at the same time, istorya ng OFW na fell in love in Japan, sa edad namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It’s a very simple story, pero malalim pag pinag-usapan yung love. First time niya akong ididirek. So, I’m excited,” pahayag ni Ate Vi.

JERRY OLEA:

Nae-enjoy ni Ate Vi ang pagbabalik-showbiz niya na ibang-iba sa regular schedule niya nung isa pa siyang public servant.

Nakakatuwa raw na ginagawa na niya ngayon ang dati niyang ginagawa bilang artista nung wala pa siya sa pulitika.

Pahayag ni Ate Vi: "Na-miss ko talaga kasi naging third priority ko yung showbiz e, nung mag public servant ako. May time kasi ako to sleep well.

"Hindi na ako kailangang gumising minsan nang 3:00 a.m. kasi pupunta ako sa isang isla.

"Kailangan sa ano ka sa balsa, kailangan by 5:00 a.m. umaandar ka na, 3:00 p.m. pabalik ka na, kasi mataas na yung alon. So, kailangan gumising ka ng 3:00 a.m.

"Ngayon, meron na akong sarili kong time. Pag gusto kang magpahinga, meron na akong time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I don’t want to work muna. The thing that I’m enjoying now, nabalik ko yung sarili kong oras."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It’s a love story. Pero... hindi kami yung love story na magbabata-bataan kami o pa-cute. The love story ay may kinalaman na rin kung ano yung edad namin ngayon. And at the same time, istorya ng OFW na fell in love in Japan, sa edad namin."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results