#EatBulagaWar
NOEL FERRER
Paggising ko kaninang umaga, nagulat ako, March na pala. Ang bilis ng araw!
At ang sabi sa aking daily devotions: “March is a game changer month and we’re all entering different chapter on our journeys. This is a time of complex and profound shifts that trigger our hunger for truth, for wisdom, for awakening, for freedom and for soul searching. This month, we have major things happening.”
Parang gusto kong maniwala rito.
Sinubok tayo at pinatatag ng pagkakataon.
Mula Aparri hanggang Jolo, saan ka man, apektado tayo ng mga nangyayari sa paligid natin — sa showbiz man o sa labas nito.
Ang gabay natin, doon tayo sa tama at mabuti. And the lesson to be lived out here is that of gratitude!
Salamat sa Diyos and we are blessed with good people who have guided our way in this industry.
Kaya may mga major changes man o nakakagimbal na mga pagbabago, chill lang tayo dahil kumakapit tayo sa T — Tama, Tatag, Totoo at Tried and Tested na dabakads mo na pamilya mo na’t kapuso all these years.
GORGY RULA
Kaya paghandaan natin itong pasabog na balitang bubulaga sa atin sa mga darating na araw.
Hindi ko pa rin maisip kung mangyayari ang malaking pagbabagong ito sa isa sa long-running show sa kasaysayan ng telebisyon.
Malaki ang pagbabago, lalo na kung matutuloy ang pamamaalam ng taong namamahala ng programang ito. Isa pa naman siya sa well-loved at iginagalang sa showbiz.
Abangan na lang natin kung ano ang magiging desisyon ng mga taong sangkot sa programang ito.
Mapapanood pa kaya natin sila kung sakaling magkaroon ng malaking pagbabago?Ano kaya ang magiging desisyon ng mga taong itinuturing na poste sa programang ito?
Hindi ko pa rin maisip kung ano ang mangyayari kung matutuloy itong malaking pagbabago.
Pero ang iiral dito ay loyalty, tunay na pagkakaibigan, pagmamahal sa trabaho, at commitment sa mga taong patuloy pa ring sumusubaybay sa kanila.
Abang-abang na lang tayo! Huwag lang sana tayo mabilaukan sa ating pananghalian kung magbibigay sila ng mahalagang announcement isa sa mga araw na ito.
JERRY OLEA
Abra, abra, abra! Hindi kailangang maging Filipino genius upang mahinuha ang ipinahihiwatig ng ating mga stomach.
Rebranding ba ito?
Hopefully… ang pagbulaga ng pagbabago ay magbibigay ligaya sa mga kabarkada mula Mavulis Island ng Batanes hanggang Saluag Island sa Tawi-tawi.
